“Mahirap man ang mabuhay ng wala at kapos, ang tubig sa ilog kahit madaming bato'y patuloy na umaagos”
Sa buhay, marami tayong mararanasang kahirapan. Mayrong mga kakulangan sa pagkain, pananamit at ibat-ibang pangangailangan, ngunit hindi ito hadlang para magpatuloy sa buhay. Ang buhay ay hinalintulad ko sa ilog kung saan ito lamang ay isang daynamikong uri na nagpapakita ng dirediretsong pagharap sa hamon ng buhay. Ang mga bato na syang nagsisilbing harang ay sumisimbolo sa mga hadlang sa atin, ngunit tulad nga ng tubig sa ilog malalagpasan natin ang mga bato/problema at patuloy tayong lalaban sa anumang hamon ng buhay.
Sa panahon ngayon, di alintana ang hirap na ating pinagdadaanan. Isang malaking dagok sa bawat mamamayang Pilipino ang kinakaharap na mga suliranin di lang sa ating bansa kundi pati sa buong mundo. Ngunit kilala natin kung sino tayo, tayo lang naman yung kahit napakaraming problema'y di natin iniinda, bagkus ginagantihan natin ito ng ngiti at pagtatyaga. Sa buhay talagang laging merong mga mabibigat na pagsubok, lalamunin tayo ng kawalan, gutom, pagkalugmok at iba pa. Ngunit ang mga problemang iyon ay lilipas din at aagos, sa panahong tayo'y bigo sa pakikipagsapalaran, matututunan din natin ang bumangon.
Kahit gaano man kahirap Ang buhay Hindi pa Rin Yun hadlang para abutin mga pangarap natin. As long as Wala tayong inaapakang na tao