Nung grade 6 ako, uso sa amin ang magsulat ng lyrics ng kanta sa notebook. Karamihan sa mga classmates ko merong songbook, kaya nakigaya ako. I still remember how I hate it kasi ang laman ng songbook ko puro The Carpenters, Abba, mga old songs tapos while sa mga kaklase ko mga bagong kanta tulad ni Taylor Swift, Miley, mga ganyan. Naiinis ako mainly kasi hindi ako makasunod sa trend at walang nakakaalam ng kanta ng The Carpenters. Kaya tinigil ko. Pero hindi ko makalimutan na na-memorize ko by heart ang Yesterday Once More kasi palagi kong napapakinggan na pinapatugtog ni mama. From time to time pinapakinggan ko naman siya per hindi ko na siya nakakanta tulad ng dati kasi naiiyak na ako. Naiiyak na ako kapag napapakinggan ko siya. Hindi ko alam kung bakit, pero ang lungkot lang kasi ng kanta.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet