Minsan ba pinagsisisihan niyo rin ang mga ginawa niyo noon? Hindi yung mga life-changing decision kungdi yung maliliit lang na actions pero nagpapakita ng ka-immature-ran mo. Naiisip ko minsan yung mga small actions na yun at parang gusto kung sawayin ang sarili ko dahil don. Sometimes I also hate myself kapag ni-restraint ko ang sarili ko, for example mag share ng happenings sa buhay, tapos biglang nasabi ko lahat. Kapag may nasabi ka, hindi maiiwasang i-judge ka at masabihan ng "idiot". Pati na rin kapag magbibigay ng opinion tungkol sa isang issue. Kapag hindi ka nag-agree sa nakararami kahit pa minsan irrational na, pagtutulungan ka nila at i-antagonize.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet