Minsan nakakaramdam ako ng guilt pag naaalala ko yung mga pusang gusto kong ampunin pero binalik ko kung saan ko pinulot kasi di ko kayang buhayin. Sana in the first place hindi ko na lang kinuha. Kaya minsan kapag nakakakita ako ng kuting sa labas, kahit gusto kong ampunin pinapabayaan ko na lang kasi alam ko na hindi ko kayang buhayin.
@CatCrochet in February 2022
Napapansin ko kay mingkay always lang syang tulog. Ibig kong sabihin ay hindi siya umaalis sa pwesto niya, natutulog lang sya. Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung nagugutom ba tong pusang to. Dito sa pic, tinatawag ko si mingkay kasi papasukin ko ng kusina. Ayaw niyang pumasok. Hindi siya namamansin. Sa tingin ko malapit na ring manganak si mingkay.
Pinagsasabay ko yung dalawa kong WIP, wala tuloy akong natatapos. π Natigil kasi ako sa isa kong wip at tinamad akong tapusin kaya gumawa na lang ako ng bago. Ayun lang, hanggang ngayon wala pa ring natatapos.
Ilang araw ko nang tapos ang bandana ko kaso hindi ko pa rin naipo-post sa page ko kasi ang hirap hanapan ng angle π€§ ang hirap ding hanapan ng background π nakakainggit din minsan yung mga crocheters na ang laki ng kita sa flowers pa lang pero alam kong wala talaga akong commitment para gumawa ng napakaraming orders. Yung gusto kong subukan pero ayaw ko ring pagsabayin sa pag-aaral ko ang pag-gantsilyo.
Mabilisang mini bouquet. Kahapon ng aumaga ko lang natapos. Kahit ang chararat compare sa ibang bouquet proud pa rin ako sa gawa ko. Haha. First time kong gumawa pero satisfied naman ako sa result kasi nakuha ko naman yung expected na itsura niya.
Pinapasok ko na ulit si mingkay sa kwarto ko. Ang tagal rin bago siya nakatambay ulit dito. Di kasi namin siya pinapapasok ng bahay kasi baka magkalat at matulog sa mga damit. Yung kwarto nila mama pa naman ang gusto niyang tambayan kasi maraming tela.
I had a bad dream. Wala akong reaction sa loob ng panaginip ko nung matanggap ko yung news na wala na si papa pero nung nakita ko siya na humihinga bigla akong na-relieved. Simula nung Ramadan 2019, lagi ko nang iniisip na darating yung panahon na mawawala yung parents ko. Ini-imagine ko kapag dumating na ang time na yun pero parang di ko kaya. Di ako magiging ready kapag nangyari yun. Kaya naiiyak talaga ako kapag nakakakita ng videos or nakakarinig ako ng audio tungkol saβ¦
Laging sinasabi ni mama sa guro ni bunso na si bunso lang daw ang sumasagot sa lahat ng modules niya, eh kung kindi siya ang sumasagot kami ang inuutusan niya maipasa lang on-time ang modules. Halos kopya na nga lang ng sinagutan namin ang ginagawa ni bunso. Nakakaperwisyo kasi imbes may gagawin ka, mako-consume na lang ang oras mo sa pagsagot ng modules niya. Andun naman ang sagot sa modules, kailangan lang basahin. Kami pa papagalitan kasi hindi raw tinutulungan, paano moβ¦
Nakakatamad ngang magtulong/maglinis, mas nakakatamad pa lalo kapag yung effort mo maglinis di kaya ma recognize. Parang wala lang.
Kapag ang utang napabayaan, lumalaki ng hindi namamalayan. Nagpapaload ako, inuutang ko muna yung load wallet at saka ko na babayaran kapag naibenta ko na. Actually konsumo lang sa bahay yung loader ko, madalas saka lang nagbabayad sila mama ng load kapag nag 0 balance na ang load wallet ko. Pero minsan kapag maliit ang benta ng rubber, hindi nila ako nababayaran kaya tinatapalan ko yung utang kong load wallet. Yung ipon ko, naipambabayad sa utang π Hindi rin kasi akoβ¦
May bago kaming ampon na pusa. Galing kaming palengke kahapon ng umaga nung makita namin siya sa labas ng gate. Narinig siya ni mama na sige 'meow', nung nilapitan namin nalaman namin na pilay pala siya. Baka naipit si miming ng sasakyan o baka hinampas at tinapon malapit sa amin. Pinasok na lang namin sa bahay kasi kawawa naman. Kahapon gumagapang lang talaga si miming, kanina naiaapak na niya yung isa niyang paa sa likod pero umiiyak pa rin, nasasaktan siguro siya. Nungβ¦
Namulaklak na naman ulit yung rose na hiningi ko lang sa district office last year nung nag volunteer akong mag-duty doon. Natutuwa lang ako kasi unlike sa unang tanim kong rose na patay na ngayon, namumulaklak siya ng marami. Ang bilis niya ring nabuhay nung itinanim ko siya. Kahit na nahulugan na ng pomelo at nabunot siya sa paso buhay pa rin hanggang ngayon π masyadong fighter nitong rose na nahingi ko π
Nagkaroon na talaga ako ng lakas ng loob sundan yung pattern na nakita ko sa net. π Hindi ko minodify yung ulo kahit alam kong kalas sa yarn kasi malaki hahaha. Gusto ko makita ang actual na size niya gamit ang 3ply merce cotton at hindi ina-alter ang pattern. Eto yung tallest doll ko so far.
Update sa pusa naming bagong ampon. Nakakalakad na siya. Though medyo paika-ika pa rin pero much better na kesa nung una namin siyang nakita. Hindi na namin pinatingin sa vet kasi walang pera. Pinapakain lang at minsan inii-stretch ang limbs. Sobrang ingay nga lang niya kahit kakatapos niya lang kain. Parang everytime kailangan niyang makakita ng tao o kapag nakakakita naman siya ng tao magmi-meow siya ng malakas.
Minsan ba bigla lang kayong nakakaramdam ng kaba? Kinakabahan ka sa kung anong mangyayari bukas? Worried kapag di nasunod sa kung anong iniexpect mo ang mangyayari? Or kinakabahan lang ng walang dahilan?
Matagal din talaga bago ako nag decide manood ng AOT. Aside sa masyado siyang mainstream, hindi ko gusto na maraming namamatay sa kanila. Besides, takot ako sa titan π pero may kopya ang kapatid ko ng S1 at S2 niya kaya naisipan kong panoorin nung bored ako. Maganda pala siya. Medyo gore pero kaya naman panoorin. Nag decide akong basahin ang manga niya dahil sa nababasa kong theories sa fb at di rin ako nagsisi na basahin siya. Tragic para sa akin lalo na sa mga hulingβ¦
Happy new phone sa atin self π Nanghinayang ako kasi dahil sa miscommunication at toxic kong ugali hindi ko nabili yung gusto kong phone. Pero happy pa rin kasi di naman masama yung nabili ko. I mean, maging grateful tayo kasi may bago.
Sharing my WIP. Isa sa mahirap gawin sa amigurumi ay pag a-attach ng hair or pagtatahi ng parts. Since continuous yung pattern ng doll, hair na lang ang ia-attach ko. Usually tinatahi ko siya pero pwede namang gumamit ng fabeic glue para mas madali.
Kamusta? Happy lang ako kasi kahit di pa sure buyer atleast alam kong may nakakapansin ng mga gawa ko.
Bumalik kami sa venue ng training namin nung nakaraan and I got the chance to take a photo of the cat na hirap akong kunan ng picture noon kasi hindi maamo sa mga bisita. Sobrang cute at ang ganda pa ng kulay. Gusto ko sanang himasin kaso baka umalis kaya kinunan ko na lng ng picture.
AOT edits on tiktok made me remember the reason why it takes me a long time to watch AOT. Ang hirap panoorin yung mga characters na namamatay dahil sa titan lalo na sa sinapit ni Marco. I never watched the anime fully pero natapos ko na ang manga.