I'm thinking of cloning Read Cash !

0 33
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Since isa akong Web developer kayang kaya ko gumawa ng web site kagaya nitong Read Cash at i-manage ang database. Magandang i-clone ang read cash at gawan ng domain name para ma-access ng ibang tao at makapag publish sila ng mga gusto nila at higit sa lahat ay mag ka pera ang mga writer. Kagaya ng Read Cash may bot din na mamimigay ng mga tips para sa mga interesting articles.

Cloning Read Cash is very challenging and exciting ! Lalo na kung alam mong mag kakapera ka ng malaki. Kung gagawin ko ang bagay na ito ay pwede akong kumita ng limpak limpak na pera na walang iniindang pagod dahil ang mga writer ang mag papagod at ako lang ang taga kuha ng pera. Ngunit hindi ako isang masamang tao para gawin ang bagay na yan.

Sa tuwing naiisip ko ang masamang bagay na yan , ang pag clone at ang pag peke sa Read Cash ay nakokonsensya ako at pakiramdam ko ay wala na akong kapatawaran.

Galing din ako dito sa Read Cash at madami akong nakukuhang idea at syempre nakakakuha ng tips from bot , kaya malaki ang utang na loob ko sa Read Cash.

Siguro kung napakasama kong tao ay ginawa ko na ito noon pa yong nag sisimula palang ako dito sa read cash. Siguro mayaman na ako ngayon pero wala eh di ko kayang mang loko ng mga tao at lalong hindi ko kaya na nakawin ang pera ng ibang tao.

Sobrang namamangha ako sa developer ng Read Cash kasi kayang kaya niya naman nakawin lahat na pera dito since may access siya sa database ng Read Cash pero hindi niya ginawa mas inisip niya ang mga writer dito. Isang tunay na kabayanihan ang ginawa ng Read Cash developer para sa mga writer na kagaya ko.

Sa may ari ng Read Cash wag kayong mag alala hindi ko gagawin ang pag clone ng read cash at pag kakitaan ng pera. Ang inyong pangalan ang nakataya dito, kapag nag kaproblema at nalaman ng tao na ninakaw ang pera nila at yong clone na read cash ang may kasalan ay kayo ang mapag bibintangan.

Kaya naman ay mag sisipag nalang ako sa pag gawa ng mga small project at pag gawa ng mga articles kaysa dayain ko ang mga tao pati narin ang aking sarili. Mas mabuti nang kumain ng daing na galing sa pinag paguran kaysa sa karne na galing sa pag nanakaw ng pera ng ibang tao.

Sapat na ang mga nakukuha kong pera ngayon at wala akong balak na gamitin ang kakayahan ko sa maling gawain. Ang programming ay ang siyang magiging daan ko sa pag kamit ng marangya at matiwasay na buhay.

Mag aantay ako ng tamang oras para makagawa din ako ng kagaya ng Read Cash na nakakatulong sa mga tao at para maipayahag nila ang kanilang saloobin at mga idea na nasa isip nila.

-Young Programmer of Bicol-

3
$ 0.39
$ 0.39 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Comments