Keep the Person Who Crave for your time and Attention

0 2
Avatar for Castylle_Dane
2 years ago

"Baby!"

Napatingin ako kay Benji ng tawagin na naman ito ng girlfriend niya. Hindi ba ito naiira sa babaeng 'yan?

"Bakit po baby?"

Napa smirk ako ng lumapit ito sa girlfriend niya na nasa loob lang ng kwarto nila. Hindi ko pa nakikita ang girlfriend niya pero 'di ko na agad siya gusto. Benji is my cousin sa mother side ko. Nandito ako ngayon sa condo niya at kakausapin sana siya na dito muna ako titira ng isang linggo.

Ng bumalik si Benji sa harap ko tsaka ko naman siya kinausap.

"Hindi ka ba naiirita sa girlfriend mo? Kakaalis mo lang sa tabi niya tatawagin ka ulit, lumpo ba siya?" inis kong tanong. Hindi ko kasi masabi sabi kay Benji yung sasabihin ko.

Tinapik nito ang balikat ko. "Gio, hinding hindi ako maiirata sa babaeng mahal ko, I find it cute lang kasi nga she wants my time and attention. Kaya hinayaan ko na lang." nakangiting sabi niya.

Ininom ko ang beer na binigay niya. "Pag ako boyfriend nun, iiwan ko na agad 'yon. Naiirita kasi talaga ako sa ganyan. Nagmumukha kang tatay kakasunod sakanya."

Natawa ito. Baliw ba siya?

"Magkaiba tayo, Gio. Kung ikaw hindi mo kayang pahalagahan ang babaeng ganyan pwes ako, Oo. You're not a real man when you can't handle that kind of attitude ng isang babae. Kapag ganyan ang babae, ibig sabihin nun nagpapalambing 'yon sa'yo."

Napa isip ako sa sinabi niya at agad na pumasok sa isip ko ang isang scenario, ako at ang girlfriend ko noon. Sinasampal dahil laging gumaganon.

Napalunok ako. I'm not a real man?

"Oh ano? Napa isip ka ata?"

Umiwas ako ng tingin kay Benjie. "May naalala lang."

"One of your girls?"

Tinapunan ko ito ng masamang tingin.

"Hindi na ako bata para tawaging girls ang mga babaeng gusto ko."

Napabuntong hininga si Benji at nilagok ang beer niya. "Alam mo Gio, hindi mo matatawag ang isang babae na 'woman' kung hindi mo ito seseryosohin at papakasalan. She's one of your flings."

Tinamaan ako sa sinabi niya kaya nanahimik na lang ako. Baka mapikon pa ako at mag away kami dito.

"Anyways, may sasabihin ako." Pagpuputol ko sa katahimikan.

"Ano iyon Gio? Gusto mo pa ba ng beer? Ikukuha kita."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Pwede mo naman utusan girlfriend mo. Kita mong nag uusap tayo."

Umiling ito. "She's in her period, Cous. Pag ang babae may period don't let them move. Hayaan mong silbihan mo siya kasi diba pag wala namang period ang isang babae tayo naman ang inaasikaso? Hindi naman kasi lahat iaasa sa babae kaya nga tayo may kamay at paa diba?" Napangiti sa'kin si Benjie at tumayo ito para kumuha ng beer.

Ganon ba 'yon? Napakamot ako sa aking ulo ng maalala na naman ang babaeng 'yon, lagi ako nun iniirita kaya nasasaktan ko ng physical. Lagi ko pang inaabuso at inuutusan kapag may period siya. Lagi pa akong walang oras sakanya dahil nambabae ako.

Sinampal ko ang pisngi ko. Bakit ko ba iniisip 'yon eh iniwan na ako ng babaeng 'yon, walang kwenta. Iniwan ako at nahirapan akong mag move on dahil nasanay ako na nandiyan siya lagi at inaalagan ako, pinagsisilbihan.

Hindi ko namalayan na may tumulong luha sa mga mata ko.

"One of your ex?" tanong agad ni Benji ng makitang nag punas ako ng luha.

"Yeah, aaminin ko nairita ako sa babaeng 'yon pero nilamon ako ng galit dahil nga ganyan siya, kagaya ng girlfriend mo. Ang isip bata na 'yon hindi niya tinatantanan ang isip ko pati yung puso ko ngayon."

Tumingin ako sa kisame para pigilan ang mga luha ko.

"Okay lang na umiyak ka. Tayong mga lalaki ay tao din may damdamin. Kaya 'wag mong pigilan ang iyak mo."

Napabuga ako ng hangin at tumingin sa pinsan ko.

"Hayaan mo na 'yon. Hinahanap ko nga 'yon hanggang ngayon pero hindi ko mahanap. Umuwi ata ng probinsya nila." Nilagok ko ang natitirang beer ko. "Benji, pwede bang makituloy dito sa condo mo? Nag away kasi kami ni mommy ayoko umuwi sa bahay. Kinuha din sakin lahat pati sung susi ng kotse at condo ko." Napahilamos ako ng mukha. Ang tanda tanda ko na ginaganon pa ako.

"Mag bago ka na kasi, Gio. Wala namang masama kung magbabago ka eh." may kinuha ito sa bulsa niya. "Oh, susi 'yan ng isang kwarto. Make your self comfortable."

"Thanks, Cous."

Tatayo na sana ako para pumasok ng kwarto. Gabi na rin kasi. At antok na ako dala na rin ng alak. Bigla akong napalingon ng bumukas ang kwarto ni Benji.

"Baby, ang sakit na naman ng puson ko. Need ko mag hot compres-" Napatigil ito sa pagsasalita ng makita ako. "M-may bisita ka pala. Ba't hindi mo sa'kin sinabi para pinaghandaan ko kayo."

"Baby, okay lang. Masakit puson mo diba kaya huwag ka ng gumalaw ng gumalaw baka lalong sasakit 'yan. Balik ka na sa kwarto kukunin ko lang yung pang hot compress mo."

Tumayo si Benji at inalalayan ang girlfriend nito. Tinignan ko lang ito kung paano niya kaingat na inalalayan ang girlfriend.

Ganon ba dapat?

"Sige na, Gio. Magpahinga ka na." Sabi ni Benji sabat sarado ng pinto. Naiwan ako sa labas ng nakatingin pa rin sa pintong pinasukan nilang dalawa.

"Gano'n ba dapat ang gagawin sa'yo Marina para manatili ka sa'kin at hindi mo 'ko ako iiwan?"

Sambit ko sa pangalan ng babaeng mahal ko na hindi ko pinahalagahan at pinabyaan, siya yung babaeng pumasok na sa loob ng kwarto ni Benji. She's my ex girlfriend.

"You really deserve Benji at hindi ako, Benji Can handle your attitude and he can give you his time and attention."

1
$ 0.00
Avatar for Castylle_Dane
2 years ago

Comments