Forever thankful to you my lord.

0 27
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Mahirap man gampanan ang papel ko sa mundong ibabaw ay nanatili padin akong ako nga. Sa pag lipas ng panahon madaming nag babago sa buhay ng isang tao, nag babago pati na ang kanyang kakayahan at paniniwala. Kung noon ang isang taong mahina ngayon ay bihasa na sa kanyang tinahak na landas. Mahirap man patunayan sa mundo kung ano ang kaya mo ay nananitili ka pading mahinahon at mapagkumbaba. Lahat ng bagay ay may kahahantungan, kung gusto mong maging The best out of the best of yourself ay kailangan mong gawin ang best mo sa bawat araw. Harapin mo ang bawat araw na may takot sa Dios at harapin mo ito ng may pananalig sakanya upang magawa mo ang nararapat.

Humingi ka ng gabay sa amang nasa kalangitan nang saganon ay palagi ka niyang pangunahan sa lahat na iyong hakbang. Kung gusto mong maging matagumpay sa buhay ay ipag pasa dios mo ang iyong plano, lagi mo siyang unahin at natitiyak ko na uunahin ka din niya.

Sa pag gawa ng hakbang ay siguraduhin lamang natin na ito ay maliit lamang upang hindi tayo madapa at mawalay sa hanay ng mga taong may mabubuting kalooban. Lagi nating isaisip na ang taong marunong mag antay sa planong nakalaan para sakanya ay nagiging matagumpay ito. Nagiging matamis ang bunga kapag hindi pinilit.

Nawa'y sa pag lipas ng panahon ay manatili sa mga kabataan ang pag mamahal para sa kapwa, ang pagmamahal sa kapwa tao ay siyang nagiging daan sa katahimikan at kapurihan ng dios, mahirap man manitili sakanyang daan ay natitiyak akong hindi niya tayo pababayaan at lagi niya tayong gagabayan.

Makakamit natin ang tunay na kaligayahan at kapahingahan ay tanging kay Hesus lamang makakamtam, wag tayo matakot na mag tiwala sakanya kagaya ng pag titiwala niya sa ating Ama.

Isang araw mamamalayan nalang natin na nasa kaharian na tayo ng bugtong na anak ng Dios, naninirahan ng payapa at masagana kaya nararapat lamang na luwalahatiin natin siya ng buong buo at sambahin mag pakailan man.

Wag tayo mapagod na mag pasalamat at mag mahal dahil hindi siya napapagod na mahalin tayo at patawarin ng paulit ulit. Isang tunay na kayamanan ang inihandog saatin ng Amang nasa kaitaasan.

Mabubuhay tayo na may galak at puno ng pag mamahal mag pakailan man.

Ako na isang batang patuloy na nangangarap ay inaalay saiyo ang buhay at espiritu , nawa'y lagi niyo akong gabayan at bigyan ng lakas upang magampan ko ang aking mga gampanin sa buhay, hayaan mo akong lumaki na may takot sa iyo at puno ng pagmamahal para sa lahat.

Nag papasalamat ako sa lahat lahat na aking natamo, sa pag bibigay saakin ng lakas at pag asa araw araw. Aming Ama kayo na po ang bahala saaming lahat, nawa'y manahanan saaming puso ang iyong pag mamahal na mag pahanggang kailan pa man.

4
$ 1.43
$ 1.43 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Ceddy-lim
empty
empty
empty
Avatar for Ceddy-lim
2 years ago

Comments