Aklat

0 6

Ingatan ang Iyong Aklat

Mga dapat gawen:

  1. Pabalatan ang aklat ng plastik o manila paper. Maari ding gamitin ang lumang diyaryo o magasin.

  2. Tiyaking malinis ang iyong kamay kapag binubuklat ang mga pahina.

  3. Sa unang paggamit ng aklat,ihiga ito at buklatin nang isa-isa ang mga pahina. Bahagyang diinan ang bahaging pinagdikitan ng mga pahina habang binubuklat.

  4. Gumamit ng panandang papel o cardboard sa pagitan ng mga pahina .

  5. Idikit at ayusin ang mga punit na bahagi ng aklat.

  6. Pag-ingatan ang aklat kapag ito ay hinihiram o pinapahiram.

  7. Itago ang aklat sa malinis at tuyong lugar.

  8. Ipagbigay-alam kaagad sa iyong guro kapag ito ay nawala.

Mga di dapat Gawin:

  1. Huwag itupi ang mga pahina.

  2. Huwag sulatan ang balat at mga pahina nito.

  3. Huwag gupitin ang mga larawan dito.

  4. Huwag punitin o pilasin ang mga pahina.

  5. Huwag hayaang nakabukas ang aklat kapag hindi ito ginagamit.

  6. Huwag gumamit ng lapis, bolpen, o iba pang makapal na bagay sa pagitan ng mga pahina para pananda.

  7. Huwag isiksik ang aklat sa bag na masikip.

  8. Huwag gamitin ang aklat na pantakip ng ulo kapag umuulan.

  9. Huwag upuan ang aklat..

Sanay nasiyahan kau sa aking mga paalala..

1
$ 0.00

Comments

tama

$ 0.00
4 years ago

sa panahon ngaun halos mga kabataan wala na pake sa mga aklat, sana ma encourage pa mga kabataan na magbasa at ingat ang mga aklat . Still mas effective parin ang pag aaral thru book

$ 0.00
4 years ago

Tama Yan!

$ 0.00
4 years ago

Ganyan din ginagawa ko Lalo na sa mga paborito Kong aklat.

$ 0.00
4 years ago