Hello fellow writers and readers in this growing family. Readcash community.
I'll be starting to write again an article about the happenings in my life.
Although, not at all stated what happened day by day, but I'm gonna share to you my work's experiences.
Uumpisahan ko na ha ( Let's start by the way)
Simula noong nagtrabaho ako at na employed bilang isang empleyado hindi talaga natin maipagkukubli na makarinig ng iba't ibang spekulasyon at mga isturya sa buhay natin. Minsan noong bago pa ako pag makarinig ako ng bad words galing sa kanila feeling ko natatabonan ako ng mundo pero unti unti kong tinaggap ang realidad sa mundo ng pagtatrabaho.
May mga bagay na minsa gusto ko ng huminto at mag resign nalang, nawawalan kasi ako ng tiwala sa aking sarili sa ruwing nakakarinig ng hindi maganda.
Hindi naman ako perpekto may pagkakamali naman minsan pero sino ba sila para husgahan ako?
Ganoon na ba talaga kalaki ang kasalanan ko sa kanila?
Ang dami ko talagang naging karanasan sa pagtatrabaho sa isang pribadong kompanya kung nakapag exam lang sa ng board ng examination baka nasa government na rin ako ngayon kaya lang dumating ang pandemya.
Sa haba ng anim na taon naranasan ko na lahat ng mga pagsubok bilang isang manggagawa pero never akong sumuko para sa pamilya at sa kinabukasan ko na rin.
Piliin nating magpatawad.
Pinaka importante sa lahat dapat marunong tayong magpatawad.
Ano man ang nagawa nilang kasalanan, hinusgahan ka nila, pinagtatabuyan, pinagtatawanan at kahit minamaliit huwag sana tayong magtanim ng sama ng loob. Lilipas din ang araw na makakalimutan din natin ang mga pangyayari kahit masakit, kahit mabigat sa kalooban, don't take revenge. Let God do the rest.
Hindi naman tayo pababayaan ng Diyos. At andiyan lang siya palagi para sa atin.
Kalimutan ang nakaraan.
Kalimutan ang mga hindi magandang nangyari. Humingi ng tawad kung maaari. Kung katrabaho mo ang nanakit sa emosyon mo, hayaan mo lang huwag na huwag kang gumanti.
Sa lahat ng mga narinig kong panglalait binalewala ko nalang , hindi ako nagpapaapekto sa kanila, tuloy parin ako sa pagtatrabaho at hinahayaan ko nalang.
Pagtatapos:
Pagtibayin ang loob at hindi padadala sa mga sinasabi ng ibang tao. Magsumikap tayong makaahon sa hirap at makatulong sa pamilya.
Hindi mahalaga ang mga panglalait, pangungutya at pagbibitiw ng salita nila upang tayo ay huminto. Pwede kang umiyak pero hindi dapat sumusuko.
Sana ay nagustohan po ninyo ang isturya ng buhay ko.
Maraming salamat.
Ganun talaga sa workplace daming feeling perfect hehe