Taos puso po akong nagpapasalamat sa patuloy na nagbabasa ng aking artikulo at higit sa lahat nais ko din pong pasalamatan ang aking unang sponsor si Ma'am Ling01.Nakakataba po ng puso...Maraming salamat po ulit at sa inyong lahat.Godbless po.
@Buhayexperience
Joined 14 September 2021 · 67 posts
Gawing inspirasyon ang lahat ng pagsubok sa buhay.
120 KT
0 KT · $9.08 received · 0 KT · $2.15 given
Posts
School Life Isa sa pinaka mahalaga sa buhay ng tao ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Paano po kayo natutong sumulat? Noon Nong panahon namin..Wala pa noon na kindergarten..Ang unang pasok sa paaralan ay nasa grade 1 na agad...Sa bahay ako natuto sumulat ng aking pangalan dahil required sa amin noon na kailangan bago magpa enrol ng grade 1 ay dapat magaling ng sumulat ng kani-kanilang pangalan. Ngayon Ngayon ay maswerte na yong mga bata kasi bago ka pumasok ng grade 1 ay magaling ka ng sumulat.Kasi kailangan mo munang pumasok ng nursery at kindergarten bago ka makapasok ng grade 1.Ang kinagandahan kasi hindi na nahihirapan yong mga bata pagdating ng grade 1 kasi bago paman sila pumasok ng grade 1 ay nahasa na ang kanilang kamay sa pagsusulat. Anong grade kayo natutong bumasa? Noon Siguro dahil sa grade 1 ako nag start pag school..Medyo hirap pang matutong bumasa hanggang sa matapos ang taon.Naalala ko grade 3 na ata ako natutong bumasa..Yong medyo magaling na...Hanggang ngayon naalala ko pa yong guro ko na sobrang tyaga sa akin para matuto ako..Si sir Roque Boneo..Kayo po alam niyo pa bo ba yong mga guro niyo at yong matyagang turuan kayo para lang matuto? Ngayon Ang mga kabataan ngayon kinder palang sobrang nakaka proud na kasi ang gagaling na nilang bumasa at sumulat lalo na kapag natututukan ng guro at magulang dahil module ngayon.. Gaano kahalaga sa atin ang pag-aaral? Bata pa lamang ako ay pangarap ko ng makapagtapos ng pag-aaral.Kasi yon ang bilin ng mga magulang ko..Tapusin daw namin ang pag-aaral dahil yon lang ang tanging kayamanan na maipapamana nila sa amin.Na kahit saan kami makarating ay dala-dala namin ito. Kaya lang nabago ang panahon dahil sa mga pagsubok na dumating.Isa ako sa ipinatigil ng pag-aaral dahil nahihirapan na silang papagtapusin kaming limang magkakapatid. Hindi ako sumuko kasi dala-dala ko pa din yong katagang binitawan nila na kailangan makapagtapos ng pag-aaral.Sabi nga kapag gusto mong ma achieve ang isang bagay dapat pagsumikapan mo ito..At kapag gusto mo daw ang isang bagay maraming paraan..Kaya nag working student ako ng pumasok na ako ng secondarya..Naging katulong ako at mabuti nalang ay napakabait ng amo ko..Kaya lang kung ano ang ikinabait ng amo ko..Yon din ang ikinadami ng trabaho ko..Natatapos ako ng gawain araw-araw 12midnight na tapos sasagot pa ako ng mga assignment sa school minsan 2am na ng umaga ay matutulog palang ako tapos gigising ng 5am para lang mag handa ng almusal ng mga amo ko...Napakahirap pero kailangan kayanin para lang makapagtapos ako.. DIPLOMA Habang nagmamartsa ako palapit ng stage para makuha ang diploma sa pagtatapos ng secondarya ay masayang-masaya ako dahil alam kong dugo't pawis ang ipinuhan ko para lang makapagtapos ng high school level.Hindi man ako pinalad na makapagtapos ng college,under grad lang dahil sa nagkasakit ako ay napakasaya ko pa din dahil may mga pangarap naman akong narating.. Author's note: Maraming salamat sa inyong pagbabasa ng aking artikulo.Sana ay nagustuhan niyo ang aking kwento..Yan nalang po muna at hanggang sa muli.godbless po. #Source image:Unsplash and some captured by me.. @buhayexperience


+1 more
My Parent said"Be Practical" Ito lagi ang sinasabi sa akin ng magulang ko sa tuwing magpapabili ako ng laruan.."huwag yan kasi mahal"...Naku sayang ng pera mamaya masisira lang naman... o kaya ibili nalang natin ng pagkain para mabusog ka....Mga katagang tumatak sa sa aking isipan sa tuwing may hinihingi ako sa kanila kaya simula noon ay never na ako nag request na ibili ako ng mga laruan... Nauunawaan ko ang aking mga magulang kung bakit sila ganyan..Lumaki kasi silang mahirap at kahit kunting barya lang ay kailangan nilang pagpawisan bago ito makuha kaya't ayaw nilang gastahin ito sa mga bagay na hindi gaanong makabuluhan. Ang ginawa ko para magkaroon ako ng laruan at ma enjoy ko ang aking pagiging bata.Narito sa baba ang aking mga naging laruan... DRAGONFLY Dragonfly(tutubi)-Naaalala ko minsan kapag nahihirapan akong hulihin ito ay kumukuha ako ng walis at pinapalo ko ito o kaya isang sanga ng puno na maraming dahon ang ipinapalo ko dito at kapag nahuli ko ay tuwang-tuwa ako.Minsan nasisira yong kanyang mga pakpak pero dahil sa bata ako at hindi ko pa alam ang ginagawa ko.Ito ay ipinapakain ko sa langgam.Tuwang-tuwa ako kapag nakikita kong kumpol-kumpol yong langgam habang pinag-aagawan yong dragon fly.Minsan naman kapag nahuhuli ko itong tutubi na gamit ang aking kamay ay tinatanggalan ko ito ng pakpak para hindi makalipat at nilalagay ko sa isang garapon o kaya kahon at maglalagay ako ng langgam sa loob ng garapon😂😂 GRASSHOPPER GRASSHOPPER(TIPAKLONG)-Tuwang-tuwa ako kapag nakakakita ako ng grasshopper.Kadalasan makikita mo ito sa sa malawak na damuhan o kaya sa green grass.Kapag nakakakita ako nito ginagaya ko..Tumatalon din ako.Minsan din hinuhuli ko at kapag nahuhuli ko ito ay inuuwi ko sa amin at nilalagay ko sa kahon tapos ipinagmamalaki ko sa aking mga kapatid na mayroon akong laruan...Si tipaklong pero pinagtatawanan lang nila ako.. GREEN BEETLE GREEN BEETLE-Hindi ko alam ang tawag nito sa salitang tagalog pero sa amin"kalibubog"ang tawag dito...Tuwing hapon nagiikot ako sa mga puno at pinagsisipa ko yong puno para magsilaglagan itong mga beetles..Ganon ko sila hinuhuli...At kapag may nahuhuli ako ay inuuwi ko ito sa bahay at kumukuha ako ng sinulid tapos tatalian ako ang paa nito pagkatapos ay pinapalipad ng pinapalipad ko siya na parang isang saranggola..Bilang isang bata ay masayang-masaya ako habang lumilipad ito at naririnig ko yong ugong ng kanyang mga pakpak.. PRAYING MANTIS PRAYING MANTIS-Sa lahat ng laruin ko ito ang pinaka paborito ko nong bata ako.Ang praying mantis...Para kasi itong may isip na tulad ng isang tao..Kapag tinatanong ko ito kung asan ang langit?Titingala siya na animo'y tinuturo yong langit..Kapag tinatanong ko naman ito kung asan ang lupa?Yuyuko ito at kapag nakakarinig ng tugtog sa radyo ito ay sumasayaw...Kaya sobrang saya ko nong bata ako kapag meron ako nitong praying mantis.... AUTHOR'S NOTE: Ang mga laruan na nabanggit ko sa itaas ay isa lamang na karanasaan nong aking kabataan.Hindi ko pa alam ang tama basta ang alam ko lang magkaroon ng laruan at maging masaya..Hindi ko naisip na lahat ng ginawa kong laruan ay may buhay din at dapat pinapahalagahan..Dapat inaalagaan at hindi pinaglalaruan dahil ito ay nakakaawa...Ngayong malaki na ako kapag nakakakita ako na mga bata na pinapahirapan ang katulad ng mga nabanggit ko ay pinapayuhan ko sila at pinagsasabihan na iba nalang ang paglaruan.. Maraming salamat po sainyong lahat❤️❤️ @Buhayexperience #Source image:unsplash edited by me.


+2 more
Sino ang nasa likod ng malaking puno? Minsan may mga pangyayari sa buhay natin na mahirap ipaliwanag.Ang kwentong inyong mababasa ngayon ay mula sa aking naging karanasanan. Ang aking alagang aso. Bata pa lamang ako ay hilig ko na talaga mag alaga ng aso.Itinuturing ko ito na parang anak ko.Pinapaliguan,At minsan kasama sa aking pagtulog.Napakabait na aso si potpot.Malambing at parang tao din kung mag-isip.Sa tuwing aalis ako ng bahay ay lagi ko itong kasama.Kung minsan naman kapag may mga gathering akong pupuntahan at hindi ito pwede sumama ay iniiwan ko sa bahay. Pag-akyat ko ng bundok Sa tuwing hapon kapag maganda ang panahon ay lagi akong umaakyat ng bundok kasama ang aking alagang aso para bisitahin ang lupain ng papa ko.Madami kasing naiwan ang papa ko na mga pananim tulad ng niyog,saging at mga puno na namumunga tulad ng pili.Wala akong kapatid na lalaki at ako ang panganay sa amin kaya nakasanayan ko na talaga ang araw-araw kong ginagawa at hindi ako natatakot umakyat ng bundok.Minsan may mga kasama ako pero kadalasan ay tanging itong alagang aso ko lang ang aking kasama. Nagkasakit ang aso kong si potpot Dahil sa may sakit ang aso kong si potpot ay kinailangan niyang maiwan sa bahay para magpagaling.Nong mga panahon na yon ay wala akong kasama.Eh sanay naman na ako kaya ok lang.Lagi lang akong may kasamang itak.Minsan nga madaming nagsasabi sa akin na para daw akong Amasona.hahah..Ganon talaga ang buhay dapat lagi kang matapang lalo na kung sayo nakasalalay ang buong pamilya. Habang naglalakad ako sa isang liblib na lugar ay dinig na dinig ko ang huni ng mga ibon na para bang may sinasabi nilang may isang taong paparating.Ngunit hindi ko lang sila pinapansin na habang tumatagal ay papalakas ng papalakas ang mga tunog.Hindi ko namamalayan sa aking paglalakad ay pabalik-balik lang pala ako sa aking dinadaanan. Nakaramdam ako ng kaba at takot dahil napapagod na din ako sa paglalakad ngunit hindi ako nakakarating sa aking paruruonan.Hanggang sa may nakita ako na isang batang lalaki na nakatalikod habang may hinahawi sa mga dahon na tila may kinukuha na mga bunga ng isang uri ng damo.Tinanong ko ito kung asang lugar ako at hindi ko na malaman ang daan.Ngunit nakatatlong tanong na ako subalit hindi ito sumasagot at panay lang ang pitas ng mga bunga.Napatingin ako sa kalangitan dahil parang uulan.Paglingon ko ulit sa bata ay bigla itong nawala.Nagtaasan yong mga balahibo ko.At sa tanang buhay ko doon lang ako totoong natakot kasi nag-iisa ako at walang kasama sa gitna ng malawak na kagubatan. Isang magandang batang babae Sa kabila ng nangyari ay patuloy pa din ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang malawak na damuhan na may mababang puno ng pili.Isang batang babae ang aking nakita habang masayang-masaya na naglalaro sa isang mababang puno at tuwang-tuwa habang bumibitin sa mga sanga.Nilapitan ko ito at tinanong ko ito kung bakit siya nag-iisa at hindi natatakot sa liblib na lugar na iyon.Tinawanan ako ng isang magandang batang babae at sinabi sa akin na "hindi po"dito ako nakatira"....tinanong ko ulit siya kung asan ang magulang niya at kung saan siya nakatira.Tinuro niya yong kanyang kamay papunta sa malayo. Sa bahay ng batang babae Tumigil ang batang babae sa paglalaro at lumapit sa akin.Hinawakan niya ang aking kanang kamay at hinila ako papasok sa isang maliit na daanan.Tinanong ko ito kung saan kami pupunta..Ang sagot niya sa akin ay doon sa kanyang bahay.Para akong robot na sunod lang ng sunod sa kanya.Hanggang sa matanaw ko ang isang napakalaking puno na hindi ko mawari kung ano ang pangalan ng malaking puno na yon.Basta napakaganda niya at kung titingnan mo ay parang kahit ilang bagyo pa ang dumaan ay hindi ito mababali.Sabi ko sa bata bakit mo ako dito dinala?Sagot ng bata...Ito po ang bahay ko at nalulungkot ako dahil wala na akong mama..Gusto kitang maging mama sama ka na sa akin...Para akong binuhusan ng malamig na yelo dahil may nabubuo na sa aking isipan..Feeling ko na eengkanto ako..hindi feeling totoong naeengkanto ako..Naawa ako sa bata pero mas nanaig yong takot ko kaya bigla akong tumakbo palayo sa bata...Hindi ako tumitigil sa pagtakbo kasi gustong-gusto kong makaalis sa lugar na yon..Pero pagod na pagod ako sa kakatakbo pero parang hindi ako nakakaalis sa lugar na yon.Naalala ko yong sabi sa akin ng lola ko na kapag daw nawawala sa kabundukan ay kailangan lang baliktarin yong damit.Walang hiya-hiya at hinubad ko ang aking damit para baliktarin.. Kung paano ako nakaalis sa lugar na yon Nong isuot ko ulit ang aking damit na baliktaf ay gulat na gulat ako.Madaming taong nakapaligid sa akin.Andon ang mama at mga kapatid ko.Nasa tabi ko din yong aking alagang aso at kitang-kita sa mukha ng alaga ko ang lungkot habang pinapanood akong nakahiga sa kwarto......Isang panaginip pala ang lahat...At doon ko lang naalala na natulog pala ako ng 7pm na hindi kumakain dahil sa sobrang pagod ko galing sa bukirin....Nagulat nalang ako pagising ko dahil 1pm na ng hapon.Mahigit 19hrs daw yong tulog ko at sobrang nag aalala daw sila dahil hindi ako nagigising pero daw yong mata ko ay nakamulat at naglilisik na umiikot yong paningin.Naisipan nilang mag alay ng panalangin sa akin dahil wala na silang makitang ibang paraan at doon daw ako nagising.... Authour's note: Isang aral ang natutunan ko base sa nangyari sa buhay ko..Hindi ko man nagawang tawagin ang panginoon doon sa aking panaginip dapat maging palaban tayo.Huwag susuko at huwag na huwag matakot at maraming salamat sa nag alay sa akin ng panalangin dahil alam kong malaking tulong din yon para magising ako...Dahil kung hindi baka isang bangungot yong nangyari sa akin. Maraming salamat sa inyong oras sa pagbabasa sa aking kwento..hanggang sa muli..godbless us all.. @Buhayexperience


+2 more
Volcanic Erruption Ipagpaumanhin niyo po kung hindi pa ako gaanong magaling para gumawa ng isang artikulo.2days palang po ako dito sa read.cash.May nakapag kwento din po kasi sa akin na isang friend sa noise.cash about dito sa read.cash kaya willing din po ako na maibahagi sainyo ang totoong kwento ng buhay ko. Sa mga mambabasa po.Taos puso po akong nagpapasalamat kung inyo pong magustuhan ang aking kwento. Ang kwentong ibabahagi ko sa inyo ngayon ay ang totoong nangyari sa buhay namin noong pumutok ang bulkan Mayon dito sa aming lugar sa Albay. Araw ng paglalaro naming magkakapatid sa aming bakuran. Masayang-masaya kami noon ng aking mga kapatid habang naglalaro sa aming bakuran.Kami ay masayang naghahabulan,nagtatagu-taguan at nagpapatintero sa isang malawak na grass. Ang bahay namin ay malayo sa siyudad at ang lalayo ng kapitbahay.Naalala ko noon nasa pitong taong gulang palang ako.Wala akong ibang kalaro kundi mga kapatid ko. Ang larawang ito ay kuha ko sa aking gallery na naglalarawan sa aking inilalahad ayon sa kwento. Simula ng pag alburoto ng Bulkang Mayon,year 1992. Habang masaya kaming naglalaro ng aking mga kapatid ay biglang may sumabog na animoy bomba na hindi mo mawari kung saan nanggaling.Lumindol yong lupa at biglang dumilim ang paligid.Pagtingala namin sa kalangitan ay isang napaka itim an usok ang aming nakita.Dahil sa takot naming magkakapatid ay deritso kami pumasok sa loob ng bahay.Samantalang ang aming mga magulang ay nag eempake na pala para pumunta sa evacuation center kung saan daw kami ay ligtas.Dahil sa aking murang edad at wala pang alam ng mga panahon na yon ay nakasunod lang ako kung ano ang gagawin ng aking mga magulang at mga kapatid..Para kaming hinahabol ng kabayo sa kakamadali.Ramdam ko yong pagod sa paglalakad dahil bago namin marating ang daan kung saan may mga sasakyan ay halos 20mins din ang aming lalakarin. Samantalang patuloy na nag aalburuto yong bulkan na akala namin ay hindi na makakaalis sa lugar na iyo.Madami ng abo(ash) yong nagsisilaglagan sa daan.Naalala ko sabi ng mama ko.Takpan daw namin ang aming ilong para hindi daw namin malanghap yong abo(ash)at huwag daw kami magkasakit. Kung makikita niyo dito sa larawan na may malaking ilog.Yong tubig na dumadaloy dito noon ay umuusok dahil sa sobrang init.Ang picture na kuha ko ngayon ay hindi ang totoong larawan nong pagtuga ng bulkan.Ito ay ibinabase ko lamang sa aking isinasalarawan sa kwento.At ito ay kuha ko ngayon lamang na taon. Pagdating namin sa evacuation center. Sa awa ng diyos ay nakarating agad kami sa evacuation center.Ito ang pinaka malaking paaralan sa lugar namin.Ito ang ginagawa nilang evacuation center kapag tumutuga ang bulkan o kaya naman ay may malakas na bagyo.Ito din ang pinaka magandang paaralan sa lugar namin ang Tabaco National High School.Pagdating namin sa lugar ay agad kaming pumasok sa loob ng kwarto para makapagpahinga. Kuha ko itong larawan nong bagyong rolly dahil dito din kami nag evacuate.Ipinapakita ko lang sa larawan ang lugar kung saan ang evacuation center at kuha ito ng sarili kong camera. Sa loob ng kwarto dito sa evacuation center. Siksikan kami sa loob,Nakahiga lang sa papag at ang mga kasama namin ay matatanda na at may mga karamdaman.Ang mama ko ay panay pagdarasal na sana ay tumigil na ang pag Alburuto ng bulkan at ng makauwi na kami.Inabot kami ng mahigit dalawang linggo sa evacuation center.Doon ko naranasan kong paano makisalamuha sa ibang mga kalaro dahil nasanay ako na tanging mga kapatid ko lang ang aking mga kalaro.Dahil ako'y bata pa noon ay masayang-masaya ako at parang ayaw ko na ulit bumalik sa aming sariling tahanan.😂 Itong larawan ay kuha ko lamang ngayong 2016 at malaki na ako.Yong huling pagtuga ng bulkan.Ang nasa larawan ay ang mama ko at ang aking pamangkin. Author's note: Maraming salamat po sa mga nagbasa ng aking kwento.Sana ay nagustuhan niyo.Hayaan niyo po at mas lalo ko pa pong pagbutihin ang pagsusulat ng artikulo para mas maging magaling din ako katulad ng mga nababasa ko dito sa read.cash at lubos akong humahanga sa inyo.❤️❤️ @Buhayexperience #Orihinal #Godbless us all


+2 more
Karanasang hinding-hindi ko makakalimutan Lahat tayo ay may mga karanasan sa buhay na hindi makakalimutan.May mga magagandang nangyari at meron din na hindi.Itong kwento na ibabahagi ko sa inyo ay ang aking karanasanan noong daanan ang lugar namin ng super typhoon Rolly. Ang bahay namin ay gawa lang sa kahoy,kawayan at anahaw.Sa madaling salita isang maliit na bahay pero sementado naman ang aming sahig.Nakatira kami malapit sa ilog at malalayo sa mga kapitbahay.Ang ikinabubuhay ng mga magulang ko ay ang pagtatanim sa bukirin tulad petchay,kamatis,sitaw at kung ano-ano pa na pwedeng pagkakitaan.. Isang araw ang dumating at may nag balita sa amin na may malakas daw na bagyo na paparating..Ito na nga po yong ang super typhoon rolly.Sobrang nangamba ang mga magulang ko dahil marami na naman ang madidistruso dahil sa paparating na bagyo.Yong mga pananim ng papa ko ay hindi pa pwedeng anihin at sigurado masisira lahat yon hindi na kami makakapag ani. Hapon palang bago manalasa ang super typhoon rolly ay may nag ikot ng mga official ng barangay na kailangan na naming lumikas dahil kinaumagahan ay maglalandfall ang super typhoon sa lugar namin. Ako si mama ko at mga kapatid ko ay nagsilikas na sa evacuation center dahil alam namin na hindi safe ang bahay namin.Pero ang papa ko ay nag paiwan dahil baka daw mawala yong mga ibang gamit namin at kapag daw alanganin ay lilikas din daw siya.. Kinaumagahan 5am in the morning ay nagsimula na nga ang pabugso-bugsong hangin at ulan subalit hindi ko pa nasisilayan ang papa ko.Sobrang nag-aalala kami dahil baka kung mapano siya.Hanggang sa patuloy na lumakas ng lumakas yong hangin.Ramdam namin yong mga kalabog ng yero sa bubungan namin na parang binabato ng mga naglalakihang puno ng kahoy. Makalipas ang isang oras ay nilipad na din yong bubungan namin.Basang-basa kami at talagang nakakatakot dahil kitang-kita namin ang mga nagliliparan na yero don sa paaralan kung saan kami nag evacute. Matagal bago tumigil ang napakalas na hangin.Halo-halong emosyon ang naramdaman namin.Merong umiiyak,nananalangin at yong iba naman ay nakatayo sa may pintuan ng aming kwarto para harangan ito at huwag liparin ng napakalakas na hangin.. Nang tumila na ang napakalakas na hangin ay isa-isa kaming nagsilabasan.Hinanap ko ang papa ko ngunit wala akong nakita.Hanggang sa pinayagan na kaming umuwi sa aming mga tahanan. Pagdating namin sa aming tahanan ay isang napakasaklap ang nangyari.Yong kalahati ng bahay namin ay nilamon na ng ilog.Nawala yong kusina,banyo at isang maliit na kwarto kung saan andon ang kwarto ng papa ko. Hinanap agad namin ang papa ko.At nang matagpuan ko ay hindi ko mawari ang aking emosyon.Hindi ako makapagsalita,nanlamig ang aking mga kamay at bumuhos ang aking luha.Hindi ko matanggap na wala na ang papa ko..Nakita ko siyang nakahiga habang natabunan ng mga kahoy at wala ng buhay😭😭😭.Habang hinahawakan ko ang papa ko ay iyak ako ng iyak..Hindi ko talaga matanggap na wala na siya. Dahil sa nangyari ay kailangan kong magpakatatag dahil ako ang panganay sa amin.Ang mama ko ay matanda na din.Hindi ko alam kung paano magsimula kasi wala na yong haligi ng aming tahanan.Nagdasal ako,sabi ko lord sana kung anomang pagsubok ang nararanasan namin ngayon.Sana patatagin mo ako,bigyan mo ako ng lakas para huwag sumuko at ipagpatuloy ang hamon ng buhay kasama ang aking pamilya. Pakatapos ng libing ng papa ko ay gumawa ulit ako ng isang maliit na bahay sa tulong na rin ng mga kakilala at kamag-anak namin.Ganon talaga ang buhay kailangan huwag tayong susuko.Kailangan nalang natin na tanggapin ang mga bagay na nangyari na. Mahirap man magsimula ulit dahil namatay ang papa ko,pero kailangan ulit subukan para sa mama ko at sa ibang mga kapatid ko na naiwan.. Author's notes Salamat sa inyong pagbabasa ng aking kwento.Sana ay may-aral po kayong napulot.Dapat kahit anuman ang pagsubok na dumating kahit napakahirap man nito.Patuloy lang ang laban.. Buhayexperience❤️❤️


+1 more
Buhay studyante noon at ngayon **Ano nga ba ang kaibahan ng mga studyante noon at ngayon. Alam naman natin na sa paglipas ng panahon ay nagbabago ang sitwasyon lalo na ng mga kabataan. Hindi natin inaasahan na biglang magbabago ang sistema ng pagpaparal sa mga bata sa kasalukuyan. Itong aking ibabahagi sainyo ay mga kaalaman at karanasan ko sa totoong buhay.** Noon June ang start ng klase ng mga bata at nagtatapos ito ng march or april. Bago magstart ang pasukan ang mga magulang ay binibilhan nila ng bagong uniform,sapatos,bag at mga gamit ang kanilang mga anak. Excited ang mga bata sa pagpasok sa school dahil sa bago nilang gamit, baon at sympre bagong kaklase. Ang mga bata noon kahit malayo ang kanilang bahay ay magtatyaga silang maglakad kahit na abotin ng isang oras sa paglalakad makarating lang sa kanilang paaralan. Noon sa school may flag ceremony bago mag simula ang klase at kasabay pa ng masayang exercise at kung minsan ay may program pa. Noon sa school madaming activities or extra curicullum na pwding salihan ng mga bata tulad ng girl scout and boy scout, Noon ang mga bata ay buong maghapon nila ay nasa skwelahan sila papasok ng 7am uuwi ng 4:00pm. Noon malaya ang mga batang maglaro sa paaralan kahit na uuwi silang madungis at amoy pawis ay ok lang basta ang alam nila masaya sila. Noon kahit saging o walang baon ay papasok sila magkaron lang ng kaalaman sa araw na iyon. Ngayon Simula ng nagsimula ang pandemya 1year ago lahat ay nagbago. Naging mahirap sa mga bata at magulang ang bagong patakarang ito. Ngayon ang mga bata nagaaral sa bahay at hindi na muna pinapayagan mag face to face sila. Ngayon ang mga bata online at modular na ang paraan para sila ay matuto sa kanilang aralin. Ngayon ang mga mag-aaral ay hindi nila kilala ang knilang kaklase at kanilang guro. Ngayon ang mga magulang nalang ang pumupunta sa school para kumuha ng modules. Ngayon ang mga bata ay limit nalang ang kanilang pag aaral kung ano ang nasa module yun lang ang kanilang gagawin. Ngayon nasusubukan ang pagiging matalino ng mga bata pati ng mga magulang nasusubok ang kanilang tyaga at pasenxa nila sa kanilang mga anak. *Author's note:* *Ano man ang nangyari noon at ngayon magkaiba man ang sitwasyon noon ay ang importante ay ang matuto ang mga bata.* *Kilangan lang ng sipag at tyaga sa pagturo sa kanila. Kasi kung hindi nman natin sila tuturuan ay kawawa din sila paglaki nila. Edukasyon lang ang tanging maipamamana natin sa ating mga anak.*