Gawing special ang pasko kahit na may mga problemang kinakaharap ang mundo

1 35
Avatar for Browneyes
3 years ago

Likas saating mga pilipino ang pagiging positibo kahit tayo ay may mga kinakaharap na problema,ito ang pinaka importante SA lahat,maging positibo at wag mawalan bang pag asa.Mayaman man o mahirap ay walang pinipili ang mga pagsubok sa buhay,lahat tayo ay may mga ibat ibang pinagdadaanan pero iisa lamang ang tanging paraan upang mapagaan ang acting kalokohan,Ito ay ang pagiging positibo lamang.

Ngayong may malaking pagsubok tayong hinaharap,hindi lang saating bansa,maging sa buong mundo,panu nga ba naten ipagdiriwang ang pasko?Gawin nateng special ang pasko kahit na may malaki tayong pagsubok na kinakaharap.Isang beses lang sa isang taon pinagdiriwang ang pasko Kaya dapat maramdaman naten kung gaanu ka special ang araw na ito.

Simulan naten ito sa pamamagitan nang pagsasama-sama nang buong pamilya dahil Ito ang pinaka importante sa lahat,ang magkakasama ang buong mag anak sa pagdiriwang nang kapaskuhan.Isa sa pinakamasayang araw ay ang makasama mo ang mga mahal mo sa buhay,sama sama kayong kumakain sa isang hapag kainan.Sabay sabay kayong magsisimba at kakain sa labas.Bilang isang magulang gusto ko pasayahin ang mga anak ko sa pamamagitan nang mga munting regalo na alam kong makakapag bigay nang saya sa kanila.Ang pasko ay para sa mga bata,oo tama,kaya dapat maramdaman nila na special din sila sa araw na ito,bigyan naten sila nang mga regalo,mga laruan,mga damit,at masasarap na pagkain.Minsan lang sila maging bata,wag naten ipagdamot sakanila ang pagiging masaya sa special na araw na ito.Ang mga bata ang pinakamasaya sa araw nang pasko,ibigay naten sakanila ang buong pusong pagmamahal.

Marami akong gustong gawin sa pinaka special na araw nang pasko.Siguro kung walang pandemya isa plano ko ay ipasyal ang mga anak ko kasama nang asawa ko,alam ko na isa sa paraan para mapasaya ang mga bata ay ang ipasyal sila sa mga lugar na masasaya kagaya nang mga palaruan,sa mga malls,sa mga tindahan nang mga laruan,sa mga lugar na marami kang makikita na magpapasaya sa mga bata.Pero dahil nga bawal lumabas ang mga bata sa panahon ngayon,kailangan naten mag isip nang ibang paraan para maging masaya parin sila sa araw nang pasko,isa sa mga naiisip ko ay ang mabigyan sila nang mga regalo,alam kong matutuwa sila sa mga regalo.Mahirap ang buhay oo,pero hindi Ito dahilan para maging nalungkot ang araw nang pasko.Malayo pa ang pasko nag iipon na ako nang mga pwede g ipang regalo sakanila,kumbaga inuutay utay ko na para Hindi masakit sa bulsa.Nag iipon na ko nang pambili kahit pa konti konti kase pag naipon yan malaking tulong na yan para nabili mo lahat nang gusto mong i regalo sa mga bata.Ganyan tayong mga magulang,wala na tayo naiisip para sa sarili naten,puro na para sa mga anak naten,ang kaligayahan nila ay mas kaligayahan na naten.Isa rin sa naiisip kong gawin ay magpapalaro ako sa mga anak ko,alam kong sobrang ikatutuwa nila ang paglalaro,nagyung may pandemya Hindi tayo pwede lumabas para mkakapag enjoy sa mga aktibidad pambata kaya tayo mismong mga magulang ang gagawa nang paraan para mapasaya naten sila kahit nasa bahay lang tayo.Ang paghahanda nang pagkain twing pasko ay isa sa mga paraan naten para ipagdiwang Ito,isa rin yan sa mga plano kong gawin,taon taon naman talagang nagluluto kami nang mga special na pagkain para sa pasko,isa yan sa di naten makakalimutan at syempre pag may pagkain dapat may mga kakain,oo sabay sabay kami kumakain nang mga kamag anakan namen,hindi yan pwede mawala sa pagdiriwang nang pasko.At ang pinaka importante sa lahat ay ang pagdarasal,wag na wag naten kakalimutan magdasal at magpasalamat sa lahat nang biyayang natatanggap naten.

Importanteng maging masaya tayo at positibo kahit na sa gitna nang pagsubok sa buhay.

6
$ 0.30
$ 0.30 from @jhuls
Avatar for Browneyes
3 years ago

Comments

Fantastic

$ 0.00
3 years ago