Ano ba tayo?

0 15
Avatar for Blxckira
3 years ago

Ano nga ba tayo?

Bakit ang sweet sweet mo?

Bakit komportable ang puso pag ikaw kausap ko?

Alam mo sa pinapakita mo

Maaaring mahulog sayo ang puso ko

Bibigyan ko na ba ng kahulugan?

Ang mga message mong kay tamis at chat mong parang walang hanggan?

Na nagbibigay sakin ng lakas upang labanan ang hamon saking buhay

At harapin ang panibagong araw

Bakit andiyan ka sa tuwing kailangan kita?

Kinakausap mo parin ako kahit alam kong busy ka

Sinasabayan mo ako sa kahit anong trip ko

At sinasamahan din sa pagpupuyat ko

Lumipas ang mga buwan ito na nga

Nahulog sayo ng hindi ko inaasahan

Hindi ko namalayan

Nahulog na pala ang loob ko sayo ng masinsinan

Tama nga ba ito? o mali ang nararamdaman ko?

Lumipas ang mga araw

Alam kong hindi na to mababaw

I'm deeply inlove with you

And I don't know what to do

Kaya sinabi ko na sayo

Na ikaw ay iniibig ko sa kadahilanang hindi ko alam

Umaasa at patuloy na aasa

Na gustuhin mo rin ako gaya ng pagkagusto ko sayo

Pero imposible, napaka imposible

I'm not the girl you want right now

But I'm hoping that I'm the girl you'll need later

2
$ 0.00

Comments