Paggising sa umaga, kalam nang sikmura ang maaalala,sapagkat nung nagdaang gabi ay natulog nang walang laman ang tiyan. Hirap nang isang mahirap, di alintana nang ibang nakakaangat,yung tipong patapon nila sayo ay may pakinabang. Sa almusal ay tama na ang kape, mag aantay na lamang nang tanghalian para makakain nang kanin. Sa pagtapos nang kape ay mag uumpisa nang gumawa para kalam nang sikmura ay di maalintana. Sa tanghalian naman ay pagtyatyagaan isang order nang pansit at kanin na may libreng sabaw, pagkatapos ay muling babalik sa gawain. Pag dating nang hapon ay poproblemahin nanaman kung ano ang kakainin dahil ang kinita ay, sapat lamang na gastusin pangbukas. Swerte kung may sobra makakakain nang hapunan kung hindi ay tutulog na lamang. Buhay nang mahirap sadyang napaka hirap.
0
5