Ang Aking Mga Iba't ibang Pangarap
Bilang isang bata? Ano ang pangarap mo sa buhay? Gusto mo bang maging Doktor? Nars? Guro? Yun talaga ang kadalasang pangarap ng isang batang musmos. Ito sa lahat ang pinaka libreng bagay na pwede nating sabihing, kahit ano lang.
Noong maliit pa ako, ang gusto lang ay mag laro katulad lang din ng iba pang mga bata. Gusto ko nang maraming laruan, kaso hindi naman basta-basta makakabili nang laruan kasi mas importante pa rin ang pagkain sa hapagkainan.
Lumipas ang mga taon, na iba na ang aking paningin sa pangarap. Gusto kong mag imbento ng mga bagay na hindi pa na imbento nang ibang mga tao. Suli rin sa isip ko noon, ano kaya't lumipad din ako katulad ng ibon. Pero malabo naman yun kasi tao ako.
Noong dalaga naman ako, gusto lang kumain at gumala sa kahit saan. Pero nagawa ko naman ito pero karamihan nag iisa lang ako. So, nag hanap nanaman ako ng makakasama gumala. Kaso wala namang pera. Humantong sa punto na, nagka-crush ako. Hindi naman yan bago lalo na pag teenager ka. Pero ang problema, ako lang may gusto sa kanila. Sila, wala. So, hanggang tingin lang ako. At nag tanong ako sa sarili ko, "pangit ba ako? Bakit walang nag kakagusto sa akin?" At dumating sa panahon na nagkatrabaho na ako, pero sawi pa rin si ako. Umibig ako sa hindi umiibig sa akin. So, ang ginawa ko nalang ay nag dasal, nag dasal at nag dasal. Hanggang...
Dumating ang panahon na hinintay ko, dumating ang lalaking pinagdarasal ko nang ilang taon. Most awaited na pangarap. Yung mag walk down the aisle ka at lahat nang tao naka tingin sa yo kasi ikaw yung pinakamagandang babae sa araw na iyon. Hindi man perpekto ang aming pagsasama, may away-bati man. Normal naman yun sa buhay mag asawa. Pero mas masaya ngayon kasi may anak na kami.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon at natupad ang aking iba't ibang pangarap sa buhay.
29 comments
Nalaman ko pangarap ko nung bata ako, nung naging college student ako. Halos lahat n gcourse nasubukan ko malaman ko lang talaga anong bagay saakin.
Ok at least alam nyo na po. Ako po noon, may diary po ako. Sinusulat ko lahat na gusto ko kaya ko po naaalala pa po yung mga gusto ko maging noong bata pa ako.
Ang sarap po kaya ng may diary, Pag binasa mo ulit nakakapag taka bakit nangyari sayo ang mga bagay na ganon😄 hanggang ngayon po may diary ako hehe. Soon mommy napo ako
Oo nga nakakatawa yung ibang nangyari sa buhay. Malungkot man o hindi.
Mas marami po akong nasusulat kapag malungkot ako
Ako rin, pero sa diary ko nuon. Kahit ano ang sinisulat ko.
Ngayom po nastop ako sa pag dadiary hehe sobrang busy na po kasi
Ako din, simula noong nag ka pamilya ako.. Hindi na ko nakapag sulat.. At hindi ko na banggit sa article ko.. Pangarap ko ding maging writer... Hilig kong mag sulat, kaso hindi ako maka pasa2x sa mga club na ganoon. Pero okay na din dito at least libreng mag sulat kahit ano
Ngayon nga po magkaka baby nako. Next month po manganganak nako😊 mas lalo naging busy
Congrats po at ingat lagi
Talagang lahat tayo ay may hinahangad na pangarap
Oo parang goal natin para tayo ay magsumikap sa buhay
Very Inspiring dream 😊. I hope all dreams came true no matter what happens. Don't give up for your dreams because someday it will happened.
Thank you so much. Kahit hindi natupad ang iba, ang importante kay nakapagtapos at nakapag trabaho ako ngayon. At may pamilya na ako.
Yeah it's true. I salute all the people who won't give up on their dreams. I salute you. Dreams that came true is The treasure you won't share for anyone.
Thank you again. Hope you continue yours also
I will 😊
Madami din akong pangarap ngunit kakaunti pa lamang ang natutupad. Pero nananatili akong positibo na pa-unti unti'y maabot ko rin ito.
Tama.. Dont give up. Kaya mo yan!
Ako noon gusto ko maging engr. Pero nung nagkaisip na ako, naimpluwensyan ako ng ex Kong seaman kaya ngayon balak ko nang mag barko
Ok po. Hope ma enjoy po yan at happy po kayo
Lahat Ng Bata maraming nga pangarap samut-saring pangarap. Sabi nga Ng marami. Libre ito. Pag Ang isang Tao marunong mangarap dagsain man Ng maraming problema Hindi yon magiging hadlang maabot Lang lahat Ng ninanais.
Tama. Kung talagang gusto mo, gagawin mo lahat para matupad ang pangarap mo
Paki like and subscribe din po sa mga works ko . Salamat.
Subrang creative nman Po article nyo mahalaga Ang kabataan para sa panibagong buhay at pag asa natin lahat.
Salamat po. Nakakataba nang puso.
Hello gusto ko lang sabihin na nakakainspire itong sinulat mo. Ang sarap lang basahin. Please continue writing, I enjoyed reading it so much. Sana gumawa ka pa ng mas marami :)) Ang ganda kasi ng article nato.
Ok po. Salamat po. Gagawa po ng mga article pag free time ko. Hope mag subscribe kayo at i. Like ang mga gawa ko.
Ang pangarap na madalas hangang pangarap lang. Ang pangarap na akala mo sa kung paano mo pinangarap e sa gaano din manyayari. Ang realidad ay hindi ganun.