Magkaibigan lang

0 17
Avatar for Blxckira
3 years ago

Simplehan lang natin sa una

Noong tayo pa ay masaya

Noong panahong kaibigan pa kita

Noong panahong okay pa

Noong panahong wala pang kakaibang nadarama

Naalala mo pa ba?

Noong mga panahong kilig na kilig ka sa pagkukwento tungkol sa kanya

Mga panahong nasaktan ka at umasa sa kanya

Bakit kasi di nalang ako?

Ako na andiyan palagi sa tabi mo

Ako na mag aalaga't magpapasaya sayo

Ako na handang gawin lahat mapangiti lang ang isang tulad mo

Hanggang kaibigan lang ba talaga?

Wala ba talaga akong pag asa?

Ano bang wala sa akin na nakita mo sa kanya?

Paulit ulit nalang

Mga katanungan sa aking isipan

Nakakalito man

Gaya sa isinulat mong patlang na wala namang kasagutan

Umaasa

Pero alam kong walang pag asa

Alam kong imposible

Pero sana maging posible

Mahalin mo ako hindi bilang isang kaibigan

Kundi bilang isang babaeng iyong papakasalan

At dadalhin sa simbahan.

1
$ 0.00

Comments