Takipsilim

0 4
Avatar for CX29
Written by
3 years ago

Kinasabikan ko ang bawat segundo at minuto

Gusto kong hilahin ang ang oras ng bumilis ito

Nasasabik ako sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko

Kung saan masisilayan ko Ang iyong anyo

Sa bawat espasio na mayroong puwang

Pinipilit mong sidlan at mapunan

Nag abot ng kamay at niyakap aking kahinaan

Binalot ng init pagkatao kong animo sinlamig ng yelo

Di ko matandaan, paano at kailan?

Ang tanging alam, ikaw ang dahilan

Ng bawat mga tawa kot halakhak

At kinang na sa mata ay makikita

Sa pagsapit ng TAKIPSILIM

Kung saan lahat madilim at blangko

Napakapalad ko sapagkat ikaw ang ilaw

Na aking tanglaw para sa pagharap sa panibagong mundo

1
$ 0.00

Comments