May high school crush:Greatest secret

7 35
Avatar for Brigette0607
3 years ago

Every human being has a fear in life. Fear of rejection. Fear to love. Fear to confess and many more. For me, my fear is admitting to someone that I had crush to him. This is normal having crush to someone but I don't have the courage to tell to anyone. This is my secret when I was in high school.

How does it started? "Hindi ko siya crush dahil gwapo siya ha kundi dahil iba siya sa kalalakihan na nakilala ko. Alam kong high school palang kami that time pero madiskarte siya sa buhay. He is not that smart but he was kind.

Naalala ko dati, one time nagkatabi kami sa upuan at oo classmate ko siya at ka-section din diba ang saya? Haha charr! Ayun ayaw ko siyang tignan kasi nahihiya ako at baka mabuko pa ako. Pero mga kaklase ko napansin ata nila na naiilang ako sa kanya. Naghiyawan tuloy sila parang kilig na kilig sila pero ako tondo tanggi. Ayaw ko kasing maging center of attraction sa klase at pagtsismisan.

Napansin siguro nila noong nagkadikit mga braso namin reaction ko kasi medyo OA kasi naman nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa kanyang braso. Nagulat ako mukhang totoo yung nababasa ko sa pocketbook tungkol sa kuryenteng dumadaloy sa katawan. Pati ata siya nagulat ewan ko ba bakit ako nakuryente that time haha.

Akala ko tumigil na mga classmate ko kakaasar sa akin hindi pala. One of my classmate ay tinextmate ako at nagpanggap na siya yung ultimate crush ko. Grabe nahiya ako pero buti nalang tondo tanggi ako noon muntik nanga akong magconfess pero buti nalang talaga hindi ako bumigay. Close kasi sila kay crush. Iba silang manloko matindi.

Pero nakaramdam ako ng lungkot that time kasi akala ko talaga siya yun imagine one week bago niya inamin. Gusto kong magalit kasi naman hindi din kasi biro ang mapaglaruan ng damdamin. Masakit din kaya yun. Alam mo yun nagtetext siya ng mga sweet messages nag grigreet ng goodmorning, goodafternoon, good evening tapos tinatanong niya kung gwapo ba siya?Bakit ko daw siya crush? Buti talaga todo tanggi ako noon.

Masaya magkaroon ng crush sa school kasi may bago kang inspirasyon sa buhay sikreto ngalang pero atleast alam ko sa sarili kong may damdamin din ako tulad ng iba. Akala ko kasi manhid ako.

Dahil sa nangyari hindi ko na talaga pinansin si crush nag friend request siya sa facebook pero hindi ko na siya in-aad friend para wala na akong iisipan pa. Hindi ako bitter ayaw ko lang maloko ulit. Okay na yung pasulyap-sulyap ako minsan sa kanya. I felt awkward noong nahuli niya akong nakakatitig sa kanya parang siya din nailang.

Bakit kasi pag nagkaroon ka ng crush naiilang ka na sa kanya. Yung dika makatingin sa kanyang mga mata. Pag nandiyan siya dika mapakali. Yung dika makapagsalita ng maayos pag kinausap ka niya. Nakakahiya kasi bigla mong makakalimutan sasabihin mo tapos nabubulol kapa. Ganito ba nararamdaman niyo or ako lang?

Noong natextmate ako iba yung feeling kasi di naman niya nakikita reactions ko kaya nakakapagreply ako ng maayos. Napapatili din ako sa mga banat niya yun pala nagpapanggap lang kaklase ko.

Akala ko yun na yung pinakamasakit na mararamdaman ko hindi pala. Mas masakit pala pag nalaman mong may girlfriend na yung crush mo at sa pinsan mo pa. Diba ang sakit. Pero bakit ba ako nasasaktan noon wala naman kami. Haha Classmate lang kami wala ngang friends eh.

Ayan yung mararamdaman ng mga taong assuming at isa na ako doon. Pero okay na din atleast sa pinsan ko siya nagkagusto maganda naman pinsan ko. Pero after two years naghiwalay sila nagkaroon na ng bagong girlfriend ang pinsan ko at siya din naman nagkaroon na siya ng bagong girlfriend.

Medyo nalungkot ako sa kanilang relasyon kasi bagay sila no hurt feelings bagay talaga sila parehas silang maganda at gwapo. Medyo nadis appoint ako kay crush kasi hindi niya ako napansin haha joke. Hindi, nadisappoint ako sa kanya dahil hindi siya stick to one. Gusto ko kasi sa isang lalaki yung hindi papalit-palit ng girlfriend. Pero siguro nga biro lang ang relasyon sa kanila at siguro mga bata palang sila/kami.

Kaya nga ako bago ako makipagrelasyon, kailangan sigurado na ako na kaya ko ng maging independent at matured na talaga ako para hindi masyadong mahirapan ang aking boyfriend if ever haha. Ang pakikipagrelasyon kasi ay hindi yan pinapasok para lang magkaroon ng karanasan at para maging tanggap ka sa circle of friends mo. Ganun kasi nangyayari sa iba eh. Ang pakikipag relasyon ay pinaghahandaan yan hindi dahil nakaramdam ka na ng kilig at saya ay go na. Pag naging padalus-dalus ka maaga ka ring matatali and worse hindi pala siya yung hinahanap at gusto mo sa buhay.

Balik tayo kay crush, ano kayang nangyari pag sinabi kong may crush ako sa kanya? Natakot kasi akong mabully sa school at pag-usapan. Magugustuhan din kaya niya ako? Siguro hindi, kita naman mga type niya mga magaganda at sexy hindi naman ako nahuhuli sa kanila haha joke . Masaya na rin ako na hindi niya nalaman kasi the fact na pinsan ko yung naging girlfriend niya dati hindi maiwasan na tuksuhin ako at pagtawanan.

Yan yung sikreto ko hanggang ngayon na may crush ako sa classmate ko dati pero ngayon wala na marami ng nagbago sa aming mga buhay buhay. Maging masaya nalang ako na ganun ang nangyari na naging duwag ako. Ganun naman talaga pag takot pa ang isang taong umibig hanggang sulyap sulyap lang at palihim-lihim nalang. Matatawag ba itong heartbreak?

Kahit walang upvote okay lang ang mahalaga nag-eenjoy akong mag sulat at ibahagi ang kwento kong epic haha

6
$ 0.10
$ 0.05 from @Lejay28
$ 0.05 from @Laurenceuuu
Sponsors of Brigette0607
empty
empty
empty
Avatar for Brigette0607
3 years ago

Comments

Hala ako din hahaha, yung pagsikreto na crush ko yung kaklase ko, yung pagkailang hahaha 3 years ko yung crush at 3 years din akong naiilang hahaha. 3 years tapos nawala tapos sya ulit hahaha ang loyal di ba? Pero hanggang ngayon di ko pa rin nasasabi sa kanya.

$ 0.00
3 years ago

Parehas pala tayo hanggang pagtingin nalang haha pero tanggap ko na wala talaga siyang pagtingin sa akin haha

$ 0.00
3 years ago

I had a crush po also when I was in senior high school. As in she's my crush even up until now. Hehehe actually she is my classmate.

Nag kacrush po ako sa kanya dahil magaling po siyang sumayang tapos ang saya maka jamming. Imagine mo yung taong laging naka ngiti. Ganon siya. At napa simple. Alam ko din po sumayaw kaya nagkakavibes talaga kami. But secretly crush ko po talaga siya. And up until now po, I don't have enough courage to tell it to her.

I chose friendship over relationship! And I'm happy po basta happy siya.

$ 0.00
3 years ago

Aaaaah..ano kayang mangayayari kung sabihin mo na haha. Thanks for the upvote pala.

$ 0.00
3 years ago

Being in a relationship is a serious matter, don't stay in one-sided relationship!

$ 0.00
3 years ago

Opo. Thanks po sa upvote! Godbless

$ 0.00
3 years ago

Welcome:)

$ 0.00
3 years ago