Sana may 'TAYO'

2 26
Avatar for Blxckira
3 years ago

Isa lamang bang pagtingin ang aking nadarama

Kung nagseselos ako sa tuwing may kasama kang iba?

O pagmamahal na ito

Na gusto ko nang angkinin ka

Ilang distansya man ang layo natin sa isat isa

Pero sa tuwing kausap ka tingin ko'y katabi kita

Kung pwede lang sana pagdikitin ang Olongapo at Mindanao ginawa ko na

Pero hindi maaari,

Hanggang panaginip lang talaga ang gusto kong mangyari

Ganito ba talaga pag nahulog ka?

Kahit magmukhang tanga tuloy parin kahit walang pag asa

Oo, batid kong imposibleng maging tayo

Pero sana pag pinagsama ang panghalip na 'Ikaw' at 'Ako' magiging 'Tayo'

Araw gabi umiiyak, pero wala pa ring nangyari

Kailan kaya kita magiging pagmamay-ari?

Kung gagawa ba ako ng paraan na maging tayo hindi ka magbabago?

O baka masira lamang ang pagkakaibigang nabuo?

Ipinagtagpo tayo sana itinadhana rin

Pero siguro isa tayong Parallel lines

Maybe we have the same journey, but never meant to be

Ang sakit no? ang sakit sakit

Masakit isiping hindi kita kapiling

Pero umaasa akong ikaw ay magiging akin .

5
$ 0.00
Avatar for Blxckira
3 years ago

Comments

Ang ganda naman. Yung parallel lines talaga, ibig sabihin Hindi kayo para sa isa't isa. Go lang, makakatagpo ka rin ng totoong para saiyo.

$ 0.00
3 years ago

sana nga hahaha. Btw thank you for reading po hihi

$ 0.00
3 years ago