Bakit tayo nag break?

0 5
Avatar for Castylle_Dane
2 years ago

Minahal mo ako noon, ganoon rin naman ako sa’yo pero bakit nga ba tayo nag-break?

1. Siguro, hindi sapat ang I LOVE YOU at I MISS YOU. Siguro hinanap ko yung I TRUST YOU, I UNDERSTAND at yung I’M SORRY.

2. Siguro, wrong timing. Marami tayong gusto sa buhay na sa sobrang eager nating tuparin ang mga ito, nakakalimutan na natin ang isa’t-isa. May priorities ka, mayroon din naman ako. Wrong timing nga lang siguro.

3. Siguro, baka hindi ako. O baka hindi rin ikaw. Baka hindi talaga tayo para sa isa’t-isa. Baka kahit ilang beses nating ipagpilitan ang sarili natin sa isa’t-isa, hindi talaga tayo compatible.

4. Siguro, baka hindi pa tayo handa. Lagi tayong nag-aaway. Lagi tayong nagtatalo sa mga bagay-bagay. Baka hindi talaga tayo dapat magmahalan. Baka ginawa tayo sa mundong ito bilang magkalaban. Baka hindi tayo lovers, baka tayo ay boxers.

5. Siguro, kailangan natin ng pahinga. Baka napagod ka, Napagod din ako. Baka kailangan nating huminga sa sari-sarili nating mundo. Baka pagdating ng dulo, tayo pa rin pero hindi pa sa ngayon.

CTTO

-Marcelo Santos III

1
$ 0.00

Comments