"Life can be understood backward but we must live forward".

0 46
Avatar for Ceddy-lim
3 years ago

Today is november 6 of 2021 masyadong mabilis ang lahat kung noon isa pa lamang akong bata na walang muwang sa mundo ,ngayon ang mundo na ang nagbibigay ng muwang sa aking isipan. Andito ako ngayon nakaupo nakikinig ng lofi song habang ginagawa itong artikulo patungkol sa buhay. Ang saya lang , napupuno ng galak ang aking puso sa kabila ng mga pinag daanan sa buhay ay patuloy padin akong umaasa na isang araw ang lahat na pag hihirap sa buhay ay mawawakasan. Sa tuwing naaalala ko ang mga nag daang panahon ay hindi ko mapigilang tumulo ang mga luha sa aking mata. Iniisip ko bakit ganito ang buhay ko, bakit madaming taong nag dudusa sa ating mundo.

Ngayon ko lang naalalang muli ang nakalagay sa aking bio sa fb, "Just enjoying my life with error, 4xx code occur, padayon" hindi ko alam kung bakit inilagay ko ito matagal na. Ngayon ko lang na pagtanto na tama nga ang nasa bio ko, patuloy akong nakatatanggap ng mga problema sa buhay ko. Ang terminong "4xx code" sa computer language ay isang uri ng error sa program na kapag ini-run ang program ay may lalabas na "404 not found" isang runtime error kung tawagin. Sa pag daan ng panahon ay patuloy ako/ kaming dinadagsa ng mga problema , nagsimula ang lahat ng mag kasakit ang aking ina, kakulangan ng pera, madaming bayaran na utang , nag kasakit ako, nanakawan ng gamit at kung ano ano pa. Hindi madali ang lahat na iyon lalo na kung may pangarap ka sa buhay.

Isa ako sa palaging nag tatanong sa Dios bakit ganito ang buhay, bakit kailangang humantong sa ganitong sitwasyon ang buhay ng aking ina. Nang umulan ng problema halos sinalo namin pero iniisip ko may karapatan nga ba akong mag reklamo sa buhay na pinahiram lamang saakin? Kailangan ko bang sisihin ang sino man dahil lamang sa kinakaharap naming problema ngayon? Yan ang mga tanong na pilit kong hinahanapan ng sagot. Hinahanap ko ang sagot saan mang sulok ng mundo at ito'y aking natagpuan, hindi ko nahanap ang kasagutan saan mang sulok ng mundo bagkos ay nahanap ko ang kasagutan mula saaking sarili .

Ang aking natuklasan.

Sa aking pakikipag-baka sa mundong ibabaw ay nahanap ko ang mga kasagutan sa lahat na aking katanungang gumugulo sa aking isipan. Hindi ko dapat tinatanong ang Dios sa ano mang bagay lalo na sa mga problemang dumadaan sa aking buhay bagkus ay pasalamatan siya sa lahat ng bagay mapa blessing man o hindi ay dapat na mag pasalamat. Hindi dapat ako mag reklamo ng mag reklamo dahil ganito ang aking nararanasan bagkus ay manalig sa may kapal. Hindi ako pinanganak upang mag reklamo lamang habang buhay, hindi pinanganak ang tao upang gawin ang bagay na iyon.

Ang tunay na mission ng buhay ng isang tao

Kung maaalala natin ang pag sasakripisyo ng ating panginoong Hesus ay malalaman natin ang tunay na kahalagahan ng buhay natin. Hindi tayo nabuhay upang magtrabaho lamang sa isang kompanya o kaya ay travel sa ibat ibang lugar at ang mag saya lamang sa mundong ibabaw kundi ang gumawa ng kabutihan sa kapwa at sundin ang mga kautusang galing sa Dios upang saganon ay makasama natin siya sa kabilang buhay.

Hindi totoo na madaya ang mundo, hindi totoo na pinabayaan tayo ng Dios dahil sa katunayan ay may nakalaan ng plano para saating lahat. Hindi ibig sabihin na madami kang problema ay pinabayaan kana bagkus ay tinutulungan tayo ng Dios na may lalang. Ang problema ang siyang nagiging pundasyon ng ating pananalig sakanya at ang daan upang patuloy tayong lumaban sa buhay na marahas.

Lahat na mga kaganapan sa ating buhay ay may dahilan, may dahilan kung bakit ka nadadapa at may dahilan kung bakit ka lumuluha ngayon. Di maglalaon ay titila din ang iyong mga luha at babangon muli ang mga taong nadadapa.

Isa ako sa mga nag papatunay na ang problema ay hindi hadlang sa pag kamit ng mga pangarap sa buhay. Hindi hadlang ang kahirapan upang maabot ang mga pangarap sa buhay. Natuto akong bumangon sa pag kakadapa, natuto akong palaguin ang aking sariling kakayahan, natuto akong makipag-baka sa mga tao , natuto akong magmahal at higit sa lahat ay natuto akong mag patawad sa mga taong nanakit saakin. Ang lagi ko lamang hiling sa may kapal ay ang kaligtasan ng aking ina at ang kaligtasan ng aking pamilya maging ng mga taong may mabubuting kalooban.

Mahirap ang buhay ngunit palagi kong pipiliin ang mag patuloy sa kung ano ang aking nasimulan, mag papatuloy ako sa pag aaral ng programming upang matulungan ko ang aking ina na may sakit, ang aking mga kapamilya at ang mga taong nangangailangan ng tulong. Hindi ako mag sasawng mag pasalamat sa may kapal dahil hindi siya napapagod na gabayan tayo at mahalin.

Gagawin kong instrumento ang nakalipas , ang kahirapan at ang aking pamilya upang makamit ang aking mga panagarap sa buhay. Hindi ako mapapagod na mag sagwan sa buhay kahit may bagyo man na dumating.

-Young programmer ng bicol-

@Ceddy-lim -

Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty

4
$ 1.34
$ 1.34 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty
Avatar for Ceddy-lim
3 years ago

Comments