read.cash Log in
@Buhayexperience

School Life

Isa sa pinaka mahalaga sa buhay ng tao ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Paano po kayo natutong sumulat? Noon Nong panahon namin..Wala pa noon na kindergarten..Ang unang pasok sa paaralan ay nasa grade 1 na agad...Sa bahay ako natuto sumulat ng aking pangalan dahil required sa amin noon na kailangan bago magpa enrol ng grade 1 ay dapat magaling ng sumulat ng kani-kanilang pangalan. Ngayon Ngayon ay maswerte na yong mga bata kasi bago ka pumasok ng grade 1 ay magaling ka ng sumulat.Kasi kailangan mo munang pumasok ng nursery at kindergarten bago ka makapasok ng grade 1.Ang kinagandahan kasi hindi na nahihirapan yong mga bata pagdating ng grade 1 kasi bago paman sila pumasok ng grade 1 ay nahasa na ang kanilang kamay sa pagsusulat.

Anong grade kayo natutong bumasa? Noon Siguro dahil sa grade 1 ako nag start pag school..Medyo hirap pang matutong bumasa hanggang sa matapos ang taon.Naalala ko grade 3 na ata ako natutong bumasa..Yong medyo magaling na...Hanggang ngayon naalala ko pa yong guro ko na sobrang tyaga sa akin para matuto ako..Si sir Roque Boneo..Kayo po alam niyo pa bo ba yong mga guro niyo at yong matyagang turuan kayo para lang matuto? Ngayon Ang mga kabataan ngayon kinder palang sobrang nakaka proud na kasi ang gagaling na nilang bumasa at sumulat lalo na kapag natututukan ng guro at magulang dahil module ngayon..

Gaano kahalaga sa atin ang pag-aaral? Bata pa lamang ako ay pangarap ko ng makapagtapos ng pag-aaral.Kasi yon ang bilin ng mga magulang ko..Tapusin daw namin ang pag-aaral dahil yon lang ang tanging kayamanan na maipapamana nila sa amin.Na kahit saan kami makarating ay dala-dala namin ito. Kaya lang nabago ang panahon dahil sa mga pagsubok na dumating.Isa ako sa ipinatigil ng pag-aaral dahil nahihirapan na silang papagtapusin kaming limang magkakapatid. Hindi ako sumuko kasi dala-dala ko pa din yong katagang binitawan nila na kailangan makapagtapos ng pag-aaral.Sabi nga kapag gusto mong ma achieve ang isang bagay dapat pagsumikapan mo ito..At kapag gusto mo daw ang isang bagay maraming paraan..Kaya nag working student ako ng pumasok na ako ng secondarya..Naging katulong ako at mabuti nalang ay napakabait ng amo ko..Kaya lang kung ano ang ikinabait ng amo ko..Yon din ang ikinadami ng trabaho ko..Natatapos ako ng gawain araw-araw 12midnight na tapos sasagot pa ako ng mga assignment sa school minsan 2am na ng umaga ay matutulog palang ako tapos gigising ng 5am para lang mag handa ng almusal ng mga amo ko...Napakahirap pero kailangan kayanin para lang makapagtapos ako.. DIPLOMA Habang nagmamartsa ako palapit ng stage para makuha ang diploma sa pagtatapos ng secondarya ay masayang-masaya ako dahil alam kong dugo't pawis ang ipinuhan ko para lang makapagtapos ng high school level.Hindi man ako pinalad na makapagtapos ng college,under grad lang dahil sa nagkasakit ako ay napakasaya ko pa din dahil may mga pangarap naman akong narating..

Author's note: Maraming salamat sa inyong pagbabasa ng aking artikulo.Sana ay nagustuhan niyo ang aking kwento..Yan nalang po muna at hanggang sa muli.godbless po. #Source image:Unsplash and some captured by me.. @buhayexperience

10¢

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.