Sana

0 12
Avatar for Blxckira
3 years ago

Ilang bato ang binangga upang ika'y maging akin

Ngunit kahit anong gawin di mo parin pinapansin

Pag-asa'y di mawawala ako rin ay iibigin

Panahon ay darating din ako'y iyong mamahalin

Pagmamahal ko sa iyo'y hinding hindi maglalaho

Aking ipagpapatuloy maalab na panunuyo

Sana ay iyong marinig sigaw nitong aking puso

Na alam mo na matagal na sayo'y nagsusumamo

Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula

Pagkahumaling na sakin ay bigla nalang tumama

Pagmamahal ko sa iyo'y talagang nakatadhana

Kahit maraming pagsubok sa iyo'y di magsasawa

Sana'y magtapat ka sakin sa nakatakdang panahon

Sana'y 'di mo ako saktan sa iyong magiging desisyon

Sana'y hindi mo sayangin pusong sayo'y nakatuon

Sana'y marinig ko ngayon matamis mong pagsang-ayon

Huwag mo sanang kalimutan na 'di kita iiwanan

Ako ay nasa tabi mo kapag ako'y iyong kailangan

Hindi kita susukuan buhay ko ay ilalaan

Sa iyo sinisinta ko pag-ibig sana'y makamtan

3
$ 0.00

Comments