Roleplayer World

0 22
Avatar for Blxckira
3 years ago

Nakilala kita ng hindi ko inaasahan

Sa mundo kung saan pwedeng itago ang katauhan

Peke!

Pekeng mga tao, Pekeng mga kwento

Maaaring ang lahat ay hindi totoo

Bakit kaya ganito?

Pinipilit ang sarili sayo

Hinahanap lagi ang ikaw

Na bubuo sa ako

Tayo'y isang PANGHALIP

Hindi mawala wala ang "Ikaw" at "Ako"

Pero kahit kaila'y hindi magiging "Tayo"

Pwede ring isang SINTAKS

Pagsasama ng mga salita upang makabuo

Pero kwento nati'y di mabuo buo

Pinagsamahan natin ay para lamang mga linya sa MATHEMATICS

PARALLEL LINES!

We've been together for the longest time

But we never touch each other even once

Oh isang ASYMPTOTIKA!

Na hindi para sa isa't isa

2
$ 0.00

Comments