Isang masiglang umaga!
Sa aking Guro, mga kamag-aral,
At sa lahat ng mga tagapakinig.
Natutuwa akong maging bahagi nitong kaganapan upang ibahagi ang aking inihandang talumpati para sa inyong lahat. Ito ay naayon sa kasalukuyang paggamit ng digital web na may kaugnayan sa ibat ibang karapatang pantao.
Maaari bang ang kalayaan sa pagpapahayag, impormasyon, pag-iisip at paniniwala sa isang panahon ay nakakaapekto sa ating mga karapatang pantao? O Kailangan ba natin ng mga bagong kasangkapan upang matiyak na ang mga proseso na hinihimok ng makina ay sumusuporta sa pagkakapantay-pantay at dignidad ng tao?
Ang digital na teknolohiya nga ba ay nagaalok sa atin ng mga magandang adhika at resulta sa pagsasakatuparan ng mga karapatang pantao? O ito ay isa nang malaking GAME OVER!
Hindi ako magbibigay ng pahayag na mayroong madaling sagot sa mga katanungang inilahad.
Sigurado ako na ang bawat isa dito ay may kamalayan sa napakalawak na benepisyo na ididnudulot ng ating digital na panahon sa halos lahat ng aspeto ng ating buhay.
Halos lahat sa atin ay may kaalaman na tungkol sa mga bagong patok na na nakikita natin sa facebook, instagram, twitter, tiktok at iba pa. Ito ay sa kadahilanang nakalantad na tayo sa paggamit ng mga mobile phones, laptop o kompyuter subalit wala tayong sapat na karunungan para gamitin itong teknolohiya sa tama at wastong pamamaraan. Hindi ito isang simpleng usapin sapagkat nakataya din dito ang bawat kalagayan ng mga karapatang pantao na maaring naisasawalang bahala natin.
Ang anumang karapatang pantao ay walang pagbubukod. Ang social media at mga teknolohiya tulad ng mga naka-encrypt na komunikasyon ay nakakatulong upang ikonekta at masiguro ng mga eksperto ang karapatang pantao. Ang mga opisyal ng karapatang pantao ay maaaring mangalap ng impormasyon mula sa mga mapagkukunan ng social media, bilang karagdagan sa pagpapahusay ng mga impormasyon o pagdaragdag ng mga pagsisiyasat sa karapatang pantao sa pamamagitan ng paggamit ng satellite imagery at naka-encrypt na mga komunikasyon upang masiguro ang mas mahusay na pagsubaybay, pagsisiyasat at pagsusuri. Ang mga nabanggit ay nakakatulong para kahit papaano’y mayroong kaligtasan sa kabila ng nakaamabng panganib sa patuloy nating paggamit ng digital na teknolohiya.
Ang isang malawak na hanay ng mga aplikasyon ay binuo upang matulungan ang mga inbedstigador at mapatunayan na ang impormasyong kanilang natipon ay tunay at tumpak. Marami sa mga kagamitang ito ay tumutulong upang mapanatili, mag-imbak at magpadala ng mga pangunahing materyal upang mai-secure ang mga nakaimbak na data, para sa posibleng paggamit sa pagsisiyasat o pag-uusig sa mga naganap sa paglabag sa karapatang pantao. Ang iba pang mga digital na kasangkapan ay tumutulong sa mga imbestigador na mausisa ang mga disensyo sa loob ng kanilang data na maaaring maitugma sa iba pang mga bukas na mapagkukunan ng impormasyon. Bagamat isang malaking banta ang mga naiimbentong teknolohiya sa ating panahon, mayroon namang mga nakaagapay na mga eksperto para tayo ay turuan, gabayan at ipagtanggol upang di tayo magkaroon ng suliranin sa mga usaping ito at mabigyan ng sapat na kaligtasan ang bawat tao.
Ang ganitong uri ng trabaho ay nakatutulong upang malaman kung ano ang nangyari sa mga nawawalang tao; nakatutulong na makilala ang mga biktima sa mga pagpatay sa masa o sa mga libingan; at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga nangyayaring pagpapahirap o iba pang mga paglabag sa mga tukoy na lokasyon, na maiugnay sa mga tiyak na yunit ng militar o maging sa mga tiyak na indibidwal. Sa mga aksyong katulad nito, maraming nabibigyan ng sagot sa mga hindi maipakita ng aktwal na tao o pangyayari. Tayo, bilang mga responsableng digital web at technology user ay marapat lamang na nakikiugnay sa mga gantongbusapin upangh matulungan natin ang ating sarili at ang iba kung sakaling tayo ay mahantong sa anumang pang-aagrabyado, pang-aapi at pang aabuso ng ating dignidad at mga karapatan bilang tao.
Isang napapanahong isyu ang aking nais ipahalimbawa, ito ay ang pagpatay kay Cpl. Winston Ragos, isang retired army na sumabak sa Marawi siege sa Mindanao noong 2017 at dahil dito siya ay nagkaroon ng sakit sa isip dulot ng war shock. Siya ay binaril ng isang pulis nitong Abril lamang na naka-duty sa pagbabantay ng lugar sa pag-ambang may mga lalabag sa pinaiiral na enhanced community quarantine o ECQ. Nakunan ng footage o video ang insidente at ito ay inupload sa facebook ng isang netizen. Base sa laman ng video, marami ang mga nagbigay ng kani-kanilang opinyon at minungkahing mabigyan ng karampatang hustisya ang biktima sapagkat iyon ay labag sa karapatang pantao at iyong ginawang paghusga ay isang pagmamalabis sa tungkuling ginagampanan.
Ang halimbawang aking binahagi ay isa lamang sa mga maaring maging magandang dulot ng paggamit ng teknolohiya. Sa pamamagitan nito, maipaglalaban natin ang ating sarili at karapatan basta’t tayo ay nasa tamang posisyon.
Sa usaping ito, kailangan nating buksan ang ating komunikasyon at linawin sa lahat ng panig na ang batas ng karapatang pantao ay malalim na nauugnay sa digital na mundo - habang ang ebolusyon ng digital na mundo ay napakahalaga sa mga karapatang pantao.
Maaari nating gamitin ng may husay ang mga ganitong plataporma upang bigyan ng kapangyarihan ang mga gumagamit nito lalo na ang mga kabataan na mag-ambag sa pagpuksa ng mga tunay na solusyon.
Kadalasan, ang mga kabataan tulad ko ay hindi kasama sa paggawa ng desisyon: hindi man tayo inaanyayahan sa mesa ngunit kailangan nating makisalo para magbigay opinion at maitaguyod ang ating mga karapatan.
Ang mga paksang tinalakay natin dito ay malinaw na nangangailangan ng ating mga tinig at tulong.
Kaya hinihiling ko sa bawat kabataang Pilipino na manindigan para sa karapatang pantao, at makisali sa pagtaguyod ng responsible at makataong paghuhusga, mga solusyon na batay sa karapatang pantao na naaayon sa mga hamon ng bagong panahon.
At ngayon inaasahan kong mapakikinggan ang inyong mga tinig at inyong mga ideya.
Salamat! At muli, magandang umaga sa inyong lahat.
Mahirap maisabatas ang kahit anong bagay na sakop ng e commorse. Marami ng nag tangkang mag pasa ng batas patungkol sa digital currency but failed to do so. And untill now I'm still waiting for EFT