Enjoying my life with readcash.
Sa dinadami ng tao sa mundo, isa na ata ako sa mga pinakamaswerteng nabubuhay sa balat ng lupa dahil sa mga kasiyahan kong natatamo . Sa pamamagitan ng pag bibigay ng kahulugan sa buhay ay mas lalo kong nararamdaman ang tunay na kasiyahan.
Ang kasiyahan na nag mumula sa puso ang siyang nagiging dahilan kung bakit ako palaging lumalaban. Sobrang saya ko ngayong araw dahil sa mga bagay na nakikita ko lalo na yong nakaraan. Mga masasalimoot na nakaraan na hanggang balik tanaw na lamang ngayon. Napapangiti nalang bigla dahil sa mga hirap ng pinag daanan ay patuloy paring lumalakbay. Isa ang readcash sa mga naging saksi kung paano ko nalagpasan ang mga hamon sa buhay. Mga pag subok na tila ba walang lunas at katapusan ngunit katulad ng sabi ng iba "Lahat ng bagay ay may katapusan" . Yan ang aking pinaghugutan ng lakas sa madugong labanan at pananatili sa may kapal ang siyang naging sandata.
Ngayong taon hindi ko alam kung anong mga kaganapan ang mangyayare at kung may darating bang mas matinding problema sa aking buhay, ngunit naniniwala ako na sa tulong ng may kapal at sa pag babahagi ko dito sa readcash ay kayang kaya ko itong lagpasan. Ipag lalaban ko kung ano ang dapat at patuloy akong mag babahagi ng aking mga kaalaman.
Nais kong ipag patuloy ang pag tuturo sa mga kapwa ko mag aaral patungkol sa programming dahil yon lang ang paraan upang makatulong ako sa kapwa ko at sa sarili ko. Nakakapagod minsan ngunit kailangan mag pursige para sa pangarap at layuning mapabuti ang bawat isa.
Gusto kong ipakita sa buong mundo na kayang kaya ko makipag sabayan sa mga skilled programmer at kaya ko din makatulong sa komunidad sa pamamagitan ng aking kakayahan sa pag program ng mga bagay. Ang kailangan ko lang gawin ay ang mag patuloy sa pag aaral at mag ipon ng madaming experience nang saganon ay madami akong maituturo.
Alam kong madami pa akong pag dadaanan ko sa buhay dahil napaka bata ko pa ngunit sisiguraduhin ko na madami ako matutunang mabuti at maiaapply ko ito ng maayos sa aking paligid at maging sa aking sarili. Mawawalan ng saysay ang lahat nang ito kung hindi ko gagamitan ng ethics kaya naman sa bawat pag galaw ko ay sisiguraduhin kong wala akong aapakan na tao at mamaliitin dahil lang sa mga natamo ko sa buhay.
Isa ang readcash sa tumulong sakin na maging ethical na tao at maging maalam sa buhay.. halos 40% na nakukuha kong impormasyon ay galing sa readcash kaya naman malaking tulong ang readcash sa pag linang ko ng aking talento at kaalaman. Madami akong natutunan lalong lalo na sa trade industry kaya naman ay nag sisimula na din akong mag trade at naiaapply ko din ang mga technique na nakuha ko dito sa readcash kaya naman nag papasalamat ako ng madami sa readcash!.. hanggang dito nalang , hanggang sa susunod ule.
Thank you redcash.redcash is the most beautiful assets in our community.I know redcash it is not easy to helping others but I still believe in you,I still support for you redcash.you are the best gift I ever had in my whole life♥️I'm so very thankful for you redcash.