Madalas kong iniisip na sana magkatrabaho na ako, sana magka-pera ako, sana nagagawa ko yung mga nagagawa ng kabatchmates ko. Lahat ng sana ko sa buhay. Kaya dumarating sa point na nakakalimutan kong magpasalamat sa kung anong meron ako ngayon. This month, hangga't maari iniiwasan kong mainggit sa kung anong narating ng iba. Hindi ko iisipin kung anong wala ako bagkus magpapasalamat ako sa kung anong meron ako ngayon. Really, nakakalimutan kong ivalue yung pinaka importanteng bagay na di mo na maibabalik once mawala. Time. Time with your family and friends and time for yourself. Inaamin ko na mahirap bitawan yung nakasanayang "sana all" but I'll do my best na maging masaya para sa success ng iba at wag icompare ang sarili ko sa kanila dahil lahat tayo may kanya-kanyang journey sa buhay..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
5 comments
Totoo yan sis wag tayong magfocus sa success ng iba. Sa halip ay magpasalamat tayo sa mga biyaya na natanggap natin compare nalang natin ang ating sarili sa mga taong walang tirahan o makain dun natin ma appreciate na tayo'y mapalad at laging pasalamatan ang Diyos anumang meron tayo.
Kaya nga po eh. Pakiramdam ko kasi kapag lagi kong kinukumpara sarili ko sa iba mas wala akong mararating.
your time will come. ako rin nakagrad pero di nka work ng maayos. now mga friends/batchmates ko mga manager na. pero ganun talga, nauna lang cla. kaw naman susunod pray lang sis
Tama po kayo. Siguro kaya tayo pinapahintay ay para mahanda tayo sa biyayang paparating .
so true. kya for now try mo lang din mag side lines. who knows andun ung swerte mo