My Girlfriend Always Asks me If I'm Okay

0 6
Avatar for Castylle_Dane
2 years ago

Emma is a clingy girlfriend. Sobrang kulit at hyper niya and that really annoy me. Sa tuwing gumigising ako, bago ako papasok sa trabaho hanggang sa pag-uwi ko at bago kami matulog, walang palya niya akong tinatanong kung okay lang ba ako o ayos lang ba ang aking pakiramdam.

She always reassures me if I'm doing fine and I know some may find it sweet and thoughtful but when my girlfriend asks me if I'm okay from time to time, it quite pissed me off and it's disturbingly infuriating.

"Babe, okay ka lang ba? Kumusta nga pala ang wor----"

"OKAY LANG AKO!" I couldn't help but to cut her off and raised my voice at her.

Agad kong itinalikod ang sarili ko sa kaniya at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko na siya kinausap kasi ayokong makarinig ng paulit-ulit niyang tanong. Nakakarindi na. Nakakasawa na.

Habang kinukuha ko ang aking antok, naririnig ko ang mahihina niyang mga hikbi. Pero wala man lang akong naramdamang kirot sa dibdib ko at ni-katiting na awa, hindi gaya nang dati na todo suyo ako para lang huminto ang pag-iyak at tampo niya.

Well, lahat naman nagbabago at isa na ako doon.

At gaya ng nakagawian ko tuwing gabi, I always faked my sleep kasi ito lang ang free time ko 'pag gabi para makausap ko si Joyce, ang bagong babaeng nagpapatibok sa puso ko.

Nang hindi ko na narinig ang pag-iyak ni Emma ay dahan-dahan ko siyang nilingon. I scanned her sleepy face and there were dried tears on her cheeks.

Nang masigurong tulog na siya ay agad kong in-open ang phone ko at nagsimula na kaming mag-chat ni Joyce.

Emma always ruined my mood and my day. Like, everyday! Pero isang chat lang ni Joyce, nawawala na ang inis ko.

Panay ngiti lang ako habang ka-chat siya hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Kinabukasan ay unang nagising si Emma at naghanda siya ng almusal para sa akin.

"Kumusta ang tulog ng mahal ko?" malambing na tanong ni Emma habang nakangiti siyang humarap sa akin.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at dali-dali na akong nagbihis para sa trabaho.

"Kumain ka kaya muna ma----"

"GUSTO MO BANG MA-LATE AKO?" pagputol ko sa kaniya habang pinaningkitan siya ng mata.

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi at nagsimulang mamuo ang mga luha sa mata niya.

"B-Baka kasi gugutumin ka sa trabaho mo, mahal."

"Busog ako at malalate na ako sa trabaho!" sigaw ko sa kaniya.

Bago pa siya makasalita ay tinalikuran ko na siya.

Ang totoo kasi niyan, hinahatiran ako ni Joyce ng almusal sa trabaho ko.

-

Pagkauwi na pagkauwi ko galing trabaho ay naabutan ko si Emma na umiiyak sa sala habang hinihintay ako. Nang makita niya ako ay agad niyang pinunasan ang mga luha sa mata niya na parang wala lang nangyari.

"A-Andiyan ka na pala, mahal..." Pilit siyang ngumiti sa akin at kahit anong laban niya sa mga luha niya ay nagsisibagsakan pa rin ang mga ito.

Bumaba ang tingin ko sa damit niya at napansin kong gutay-gutay ito.

"O-Okay ka lang ba, mahal ko?"

Agad na bumalik ang atensiyon ko sa kaniya and instead of answering her question, I just snobbed her at nagtungo na ako sa kwarto namin upang matulog.

At gaya ng nakasanayan ko, hinintay kong makatulog si Emma para maka-chat ko ulit si Joyce.

Kalaunan ay naramdaman ko ang pagpasok niya sa kwarto at paghiga niya. At makaraan ang ilang minuto ay nakatulog na ito.

Agad kong in-open ang phone ko.

"Babe, I miss you!" I messaged Joyce.

"I miss you more, babe. Ahhmm... babe, gusto ko na talagang hiwalayan si Xander. Siya lang talaga ang problema natin kasi si Emma, you can dump her anytime naman eh," she replied through chat.

Agad akong nakaramdam ng inis nang mabasa ang pangalan ng asawa ni Joyce na si Xander.

"Naku! Kung kaya ko lang pumatay ng tao ay pinatay ko na 'yan para wala ng hadlang sa atin. Kasi wala naman kaso kay Emma babe. Uto-Uto 'yan eh!"

"Grabe ka naman, babe! Basta ha. Let's keep this secret muna. Hahanap ako ng paraan para umalis na sa buhay ko itong si Xander."

Napangiti ako sa reply niya. "Sige, babe. Hihintayin ko ang araw na malayo na tayo," sagot ko.

Nag chat lang kami nang nagchat ni Joyce hanggang sa nakatulog na ako.

Kinabukasan ay dala ko pa rin ang inis dahil kay Xander. Hindi ko alam kung paano ba mapapaalis 'yang gagong 'yan sa buhay ni Joyce eh.

Pero mas lalong dumagdag ang inis ko nang makita si Emma.

"Goodmorning, mahal. Are you okay?" tanong niya.

"NAKITA MO BANG NAKANGITI AKO?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"MALAMANG HINDI! TANGA!"

Napayuko lamang siya at nakita ko ang pagkawala ng mga luha sa mata niya.

Nang makapasok ako sa trabaho ay agad akong tinanong ng ka-workmate ko.

"Uyy bro... nabalitaan mo na ba? May na-rape daw banda sa lugar niyo. Pakisabihan ang asawa mo na mag-ingat siya," alalang sambit niya.

Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa kaniyang sinabi.

Late na akong umuwi at naabutan ko na lang na tulog si Emma.

Mabuti na rin 'to para mahaba-haba ang pag-uusap namin ni Joyce.

-

Nagdaan ang ilang buwan ay napapansin ko ang pagiging tamlay ni Emma. Hindi ko na siya nakikitang masaya at minsan na lang din siya magsalita.

Pero hindi niya pa rin nakakalimutang kumustahin ako at kung okay lang ba ako.

Hanggang sa napapansin ko ang pagpayat ni Emma at pamumutla niya.

Pero dahil ma-pride ako ay 'di ko siya tinanong kung anong problema niya. Baka sinasadya niyang pabayaan ang sarili niya para magkaroon ako ng pake at concern sa kaniya!

Bago kami natulog ay naririnig ko ang pag-iyak niya hanggang sa narinig ko siyang nagsalita.

"B-Babe... ipagdasal mo ako ah?" sambit niya habang umiiyak.

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi siya pinansin.

-

Maaga akong umuwi galing sa trabaho at nang makapasok ako sa bahay ay hindi ko nakita si Emma sa sala.

Agad akong nakaramdam ng kaba at paninikip ng dibdib.

Dali-dali akong umakyat papuntang kwarto at para akong nasiraan ng bait sa nakita ko.

Xander was fucking Emma!

Umawang ang labi ko at agad kong pinaulanan ng suntok si Xander.

"HAYOP KANG LALAKE KA! TANGINA MO!" Patuloy ko lang siyang sinuntok.

Dali-dali siyang nagbihis hanggang sa hinayaan ko siyang makaalis ng bahay.

Nanginginig ang buong katawan ko sa galit.

"B-Babe--- A-Are you okay?" nanginginig na tanong ni Emma habang tinatakpan ang kaniyang katawan.

'Di ko na napigilan ang sarili ko at sinampal siya.

"MAY GANA KA PA TALAGANG TANUNGIN KUNG OKAY AKO 'NO?---"

"TANGINA MONG BABAE KA! POKPOK KANG HAYOP KA!"

Parang nawala na ako sa sarili ko at sinikmuraan siya.

Patuloy lang siya sa pag-iyak at sumisigaw siya ng tama na.

"ANG LANDI LANDI MONG BABAE KA! PINAGSISIHAN KONG PUMATOL SA'YONG POKPOK KA!"

Patuloy lang ako sa pagmumura sa kaniya habang nakaluhod siya sa sahig at umiiyak.

.Matapos ang gabing 'yon ay pagkagising ko ay 'di ko na naabutan si Emma.

Umalis na siya ng bahay dala-dala ang kaniyang damit.

Malamang, nahiya ito sa kababuyan niya. Tangina siya.

-

Makaraan ang limang buwan ay nabalitaan ko na lang na pumanaw si Xander sa sakit na aids. Tuwang-tuwa kami ni Joyce kasi finally, malaya na rin kaming dalawa.

Nagsama na kami ni Joyce sa iisang condo at wala na rin akong balita kay Emma kung anong nangyari sa kaniya.

Hanggang sa nakatanggap ako ng tawag galing sa ama ni Emma.

He was crying in the phone and he's asking me to go to the hospital where Emma was confined at.

Nang makarating ako sa ospital ay isang suntok ang natamo ko dahil sa ama ni Emma at patuloy lamang siya sa pag-iyak maging ang kaniyang ina.

"HAYOP KANG LALAKE KA! IPINAGKATIWALA KO SA 'YO ANG ANAK KO PERO PINABAYAAN MO! HAYOP KA!"

Patuloy lamang siya sa pag-iyak habang hinahayaan ko siyang suntukin ako.

Because I deserved those punches.

"PINAGKATIWALAAN KITA RYLE! ITINURING KITANG ANAK KO PERO HINDI MO INALAGAAN SI EMMA! HAYOP KA!"

I know why Mang Arturo is acting like this becauss he loves his daughter so much.

"HINDI MO INALAGAAN ANG NAG-IISANG ANAK KO HAYOP KA---"

"MAHAL NA MAHAL KO 'YAN SI EMMA KASI NAG-IISANG ANAK KO 'YAN, RYLE! PRINSESA KO 'YAN! TANGINA MO! PINABAYAAN MO ANG NAG-IISANG PRINSESA KO!"

Patuloy lamang na umiiyak si Mang Arturo at kusang tumulo ang mga luha ko.

Biglang pumagitna ang mama ni Emma at may inabot siyang sulat sa akin.

Wala siyang binitawan na salita pero 'yong sakit sa mga mata niya ay mababakas.

Dahan-dahan kong in-open ang sulat galing kay Emma at ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan ay bumabagsak na.

"Dear Ryle Martin,

Hi, mahal. Sana okay ka lang ngayon. Alam kong nawalan ka na ng gana sa akin dahil sa ugali ko. Sorry, mahal. Gusto ko lang kasi talaga na masigurong okay at masaya ka habang nasa akin ka pa.

Kahit ni-minsan ay hindi mo itinanong kung okay rin ba ako. Kung masaya ba ako. Kung ano bang nangyayari sa akin. You didn't ask me, mahal but it's okay. Ang importante okay ka. Ganito siguro 'pag mahal mo ang isang tao no? Na kahit ramdam mo ng ayaw niya na sayo, pinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo.

Alam kong wala ka ng pake sa akin mahal pero gusto ko lang malaman mo kung anong nangyari sa akin.

Natandaan mo 'yong nakita mong sira-sira 'yung damit ko, mahal? Pinasukan kasi ang bahay natin and I was gang raped, mahal. Ginahasa nila ako.

And you know what's the worst part? Napag-alaman kong may aids ako, mahal.

Sorry if I didn't say it to you. Ayoko lang kasing maabala ka. Lahat ng nararamdaman at sakit ko ay itinago ko sa 'yo.

I never let you see me angry. I never let you see me jealous. I never let you see me cry. I just locked myself in our bathroom, far away from your sight. I always put on a smile for you. I acted like everything was fine, even I was secretly falling apart inside. I acted like you didn't hurt me, mahal.

Because the truth was, I knew that you were just faking your sleep every night just to chat the woman who made you happy.

Pero pinabayaan lang kita. Oo, nasasaktan ako pero kung kasiyahan mo siya, hindi na ako hahadlang.

At naalala mo 'yong nag-request ako sa 'yo na ipagdasal mo ako? Alam mo kung bakit, mahal?

Kasi gumawa ako ng mali kinabukasan. Nabasa ko kasi ang convo niyo ni Joyce at gusto niyong mawala si Xander kaya naisipan kong ipasa sa kanya ang sakit ko. And that's explain why I had sex with him, mahal.

Alam kong mali ang ginawa ko pero kung ikakasaya mo 'yon ay gagawin ko kasi mahal kita eh. Mahal na mahal to the point na nagiging tanga at nagiging masama na ako.

Ngayon na wala na kami ni Xander sa buhay niyo ni Joyce, sana magiging masaya kayo lalo ka na, mahal ko. Alagaan mo ang sarili mo ha?

And for one last moment, mahal. Let me ask you again,

Are you okay right now?"

-

Doon na nagtapos ang sulat at para na akong tanga sa kakaiyak. Napabagsak ako sa sahig dahil nanghina ako sa binasa ko.

Am I really okay? If yes, then why am I hurting this so bad to the point that I couldn't breathe.

Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.

Damn, Emma! I hate you for doing this! But I hate myself even more for not asking if you're okay!

She always asks me if I'm okay.

I'm okay, yes.

But I forgot to ask her if she is.

Agad kong tinignan ang mama ni Emma at kanina pa siya umiiyak.

"N-Nasaan na siya, tita? Nasaan na si Emma?!" Nanginginig ang mga labi ko nang tanungin siya.

Mas lalong bumuhos ang mga luha niya.

"She died---"

Huminga siya ng malalim bago siya nagpatuloy.

"--- Because of you..."

0
$ 0.00
Avatar for Castylle_Dane
2 years ago

Comments