Alam mo yun, yung hindi naman na big deal sayo pero may nararamdaman ka pa ring sakit kapag nakakarinig ka ng balita tungkol sa kanila. Buti pa sila masaya. Pero hindi ko naman hinihiling na maging miserable sila. Naiinggit lang ako. Buti pa sila, malayang nagmamahalan. Nung kami patago lang kasi maraming may ayaw. Pero nagsisisi ba akong naghiwalay kami? Hindi naman. Kasi masasaktan lang kami in the long run, mabuting tapusin na lang para hindi lalong lumala ang sitwasyon.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet