Orihinal na katha na nilapat sa tono ng Dahil Sa'yo ni Inigo Pascual

1 34

Dahil sa Agrikultura

(Mula sa tono ng Dahil Sa'yo ni Iñigo Pascual)

 

Araw araw kumain ng prutas at gulay

Baka, baboy, manok upang di tumamlay

Magtanim ka ng maraming palay

Nang may maiuwi sa inyong bahay

Lahat ay aangat, tungo sa tagumpay

 

Palawakin ang mga irigasyon

At basta't 'kay nagtanim, ikay may aanihin

 

Sa agrikultura ika'y sagana

Ang yaman ay di lamang sa pera

Sa agrilultura mahahanap tunay na halaga

Ang agrikultura'y maasahan

Mga hayop, puno pati halaman

Ang lahat na ito ay kailangan, kayat ating alagaan

 

Gawin natin ang lahat, para sa ating bansa

At basta't magkakasama, tayong magsasaka

 

Araw araw kumain ng prutas at gulay

Baka, baboy, manok upang di tumamlay

Sa pagtatanim wag kang maumay

Dugo't pawis mo ay iyong ialay

Pagkat dito nakasalalay, kagandahan ng buhay

 

Huwag tayong puro imahinasyon

At basta't 'ka'y nagtanim, ika'y may aanihin

 

Sa agrikultura ika'y sagana

Ang yaman ay di lamang sa pera

Sa agrilultura mahahanap tunay na halaga

Ang agrikultura'y maasahan

Mga hayop, puno pati halaman

Ang lahat ng ito ay kailangan, kayat ating alagaan

 

Gawin natin ang lahat, para sa ating bansa

At basta't magkakasama, tayong magsasaka.

21
$ 0.00
Sponsors of Bitraph
empty
empty
empty

Comments

Nice one. Keep posting

$ 0.00
4 years ago

Did you write a new text on an existing song? Unfortunately, I do not know it. Should farmers be proud to be farmer, proud of there land or the people?

$ 0.00
4 years ago