Public Misconceptions About President Ferdinand Marcos

0 37
Avatar for Beret1234
4 years ago

Disclaimer: Ang artikulong ito ay walang bahid ng propaganda o anumang may kaugnayang politikal. Ang mga impormasyong naisulat ay nagmula sa mga lehitimong sanggunian na lumalaban sa mga maling impormasyong kalat na sa modernong teknolohiya.

Sa kasalukuyan, isa sa mga pinag-uusapan ng marami ngayon ay tungkol sa mga nagawa ng yumaong pangulong Ferdinand Marcos. Ang iba't-ibang mga tao na may kani-kaniyang ideolohiya ay nagtatalu-talo kung alin nga ba ang tunay at maling kaganapan noong panahon ni Marcos.

Maraming mga pahina at indibidwal ang nagbabahagi ng iba't-ibang mga impormasyon tungkol sa usaping ito, ngunit hindi maiiwasan ang mga mapanlinlang na mga pahayag. Ngayon ay ating bibigyang-linaw ang ilan sa mga sinasabing "katotohanan" tungkol sa yumaong pangulo.

1. Former Philippine President Ferdinand Marcos Earned the “highest score ever” of 98.01% in Philippine Bar Examination

Isa na siguro ito sa mga kadalasang sinasabi ng ilan sa atin. Ngunit ayon sa Korte Suprema, ang nananatiling may pinakamataas na grado sa Philippine Bar Exam ay ang dating associate justice Florenz Regalado (96.7%); si Marcos ay nanguna pa rin naman sa klase na may gradong 92.35% noong 1939, ayon sa lehitimong ulat ng isang pahayagan noong mismong panahon ng kanilang graduation.

2. The Philippines was the “richest country in Asia” during the administration of Ferdinand Marcos

Pangalawa ay ang pahayag na ito ng ilang mga pahina at ibinahagi ng maraming indibidwal na nagsasabing "...let all Filipinos all over the world know the truth." Ngunit pinabulaanan naman ito ng ilang mga tagasuri ng impormasyon. Batay sa GDP at GDP per capita ng bansa, hindi kailanman naging pinakamayamang bansa ang Pilipinas sa Asya o maging sa Timog-Silangang Asya.

Noong mahalal sa pwesto si Marcos taóng 1965, ang GDP per capita ng bansa ay pangatlo lamang sa timog-silangang Asya, sumunod sa Singapore at Malaysia. Noong taóng 1986, bumaba sa ikalimang pwesto ang bansa — sunod sa Singapore, Malaysia, Thailand, at Indonesia.

3. Former President Ferdinand Marcos was paid in gold by the "Tallano royal family of the Philippines" for being their lawyer.

Ang pamilyang Tagean-Tallano na bumuo ng iba't-ibang mga teoryang konspirasya, ay sinasabing nagmamay-ari raw ng isang malawak na kahariang tinatawag na Maharlika. Ito'y binubuo ng Pilipinas, Brunei, Timog Borneo, Hawaii, Spratly Islands, at ang Sabah bago pa man tayo sakupin ng Espanya.

Sinasabi rin na ang pamilyang ito ay nagbayad kay Marcos ng "192 thousand tons of gold" dahil kinuha raw nila si Marcos bilang kanilang lawyer bago pa man ito maging pulitiko. Isama pa natin ang pahayag ng sinasabing 'Prince' Julian Tallano, na "darating ang araw na wala nang squatter na Filipino sa sarili n'yang bayan" (isinalin sa Tagalog).

Sinuri ng mga historian ang naturang impormasyon at kanila itong pinabulaanan. Ayon sa isang Assistant Professorial Lecturer of History sa De La Salle University na si Xiao Chua, walang anumang dokumento o titulo ang makapagpapatunay sa angkin ng pamilya. Dagdag pa n'ya, walang nabanggit na pangalan ng pamilyang Tallano mula sa mga dokumento, papeles, o aklat na tumatalakay sa rehimeng Espanya.

4. 1 Peso is equal to 1 Dollar during the administration of Ferdinand Marcos

Ilan pa sa mga impormasyong inilalahad ng ilan ay nagsasabi na ang dating halaga ng Piso ay katumbas ng isang Dolyar.

Ayon sa datos na inilabas ng BSP, ang halaga ng piso kontra dolyar noong malagay sa pwesto si Marcos taóng 1965 ay P3.91 — mataas na rin kung iisipin. Matapos namang mapatalsik sa pweso si Marcos noong 1986, ang halaga ng piso kontra dolyar ay bumaba at naging P20.46 — bumagsak ng 423.46%.

Sa kabuuan, ang usaping ito ay umabot na sa iba't-ibang mga plataporma ng social media. Maraming mga impormasyong inilalahad gamit ang mga larawang may template at kung minsa'y mahahaluan pa ng mga katagang "Did you know?". Ngunit kung tayo'y magpapalinlang sa mga maling impormasyon, dinaraya na natin ang ating mga sarili.

Aminin natin ang isang katotohanan. Sa panahon ng teknolohiya, ang pagiging ignorante sariling desisyon na pinipili ng nakararami.

"If people think you're stupid, let your written works speak for yourself."

Sources:

☆https://factcheck.afp.com/former-philippine-president-ferdinand-marcos-does-not-hold-record-national-bar-exam

☆https://rappler.com/newsbreak/fact-check/philippines-richest-country-asia-marcos-years

☆https://rappler.com/newsbreak/fact-check/false-filipino-royal-family-ruled-over-pre-colonial-maharlika-kingdom

☆https://rappler.com/newsbreak/fact-check/forex-philippine-peso-dollar-rate-marcos-years

2
$ 0.00
Sponsors of Beret1234
empty
empty
empty
Avatar for Beret1234
4 years ago

Comments