read.cash Log in
@CatCrochet more from that month

Laging sinasabi ni mama sa guro ni bunso na si bunso lang daw ang sumasagot sa lahat ng modules niya, eh kung kindi siya ang sumasagot kami ang inuutusan niya maipasa lang on-time ang modules. Halos kopya na nga lang ng sinagutan namin ang ginagawa ni bunso. Nakakaperwisyo kasi imbes may gagawin ka, mako-consume na lang ang oras mo sa pagsagot ng modules niya. Andun naman ang sagot sa modules, kailangan lang basahin. Kami pa papagalitan kasi hindi raw tinutulungan, paano mo tulungan yung batang puro nood lang sa youtube ang ginagawa tapos magagalit kapag tinuturuan or sinasabihang "basahin mo ito kasi anjan ang sagot". Kapag naman nasagutan na lahat ng modules hindi pa rin napapasa on-time kasi mas inaatupag pa pag cecellphone kesa sa pagsulat.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.