May bago kaming ampon na pusa. Galing kaming palengke kahapon ng umaga nung makita namin siya sa labas ng gate. Narinig siya ni mama na sige 'meow', nung nilapitan namin nalaman namin na pilay pala siya. Baka naipit si miming ng sasakyan o baka hinampas at tinapon malapit sa amin. Pinasok na lang namin sa bahay kasi kawawa naman. Kahapon gumagapang lang talaga si miming, kanina naiaapak na niya yung isa niyang paa sa likod pero umiiyak pa rin, nasasaktan siguro siya. Nung kinuha ko siya naalala ko yung kuting na gusto ko sanang ampunin pero binalik ko kung saan ko napulot kasi di ko kayang alagaan. 😔 Nakokonsensya ako kapag naalala ko yun.
2 comments
Nakakaawa naman talaga sis kapag may nakitang ganyan kahit hayop sila may pakiramdam parin at nasasaktan.
Kaya nga po ehh. Nasa gilid pa naman siya ng daan, baka may mangyari pa sa kanya kung pinabayaan lang.