Running Mind

0 24
Avatar for BlessedJes
3 years ago
Topics: Blog, Writing, Story, Experiences, Reality, ...

Ang daming tumatakbo sa isip ko

Problema, pangarap, pamliya, trabaho.

Nakaraan, kasalukuyan at hinaharap

Sino, saan, kailan, bakit, paano, hay nakakaurat.

Hahahahha sa sobrang dami

Grabe hindi ko na mawari.

Pero wala namang dapat ipag alala

Kasi naniwala ako na kayang kaya ko pa.

Napapatanong lang naman ako

Mas okay na to kaysa iba ang naiisip ko.

Nakatingala, nakatulala

Nagiisip kung ano ang mapapala.

Nagtatanong, bakit ba ganoon?

Paano nangyari ang mga iyon?

Kaya lang hanggang ngayon

Walang pa ring sagot sa mga tanong.

Minsan talaga may ganitong eksena

Hindi maiiwasang makaranas ng pagkabalisa.

Naguguluhan paminsan minsan

Sa mga bagay na wala naman masyado katuturan.

Kasi kahit anong gawing pagiisip ko

Sasakit lang ang aking ulo.

May mga bagay na di ko kontrolado

Kaya mas mainam hayaan at itawa ko na lang ito.

Napaisip ako, at kinausap ang sarili ko ng ganito:

"Mahaba na ang isang oras

Kaya pakiusap wag na dagdagan ang pagwawaldas.

Ituon mo ang lakas mo

Sa mga bagay na magpapasaya sa yo.

Unang halimbawa, pageehersisyo

Kahit tatlumpong minuto.

Magpapawis muna

Mag-unat ng mga kamay at paa.

Pangalawa, isang basong tubig

Wag kalimutan wag masyado malamig.

Uminom ka, mainam iyon sa yo

Sigurado gagaan pakiramdam mo.

Pangatlo, konting katahimikan

Pumikit ka at magdasal.

Kausapin mo si Lord at magpasalamat

Tapos ipaabot mo din sa Kanya dalahin mong mabibigat.

Kung kailangang umiyak ka

Ayos lang, magpakatotoo ka sa Kanya.

Sige lang.. Go.. gawin mo

Sambitin mo lang mga nasa puso mo.

Si Lord handang makinig

Kahit ano pa sabihin ng iyong bibig.

Hindi Ka nya huhusgahan.

Sa Kanya pagmamahal ang nakalaan.

Pang-apat, i on mo ang radyo o kaya spotify

Patugtugin mo ang kanta na magbibigay sa yo ng buhay.

Yung kanta na mapapangiti at sisigla ka

O kaya yung kanta na mapapasayaw ka.

Sabayan mo lang ang tugtog

Umindak kumanta hanggang sa mapagod.

Sigurado pagkatapos nito

May pagbabago sa aura mo.

Panglima, sinu sinong mga tao ang mahalaga sayo?

Isipin mo sila tapos ichat or imessage mo.

Kamustahin mo lang o kaya sabihin mo Thank You.

Pwede din Mag ingat ka lagi or I love you.

Iparamdam mong mahalaga sila

At nag aalala ka din sa kanila.

Kasi isa sila sa maraming dahilan

Kung bakit kailangan mong lumaban.

Hindi pwedeng papadaig ka

Sa lungkot at mga problema.

Lahat ng tao may pinagdadaanan

Tandaan mo iyan.

Tumawa ka, ngumiti

Banatin mo iyong labi.

Pasingkitin mo iyong mata

Kailangan kumikinang sa saya.

Pang-anim, kumuha ka ng ballpen

o kaya lapis saka ng papel.

Isulat mo mga dapat mong ipagpasalamat

Kahit ilan, basta dapat pasasalamat.

Isipin mo mga bagay na biyaya.

Maliit o malaki, iyan ay biyaya.

Dito mo malalaman na ikaw pala ay swerte

Kasi ang dami mong nasulat umabot gang bente.

Lahat ng anim na ito

Gawin mo araw araw

Sigurado may mababago

Unti unti araw araw.

Mahalin mo sarili mo ha.

Ingatan alagaan.

Akapin mo.

Paalalahan mo.

➡️ "I got this. Keri ko to." 🥰🥰🥰

Pahabol, isa pa, pag may extra kang pera

I-treat mo sarili mo.

Grab food or Food panda

Bahala ka na.

Di ba isa sa nagpapasaya sayo

Ang pagkain na gustong gusto mo

Pwede ka din mag milk tea

Alam ko naman isa yun sa iyong kiliti.

O ayan ha, madami kang pwedeng gawin

Kaya smile na, wag nang dibdibin.

Tandaan, ikaw ay mahalaga.

Kaya anu't anuman, piliin maging masaya."

Oh sya sya, tawa ka na ha... 🥰😍😘😊

**************************************

Hi, I hope all is well with you. Thank you and God bless you always... stay safe and take care. 🥰

**************************************

Sponsors of BlessedJes
empty
empty
empty

2
$ 0.01
$ 0.01 from @aaskelter
Sponsors of BlessedJes
empty
empty
empty
Avatar for BlessedJes
3 years ago
Topics: Blog, Writing, Story, Experiences, Reality, ...

Comments