Prayer

0 3
Avatar for Boangboang
3 years ago

Hindi ko alam kong paano ko sisimulan. Basta as of now nagpapasalamat ako sa biyaya at answered prayer na binigay sa amin ng panginoon.

After 4 months na kaka stranded ng bunsong kapatid ko sa Cebu ay naka uwi na rin siya sa wakas. At natapos narin niya ang 14 day quarantine at nag negative narin sa swab test. Salamat panginoon dahil sa kabila ng mga nagawa kong kasalanan ay tinulongan mo parin ako hindi lang ako pati rin yung kapatid ko na nahihirapan sa cebu nung mga oras na nagka lockdown dun. Ikaw ang nag silbing guide at protection niya. Salamat dahil yung hiniling ko na makauwi na yung kapatid ko ay tinupad mo. At sinagot mo rin yung prayer ko na sana negative result ng kapatid ko sa swab at yun ay natupad din.

God, hiling ko din na sana yung mga kasamahan ng kapatid ko na kasalukuyan parin na naka quarantine ngayon at naghihintay sa result nila sa swab test at sana maging negative din. Dahil alam ko na miss na miss narin nila ang makauwi at kapiling ang pamilya niya. Sana wala ng covid na mawawala natong covid kasi magpapasko na. Panginoon kagayan at protektahan niyo po kami. Lalo na yung mga frontliner.

Salamat sa lahat lahat. Amen.

1
$ 0.00

Comments