Pagaalaga ng isang anak na may Brain Tumor

1 8
Avatar for CapsLiza
3 years ago

Bilang ina na may anak na meron cancer sa utak ay isang karanasang napakahirap tanggapin o arukin. Hindi lang ang pagaaruga ang kailangan kong ibigay kundi ang aking buhay at panahon.

Ito po sya, 13 taong gulang na po sya di nakakakita at nakakalakad, sinusubuan sa bawat kakain.

Hindi lang brain tumor ang sakit nya meron din sya haydrosipalos o pagkakaroon ng tubig sa utak.

Kung maooperahan sya dalawang beses sya na ooperahin bukol at tubig sa utak.

Wala naman kaming pera na pampaopera, kaya nga umiinom lang sya ng dalawang klase ng gamot ang ipinapainom.

Lumapit na rin kami sa mga kawani sa pamahalaan hanggang tulong pambili lang ng gamot ang naibibigay.

Mga pagpapagal at mga hinaing ko sa pagtataguyod sa aking anak.

Sinubukan ko nang lumapit sa mga kamaganakan ko sa Gamay, Northern Samar at dito sa lugal ng asawa ko dito sa Candelaria, Quezon halos wala gaanong pera na malikom para man lamang sa anak ko...

Humihingi ako lagi kaso wala halos din sila maibigay dala yata sa pandemya ngayon na lumulukob sa ating bansa.

Halos himatayin ako sa bawat hinaing ng anak ko kapag di makainom ng gamot.

Sana makarating ito sa buong mundo na meron isang ina na humihingi ng kaunting pagunawa at tulong para sa kanyang isang anak na lumalaban sa Kanyang sakit...

2
$ 0.00
Avatar for CapsLiza
3 years ago

Comments

Ang buhay ay may kahulugan kapag ito ay ating naibabahagi sa ating mga mahal sa buhay...lalo na ang may pagpapahalaga nito...mas lalong lumalalim ang kahulugan nito...

$ 0.00
3 years ago