Minsan kaya ako kumukuha ng picture ay para i-preserve yung moment, may remembrance. Pero may oras na mas gusto kong ine-enjoy yung pagkakataon. Kasi iniisip ko some things are not meant to be remembered. Ang ibig kong sabihin ay wala namang nagtatagal. Lahat tayo lilipas din at makakalimutan ng mga taong nakapaligid sa atin.
@CatCrochet in January 2022
Mahilig ako sa matamis. Pero minsan natatakot ako kapag napasobra ako. Natatakot akong magkaroon ng diabetes at ng ibang sakit na nakukuha sa pagkain ng labis-labis na matamis. Ganun din sa maaalat, kahit na hindi naman ako ganun katakaw sa maaalat na pagkain. May mga pagkakataon kasing mahirap pigilan ang cravings kaya nag-ooverthink na baka magkakasakit ako kasi ang dami kog kinaing ganito.
Natawa ako sa sinabi ni mama, nakuha na raw nung nag rent ng van ang SRI nila pero ang liit ng binayad. 😅 Discount pa nga. Hahaha
Nung grade 6 ako, uso sa amin ang magsulat ng lyrics ng kanta sa notebook. Karamihan sa mga classmates ko merong songbook, kaya nakigaya ako. I still remember how I hate it kasi ang laman ng songbook ko puro The Carpenters, Abba, mga old songs tapos while sa mga kaklase ko mga bagong kanta tulad ni Taylor Swift, Miley, mga ganyan. Naiinis ako mainly kasi hindi ako makasunod sa trend at walang nakakaalam ng kanta ng The Carpenters. Kaya tinigil ko. Pero hindi ko makalimutan…
Parang nung isang araw gusto kong himinto sa pag-aaral tapos ngayon naman gusto kong mag enroll. Ano ba talaga? haha
Walang nang nakakainis pa kapag may narinig kang kanta pero hindi mo alam ang title at wala ka ring maalalang lyrics tapos palagi mo pang naiisip.
May mga bagay na sayang. Pero may dahilan naman kung bakit siya naging "sayang". Para sa akin, kapag may nasayang na pagkakataon, iniisip ko na lang na baka hindi para sa akin iyon. Na kahit gaano pa kagandang opportunity ang dumating, baka kapahamakan ang bigay sa akin. Para di naman ganun kasakit tanggapin hahaha. After all, kung para sayo, para sayo talaga.
May tao talagang hilig gumawa ng chismis or manira ng iba lalo na sa facebook. Pero sabagay, what do you expect sa taong kayang manloko para kumita ng pera.
Some music can really take you back in the past. Ibig kong sabihin, may mga music na nagpapaalala sayo ng mga memories mo for example nung bata ka pa, high school, inlove, broken hearted, kahit ano. At minsan natatawa ka na lang kapag naaalala mo yun, minsan naman nami-miss mo. May mga bagay na gusto mong balikan pero hindi na pwede kasi hindi naman pwedeng ibalik ang oras.
Nagkakaroon ng typo ang DepEd sa binibigay nilang modules. Though marunong naman tayong umintindi na typo 'lang' iyon, hindi pa rin natin dapat hinahayaan na may mga typo error ang modules natin. Minsan kasi hindi na siya maintindihan. At hindi naman lahat ng tao marunong umintindi. Hindi naman ito tungkol sa 'dapat maging role model ang deped', tungkol ito sa maayos na pagbibigay ng instructions without typo errors at maling grammar.
Kapag ganitong mainit, nagsasama-sama ang mga pusang nakikitira dito sa bahay para matulog. Ang cute lang nilang tingnan. Natutulog sila sabay naghihintay na rin ng mabigyan ng pagkain. 😅 Andito rin pala sa bahay ulit yung malaking gray na pusa. Nadalaw, siguro walang mahanap na pagkain kaya pumunta dito.
Andito ulit sa bahay itong si pusang malaki. Nagtataka ako bakit inaamoy-amoy niya ang damo. Siguro nagbibigay ng comfort yung amoy ng damo sa kanya kaya siya ganyan, I don't know. Observation ko lang. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganyan 😅
Mahilig tayong mag-set ng standard sa kung paano tayo mamuhay ever new year katulad ng "truths you need to accept this 2022" "this 2022 you need to..." "2022 na, bawal na ganito". Hindi naman siya pinipilit sundin pero hindi ba pwedeng live at your own pace na lang? Para kasing nandidikta eh haha. Dami akong nakikitang shared post na ganyan. Maganda naman intention pero hindi naman lahat ng tao kayang gawin yun.
Nauuso na mga sunflowers ngayon. 😅 So eto na yung entry ko, Sunflower keychain 🌻. Mas madali kasi siyang gawin, atsaka wala pa akong green yarn at alambre. Pansin ko lang na everytime gumagantsilyo ako nanginginig na kamay ko pagkatapos lalo na kapag mahigpit ang tension.
Hindi ko pa napapanood yung Encanto na movie pero si Rapunzel ang naalala ko kay Isabella.
Masaya na nakakainis manood ng skin care vids. Masaya kasi maraming products na nakakapagpaganda ng skin mo, nakakainis kasi di mo afford, di ka consistent sa routine, naiinis ka sa tiktoker hahahaha Nakakaasar hahaha, nag da-doubt tuloy ako ngayon sa gamit kong kojic hahaha, nakaka-insecure mwst.
May napanood ako na after niya matutong mag ✨manifest✨ iniiwasan na raw niyang makinig ng songs na may negative meaning at gumawa ng self deprecating jokes. I think naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Kasi habang ginagawa mo yun, you feed yourself with negative energy unknowingly. Kapag frequent mo siyang ginagawa, your mind will start to believe it. Pero di ko naman sinasabing maging positive tayo palagi, to only see everything in rose-colored glasses. What I meant is…
Napanood ko na ang Encanto and really, ang ganda ng animation. Ang ganda ng mga songs, amazing yung mga details.
Minsan ba pinagsisisihan niyo rin ang mga ginawa niyo noon? Hindi yung mga life-changing decision kungdi yung maliliit lang na actions pero nagpapakita ng ka-immature-ran mo. Naiisip ko minsan yung mga small actions na yun at parang gusto kung sawayin ang sarili ko dahil don. Sometimes I also hate myself kapag ni-restraint ko ang sarili ko, for example mag share ng happenings sa buhay, tapos biglang nasabi ko lahat. Kapag may nasabi ka, hindi maiiwasang i-judge ka at…
Minsan nakakatawa na yung mga post na balita ng "news page" sa facebook, puro CCTO. News page tapos di marunong mag credits? Kailangan pang mag copy paste?
It's amazing how simple words can spoil someone's mood.
Finally, I already finished my assignments that is long overdue hahaha. Not really since our professor didn't give us deadlines. Time to review my report because after many months we're going to have our classes. Yey, too late for the opening of classes, too early for the next enrollment. Then after that I'll focus on the last requirement from my other subject.
I think yang sinasabi nilang "get out of your comfort zones" is a luxury. Bakit? Kasi not all of people can afford it, char. Haha. May mga taong too coward to take risks, too afraid to face the consequences, cannot afford to because of family restrictions (ano daw?). What I'm trying to say is, hindi lahat ng tao kayang maka survive kapag nasa labas ng kanilang comfort zones. Sometimes, instead to lead you to a better person it will lead you to your destruction (chariz).…
Wag talagang paasahing ang teacher na may sakit, magbabago ang isip. Nagpa-exam tuloy si ma'am, huhuhu classmates. Daming pag-aralan kahit yung report lang sana ang basehan niya sa oral.
Naniniwalang hindi totoo ang COVID pero ayaw ng face-to-face classes. Hooy, anu yun 😭
Namiss kong mag-amigurumi kaya may bago akong WIP (◕ᴗ◕✿)
Lately, palaging nasa loob ng kusina si mingkay at puro tulog lang ang ginagawa. Hindi siya gaanong lumalabas at minsan nagluluha ang mata niya lalo na sa right eye. Hindi naman nagmumuta pero kapag nagluluha siya pinipikit-pikit niya right eye niya. Mukha tuloy siyang kumikindat. Feeling ko rin buntis si mingkay kay lumalaki na naman ang tyan niya.
Eto na yung WIP ko last two days. Konting details na lang matatapos na siya. Hindi ko pa nagagawa ang hat niya, pinasuot ko lang yung sample na gawa ko. Happy ako na in just 2 days almost finished na siya. Usually kasi sa 2 days yung base pa lang natatapos ko, wala pang damit. At hindi rin sumakit ang kamay ko, nangalay konti pero hindi masakit.
Ang bilis ma-lowbat ng phone ko kapag naka on ang data pero ang tagal namang ma-full charged hahahuhuhu
Tapos ko na rin ang aking Taylor Swift ami ✨ actually kahapon pa siya tapos, ngayon lang naka-pictorial haha. Pasensya na, di pa ganun kaganda kumuha ng picture. Yarn used: cannon and monaco merce cotton Hook: 1.75mm and IMIA 8
Tatapusin na kita dahil pagod na akong makita kang kalbo. Haha. Violet na muna hat mo haha mema hat, gagawin ko muna yung straw hat mo.
Nakakita ako ng ganitong post sa fb "(Name), now you see how you treat people is a reflection on how other people treat you" And the thing is, pareho lang silang masama ang ugali. 😅 minsan nakakatawa makita yung "magkakaibigan" na nagsisiraan pero pareho naman ng ginagawa.
From time to time, napapadaan sa fyp ko ang mga dementia vids sa TikTok. Nagseshare sila ng mga quirks ng patients nila. Then may isang comment doon na may family member silang may dementia at ang tanging naaalala niya lang ay yung abuse na naexperience niya sa buhay niya. Masakit siguro sa family kapag nakita mo yung kapamilya mo na walang maalala maliban sa worst time of their life. Yung yun na lang naaalala nila sa buhay nila.
Girls love to comment some toxic situations in a relationship "gaslight, gatekeep, girlboss" tapos kapag sa kanila ginawa iiyak. Ayaw nilang tinatarantado sila pero sila naman ang tarantado. And that goes with men too.
I do not know what kind of frog is this. Pero nakita ko siyang nakadikit sa grills ng bintana ko. Nung unang beses na nakita ko ito, nakapasok ito ng kwarto ko. Dumaan siya sa butas ng bintana tapos dumikit sa kurtina. Natakot nga ako eh kasi baka bumitaw ang kapit pupunta sa higaan ko. Buti naman hindi rin. Tsaka medyo maingay din ito sa gabi. Nagtataka ako bakit may maingay sa bintana, palaka pala. Ngayon di ko na siya nakikita. Pasensya sa maruming bintana hahaha
Tapos ko na talaga si Luffy. Last year ko pa ito sinimulan pero tinamad ako tapusin nung gagawin ko na ang buhok. Used merce cotton 3ply and indophil sa hat, 1.75mm naman ang hook.
Andito na naman ulit si mingkay. Masyado nang mataray. Namamansin lang kapag manghihingi ng pagkain. 😅 Ayaw niyang hinahawakan siya sa tyan at minsan kapag binubuhat nangangalmot. Pasensya na sa mukha ni mingkay, di ko na nalilinisan kasi busy sa acads.
Minsan hinihiling ko talagang magkaroon ng shortage ng mga guro sa pilipinas. Sometimes I wish na wala nang interested maging guro. Weird noh? Considering na guro din naman ako, not practicing nga lang. Bakit ko iniisip to? hahaha nakaka-discourage lang kasi. Pero hindi naman pwede yun diba? Anong mangyayari sa future generation kapag walang teachers na mag e-educate?
I'm afraid of snakes. Although nakakita na ako sa personal, natatakot pa rin ako. Lalo na dito sa bahay. Napapalibutan ng puno ang bahay namin kahit nasa gilid kami ng highway. Nung bagong lipat kami rito, pinapasok kami ng ahas. Minsan nasa cr ako, bigla akong pinasok ng brown na ahas. Buti na lang hindi ako tinuklaaw. Malamang pumasok ng cr yun para magtago. Hindi naman ako ganun katakot sa brown at green na ahas kasi usually kapag nakakakita sila ng tao umaalis agad sila.…
Who would have thought? Tonight I learned that one of the predators of King Cobra is Mongoose. It is a carnivorous mammal. Surprising sa akin kasi ang liit niya to be called a predator and to think ang King Cobra pa ang prey niya. And may resistance sila neurotoxic snake venom pero hindi sila immune sa venom. Sana mag-evolve naman ang human body na magkaroon ng resistance sa venom. haha Photo courtesy from TreeHugger.com
I'm always bothered about this particular scene. Nag burst out si Isabela that lead her to grow a cactus first time. Shocking revelation na hindi lang flowers kaya niyang i-grow. Tapos ang reaction ni Mirabel? Naghihingi ng hug kasi yun ang way para isave ang miracle. Importante lang sa kanya na mafulfill niya yung vision ni Bruno sa kanya. Gusto niya lang ng hug and then tapos na. Wala na siyang pake sa feelings ni Isa. And although nagbago yung pananaw niya sa character ni…
Hindi ako masyadong naniniwala sa mga news sa social media lalo na yung mga 'CCTO' yung nasa dulo. As if I know puro lang yan hearsay. May dagdag, may bawas, may bias.
This time, sa oral exam, I'm expecting disappointment na. I already accepted na mababgsak ako or di ko maaabot ang standard ni maam. I mean, no more expectations na. I'll just what I can do and then move on. Hahaha
Habang pinapakain ko si mingkay kagabi, tinatawag ko rin itong pusang to kasi papakainin ko rin sana siya kaso kahit anong tawag ko hindi siya lumalapit. Hindi naman yun ang unang beses na nangyari yun. Pero kanina, nung namalengke si mama at papa nakita nila si miming sa kalsada. Nasagasaan. Kahit naman naiinis ako sa pusang to ayaw ko namang mamatay to sa kalsada. Nakakalungkot lang.
Mukhang namimiss ni mama tong pusang to. Lagi kasi niya naaalala. Naawa daw siya kay miming. Si miming kasi hindi naman lumalabas ng gate. Siguro sumama siya doon sa malaking pusa at tumawid ng kalsada kaya nasagasaan o baka naghanap ng makakain.
We are so lucky we don't get to experience what other people are experiencing in concentration camps. How people of the past and today does horrible experiments on prisoners.
Ilang araw na ring hindi nakapag update. Akala ko hindi na itutuloy ng prof namin ang re-exam. Kanina lang nag update sya na magpapa re-exam siya bukas at hindi pa niya sinasabi kung sino-sino ang mag re-retake. Nakakatakot at nakakakaba kasi I already know na kasali ako roon at hindi siya nagturo kaya I have no idea sa mga questions niya. Really, nagpapa-oral exams siya kahit hindi naman siya nagturo. Never kami nagkaroon ng meeting. But, wala tayong magagawa since 'prof'…