May napanood ako sa tiktok na ina-identify niya yung characteristics ng isang Bengal cat. Kung ano ang pinagkaiba ng breed na yun sa ibang pusa. And may comment ng "ok na yan basta pusa. Mahal natin sila" ok naman sana kasi di naman natin kailangan mag discriminate ng pusang may breed sa wala. Ang point lang ay may ibang taong nagbebenta ng pusang "may breed" kahit wala naman talaga. May similarities lang na konti sasabihin agad na may breed. Panloloko kasi yun. Di ako agree sa pagbebenta ng pusa, pero kung bebenta ka man sana wag nang mang-scam. Kaya nga nag invest yung buyer kasi may specific breed siyang gusto tapos bebentahan ng hindi tama.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet