"Tuloy ang buhay para sa kinabukasan"
Bawat tao ay may kanya-kanyang istorya sa buhay kung paano nagsimula at kung paano matatapos. Sa bawat oras may mga pangyayari na hindi ka nais-nais subalit nasa tao o pamilya na iyon kung paano lampasan ang mga dagok sa buhay, kung sila ba ay sumuko o magpapatuloy.
Sa malayong lugar sa bukidnon may isang masayang pamilya na naninirahan, Ito'y may siyam na anak; tatlong lalaki at anim na babae. Ang pamilyang ito ay napabilang sa isang angkan ng Indigenous People kung saan hindi gaanong binigyang tuon ang pag aaral o ang pagpasok sa paaralan. Ngunit ang pamilyang ito ay naiba ang pananaw sa buhay dahil pag-aaral ang siyang naging sentro o pokus dito. Sa iba kapag isa kang katutubo ay malaki o malawak ang iyong nasasakupang lupain subalit kami ay isa lamang magsasaka, nag tatrabaho sa lupain ng ibang tao. Dahil sa hirap ng buhay kahit libre ang pagpasok dito nahihirapan parin ang aking Ama at Ina sa mga gastusin sa bawat araw-araw.
Saaming magkakapatid anim ang pumapasok sa paaralan at ang tatlo ay nag asawa na at itoy nasa ibang lugar. Dumating sa punto na subrang nahihirapan na ang aking pamilya sa pagpapaaral namin kayat kinuha ako ng nakakatanda kong kapatid upang silay magpapa-aral saakin. Kahit labang saaking kalooban ay pumayag narin ako upang mabawasan ng kunti ang hirap na pinagdadaanan ng aking pamilya.
Sa paglipas ng panahon naging mabuti naman ang daloy ng aking pag-aaral sa pamamahala ng nakakatanda kong kapatid. Ngunit pagdating ng dalawang taon naging mas mahigpit sila sa oras kahit may klase ka pa pinapauwi ka ng maaga upang ipaasikaso ang kanilang dalawang anak. Noong una nag reklamo ako dahil medyu napapabayaan ko na ang aking pag- aaral piru hindi ko sinabi sa kanila dahil narin sa respito. Dumating sa punto na gusto ko nang umuwi saamni dahil sa hirap, lahat ng gawaing bahay ikaw lang mag-isang gumawa. Hindi biro ang mag-aalaga ng dalawang bata habang ikaw ay nag-aaral. Sa bawat pagkakamusta ng aking pamilya ang tanging sagot ko ay- Maganda ang aking naging buhay dito kahit subrang hirap na. Bawat gabi umiiyak ako sa lungkot ang tanging nakaalam ay ang aking pinsan.
Sa paaralan, dumating ang araw na isa isang magbigay ng pangyayari na nais mong ibahagi sa klase kung kaya't ganon na lamang aking galak upang mailabas ang sama ng loob. Habang nagsalaysay ako grabi ang aking iyak at pagkatapos bago ang uwian ang aking mga guro ay pinayagan na nila akong umuwi 15-20 minuto bago matapos ang klase.
Ang lahat ng mga pangyayari ay hindi naitago saaking Ama at Ina kung kayat tinawagan at pinagsabihan ako na umuwi na lamang piru sa puntong iyon nakapag pasya na ako na umalis lang ako dito kung akoy makatapos na. Sa buhay kailangan talaga nating magtiis upang maipagpatuloy ang buhay. Laking pasasalamat ko na lamang na nag iba ang pagtrato ng kapatid ko. Ngayon mag lilimang taon na ako sa pamamahay nila at maganda narin ang pakikitungo nila saamin kasama ng isa ko pang kapatid.