Nakapagpabago sa baluktot na pamumuhay

0 23
Avatar for Blxckira
3 years ago

Simula't simula ikaw ang kasama

Gumagabay at nag-aalaga tuwina

Sa hirap at pasakit ika'y kaagapay

Hindi sumusuko anoman ang problema

Unang nagturo sa akin bumasa

Pati na rin ang pagrespeto sa iba

Binibigay ang aking kailangan

Sumusuporta lagi na

Ina kong mapagmahal

Na tumuwid sa baluktot kong pamumuhay

Ikaw sana'y kasama ko

Hanggang sa huli kong buhay

1
$ 0.00

Comments