Sariwang Ala-ala ng Lumang Pagkakaibigan Mukhang ako na lang ang nananatiling pinanghahawakan pa rin ang pinagsamahan natin. Paano nga ba ako makakalimot kung napakarami mong binigay na ala-alang napakasarap alalahanin? Patawad, pero aaminin ko, kapag napapasama ako sa iba, hinihiling kong mahigitan ka nila. Ngunit paano? Ni hindi ka nga nila mapantayan. Niloloko ko lang ang sarili ko kung patuloy kong hihilingin ang bagay na ’yon. Ngunit hindi ba’t kamangmangan din kung papangarapin ko pang bumalik ka? Kung gayon nga, napakamangmang ko naman. Akala ko noon ay ayos lang ang lahat sa pagitan nating dalawa, hanggang sa isang iglap, bigla mo na lang akong iniwan. Walang abiso, walang paalam. Basta-basta ka na lang umalis. Gusto kitang puntahan. Gusto kitang tawagin. Nakakainis pero hindi ko magawa. Dumating na siya. Ang bago kong kaibigan. Sa wakas. Kanina ko pa siya hinihintay. Ano ba’ng nangyari? Nahuli siya sa takdang oras ng pagkikita namin. Ngunit ayos lang. Malaking ginhawa na ang dala ng pagdating niya kahit ga’no pa katagal. Nakakatakot na kasing maghintay e, dulot ng hindi mo pagsipot noon. Iniwan mo na ’ko, at siya naman ’tong nagtiyaga sa akin kahit batid ko namang minsan mahirap akong intindihin. Kahit naman kasi ako sa sarili ko, hindi ko rin maintindihan. Mahirap akong intindihin ngunit mas nahihirapan akong umintindi. Kaya siguro hindi mo na ’ko natagalan. Lumapit na siya sa akin. Heto naman ako, pinapakitang nasabik ako nang sobra na makita siyang muli. Yumuko siya’t hinimas-himas ang aking ulo, kasabay ng pagkawag ng aking likod bunsod ng tuwa sa pagkakita sa kaniya. Tinanggal niya na ang pagkakatali sa aking leeg, ngunit hindi ang pagkakatali ko sa nakaraan. PS: Nabasa ko lang pala yan haha. Post ko yan sa NC dati. Nagbukas kasi ako sa kabila at naghanap kung may matino din ba akong napost doon. Yan ang nakita ko at itong picture ng kapatid ko habang nasa tuktok ng Mt. Isarog. 🙊 Gandang gabi sa lahat. Kain na pala.
20 comments
Nahuli ulit kita dito ah. Akala ko ikaw yan?
Gandang gabi haha. Nakakahulihan na tayo dito. Medyo konti kasi ang nagpopost ngayon. Hindi ako yan, kapatid ko yan haha. Hindi ko kaya magpakita ng sariling mukha dito.
Hello! Oo nga akala ko ikaw pero nung binasa ko yung huli ay kapatid mo pala. And since kapatid mo siya, medyo may idea na din ako sa hitsura mo. Unless wala talaga kayong konting hawig sa kanya haha!
Hala sya kala ko makata ka na lels
Haha hindi kaya ang ganyan. Napapahanga lang ako sa magagaling na makata. Hanggang basa lang ako eh. Kung makagawa man hindi ganyan kagaling ang mga linyahan.
Hahahaha kala ko gawa mo eh gaya rin pala Kita taga basa lang hahahaha 😁
Damhin natin ang sakit ng mga nababasa natin😂.
Korek 😂😂😂
Hmmm ang haba pek🤧
Haha pek2. Mas maganda kapag mahaba para ramdam.
Aysus ibanh mahaba ang ramdam ko
Haha parang iba na naman nasa utak nito🤧.
🆃︎🆄︎🅻︎🅾︎🅶︎ 🅽︎🅰︎ 🅰︎🅺︎🅾︎ 🅿︎🅴︎🅺︎ 🅶︎🅾︎🅾︎🅳︎ 🅽︎🅸︎🅶︎🅷︎🆃︎
Yong ang seryuso basahin..nalampasan ko na pero binalikan ko pa..ayan nabasa ko ng buo ayie kala ko ikaw yarn sis..good eve.
Haha masakit ang mga linyahan eh. Kahit yung hindi broken masasaktan sa mababasa. Hindi ako yan. Hindi ko kaya magpost ng buong mukha dito.
Happy Sunday.
Maganda ka pa sa gabi:)
Maganda tayong dalawa😅
Nyahahaha
-->… 🤣 akala un na un eh!… napakamot ako sa PS mo… hahaha