Yun bang alam mo namang walang patutunguhan ang relationship niyo kaya alam mo nang di kayo magtatagal pero masakit pa rin. Sinasabi mo na lang sa sarili mong "ginusto ko naman to" para di masyadong maramdaman yung sakit at lungkot.
@CatCrochet in April 2022
Alam mo yun, yung hindi naman na big deal sayo pero may nararamdaman ka pa ring sakit kapag nakakarinig ka ng balita tungkol sa kanila. Buti pa sila masaya. Pero hindi ko naman hinihiling na maging miserable sila. Naiinggit lang ako. Buti pa sila, malayang nagmamahalan. Nung kami patago lang kasi maraming may ayaw. Pero nagsisisi ba akong naghiwalay kami? Hindi naman. Kasi masasaktan lang kami in the long run, mabuting tapusin na lang para hindi lalong lumala ang sitwasyon.
Bihira na nga lang magka-crush, doon pa sa taong alam mong di mo na makikita ulit.
May napanood ako sa tiktok na ina-identify niya yung characteristics ng isang Bengal cat. Kung ano ang pinagkaiba ng breed na yun sa ibang pusa. And may comment ng "ok na yan basta pusa. Mahal natin sila" ok naman sana kasi di naman natin kailangan mag discriminate ng pusang may breed sa wala. Ang point lang ay may ibang taong nagbebenta ng pusang "may breed" kahit wala naman talaga. May similarities lang na konti sasabihin agad na may breed. Panloloko kasi yun. Di ako agree…
Naiinsecure ako minsan sa mga taong medyo mataba. Yung malaman. Ang payat-payat ko kasi eh. Hindi ko alam kung paano tataba. Ilang taon na akong tambay sa bahay, dapat tumaba na ako kasi wala naman akong ginagawa pero bakit parang mas namayat pa ako? Tanggap ko naman na ganito na talaga ang katawan ko, hindi ko lang maiwasan i-compare ang sarili ko.
Happy song para sa aking ang kantang Chiquitita ng ABBA kasi aside sa isa siya sa mga core memory ko gusto ko yung message niya, pero hindi ko alam bakit naiiyak ako kapag naririnig ko siya at kinakanta. Siguro kasi naiisip ko na finally, pagkatapos ng alam mo yun, mga paghihirap mo, ready ka nang mag move on. Para siyang final na iyak mo bago mo i-embrace yung bagong yugto ng buhay mo. Overwhelming lang. Reminding na kahit anong mangyari, wag mong kalimutang magpatuloy.
Kawawa naman si DepEd, sinisisi dahil doon sa issue ng PBB. Hahahaha. Tinuturo naman yan eh, hindi lang vina-value ng mga estudyante. Pwede ring teacher factor. Tsaka wag na tayo maglokohan, mostly nakakalimutan na natin yung ibang itinuro sa atin nung elementary.
Puro lang naman kayo shared post. Bat di niyo literal na gawin?
Ang laki na ng tyan ng mimingkay ko, parang puputok na. Hindi ko alam kung kailan manganganak. Pinapalabas na sila ni mama sa kusina tuwing umaga kasi nagkakalat lang sila sa loob. Kaya natambay na sa terrace. Malamig kasi ang sahig tuwing hapon. Komportable siguro ang tulog.
Snow white sana eto eh pero hindi ko alam bakit yung pattern na sinundan ko, mahaba ang buhok. Noong Febuary ko pa ito sinumulan at almost finished na nga rin siya kaso hindi ko pa nagagawa ang i ang accessories tulad ng headband at mansanas niya. Masyado lang talaga ako busy sa acads kaya wala nang oras para mag-amigurumi ulit.
Took it last month. Hindi ko ma-consider ang sarili kong selenophile, pero kapag nakakakita ako ng full moon parang ang sarap mag muni-muni. Sabayan ng malamig na ihip ng hangin at bituin, there is something about it na nagbibigay ng peace sa sarili ko. Pero kung anong peace ang binigay niya, ganun din naman ang takot. Baka bigla akong makakita ng lumilipad jan sa langit eh, edi pasok agad sa loob ng bahay. Hahaha.
Every Ramadan na lang talaga niri-raid ng Israeli police ang mga worshippers sa Al-Aqsa Mosque 😢 During Jumu'ah pa talaga. Ano yan? Sumabay ang Ramadan at Holy Week pero nag-gigyerahan pa rin.
May nabasa akong post, ang sabi ay "Ladies, be like Inday Sara in a world full of Leni Robredo". Haaayys, politics talaga yung isa sa mga "dramang" pinaka-ayaw ko. Pero entertaining naman at one point. Ang masasabi ko lang, vote wisely mga kababayan. Future natin at ng bansa ang nakasalalay dito.
Nanganak na si mingkay! Kahapon lang siya nanganak at tatlo ang kuting niya. First picture ay from the night before siya manganak, second ay nung natapos and the third is nung nailipat ko na sila sa karton. Sa sahig lang kasi siya nanganak kaya nilipat ko pa sa karton. Baka kasi mapano mga kuting niya eh tsaka medyo malansa na rin yung sahig. Amoy na amoy sa kusina 😅
And here I am right now, kahit inaatake ng procrastination kinakaya pa ring tapusin ang mga reports at assignments na kailangang tapusin kahit mahirap, kahit mabagal.
"Just remember 5 years ago, you dreamed about where you are now" Wala jud ko nag-dream nga mag-masters ko uy. Nagdream ko nga kapasar sa LET ug maka-work sa DepEd, unya karon?
Minsan natatakot talaga ako sa sinasabi ng iba na most of the time yung mga taong galing sa long relationship ay mabilis ikasal sa next relationship nila. Like, as in? Baka ganun din si ex. I mean, di naman kami nag-uusap and wala na rin talagang pag-aasang magkakabalikan pero meron pa rin kasi akong lingering feelings sa kanya. Though magiging happy naman ako kung ikakasal siya sa iba. Minsan nakakainggit din. Kasi, alam mo yun, masaya siya. Ako kaya? Kailan kaya mawawala…
Sino nga yung gagawa ng case study tapos kinabukasan ang due? Edi ako. Hehehe
Bigla akong kinabahan. Naisip ko bigla yung mga "kasalanan" ko this year. Sana di ko na yun magagawa ulit. 🥺 Alam mo yung pakiramdam na na-gi-guilty ka sa mga ginawa mo noon na sana di mo nagawa. I should've done better. Mga ganun. Pero papasok naman sa isip ko na, ano naman pake ng ibang tao kung nagawa ko yun? 😆 Parang ganun. Kaya minsan ayaw kong humarap sa mga tao kasi natatakot ako sa pwede nilang isipin o natatakot ako sa pwede kong magawang "mali" sa harap nila. But…
Nilipat ni mingkay mga kuting niya sa ilalim ng cabinet. Umalis sila sa karton na pinaglipatan ko at bumalik sa kung saan siya nanganak. 😆 Ang kulit lang ni mingkay. Chine-check ko sila kasi baka mastress si mingkay bigla niyang kainin mga kuting niya 🥺 buti na lang at hindi naman siya ganun. Gusto ko nang hawakan at kargahin ang mga kuting niya pero natatakot ako baka kasi pabayaan niya after kaya nanghihintay muna ako ng 1month. Para naman hindi masaktan ang kuting kapag…
Naiisip ko pa rin yung guro namin sa Literary Masterpieces kung saan masyadong poor ang performance ko sa report. Namatay siya last year lang ata. Natatakot ako sa kanya kasi di ako confident sa subject siya though gusto ko yung subject. Mabait naman siya eh. Wala lang. Naiisip ko lang talaga siya. What was her thoughts? Kamusta kaya siya? Parang masarap siyang kaibiganin na guro. Nalungkot din talaga ko nung nalaman ko yung sudden death niya. Unfortunately, hindi na-post…
I just can't 😬 may nakita kasi akong post sa fb na ninakaw ng kaklase niya ang thesis niya at yung ang ipinasa sa prof. Nagpatulong kasi siya kasi hindi niya alam ano ang sequence. Nakapag-master pero hindi marunong gumawa ng thesis. Anong ginawa mo nung college ka pa?? At sa prof din, hindi man lang siya nagtanong bakit magkapareho ang thesis ng students niya? Hindi niya alam kung ano mga title ng study nila? At kay maam na ninakawan ng thesis, lesson learned na jud siya na…