Ganu ba ka espesyal ang araw na Ito?Marami saatin ay pinaghahandaang mabuti ang araw na ito.Isa ito sa pinaka espesyal na araw para saating lahat.Nakaugalian na naten na tuwing mag bagong taon ay naghahanda tayo para ipagdiwang ang pagpapalit nang taon.Ilan lamang sa mga paghahanda na ginagawa naten ay ang mga sumusunod:
1.)Paghahanda nang masasarap na pagkain-ito ay sumisimbolo nang kasaganahan nang bawat isa saaten.Tuwing mag bagong taon nagluluto tayo nang masasarap na pagkain para sa pagsalubong nang bagong taon.Sama sama at sabay sabay tayong kumakain sa hapag kainan pag patak nang 12 nang umaga.Isa ito sa pinakamasayang araw nang buong pamilya.
2.)Ang pagtitipon-tipon nang buong mag anak-family reunion,pinaka espesyal ang bagong taon dahil dito nagkakaroon nang araw para mabuo ang buong mag anak,magkakalayo man o magkakalapit ang than,nagtitipon-tipon tayo para ipagdiwang ang bagong taon.Ito ang pinakamasayang araw para sa mga pamilya dahil nagbubuklod-buklod ang bawat pamilya.
3.)Paglalagay nang mga bilog na pagkain SA mesa-isa rin sa hindi nawawala tuwing magbabagong taon ay ang paglalagay nang mga bilog na pagkain sa hapag kainan.Ayon sa paniniwala,ang bilog na pagkain kagaya nang mga prutas ay sumisimbolo nang swerte,Kaya naman kapag ikaw ay napupunta sa mga bahay bahay,ito yung isa sa makikita mo sa hapag kainan nang bawat pamilya.Pero lage po naten tatandaan na nasa saatin padin Kung panu gaganda ang buhay naten.
Ilan lamang yan sa mga pag hahanda na ginagawa naten twing mag bagong taon,ngunit ano nga ba ang pinaka mahalagang dapat naten gawin sa bagong taon?Para sakin,ang pinakamahalagang dapat naten gawin ay ang baguhin naten Kung ano many mga mali o mga negatibong bagay na makasanayan naten gawin na hindi naman nakakatulong bagkus nakakasama pa sa buhay naten.
Filipinos remain the tradition despite sa pinagdadaanan natin. Sinalubong parin ang bagong taon Puno Ng pagmamahalan sa kapwa