Tiyak na ikagugulat ng isang German Philosopher at Professor na si Adam Weishaupt kung nalaman niya noon na ang kanyang mga ideya ay magiging sentro ng global conspiracy theories, at magiging inspirasyon ng iba't-ibang mga best-selling novels at blockbuster films.
Si Prof. Weishaupt ay ipinanganak noong 1748 sa Ingolstadt, isang lungsod sa Electorate ng Bavaria (bahagi na ngayon ng Germany). Ayon sa kaniya, hindi s'ya salungat sa mismong ideya ng relihiyon, kundi sa pamamaraan at kaugalian nito. Ang ideya na isinulat n'ya ay patungkol sa nararapat na kalayaan mula sa mga pang-aabusong panrelihiyon; pagpapatibay ng ugnayan sa kapwa; at pagbibigay ng kasiyahan sa lahat. Para raw makamit ito, kailangang gumawa ng isang "state of liberty and moral equality, freed from the obstacles which subordination, rank, and riches, continually throw in our way.”
Noong gabi ng May 1, 1776, ang mga unang miyembro ng Illuminati ay nag-tagpo sa isang kagubatan malapit sa Ingolstadt para itatag ang kanilang order. Sila ay limang katao dala-dala ang kanilang mga sulo (torchlight) bilang source ng liwanag. Doon nila binuo ang mga rules na magiging sandigan ng kanilang lipunan.
Sa simula, ang order's membership ay mayroong tatlong levels: Novices, Minervals, at Illuminated Minervals. Ang salitang "Minerval" ay hinango sa isang Roman goddess of wisdom na si Minerva, na sumasalamin sa layunin ng order na magpalaganap ng tunay na karunungan at kaliwanagan tungkol sa kung paanong ang lipunan at estado ay maaaring magbago.
Paglipas ng ilang taon, ang secret society ni Weishaupt ay patuloy na lumago at umabot sa 600 na miyembro noong 1782. Isinama nila ang mga mahahalagang tao sa buhay ng mga Bavarian, gaya nina Baron Adolph von Knigge at ang isa pa sa mga subject ng konspirasya, ang banker na si Mayer Amschel Rothschild, na nag-provide ng kanilang pondo.
Noong una, ang Illuminati ay limitado lamang para sa mga estudyante ni Weishaupt, hanggang sa pinalawig ito at nabilang ang mga noblemen, politicians, doctors, lawyers, at jurists, at ibang mga intelektwal at mga tanyag na manunulat, gaya ni Johann Wolfgang von Geothe. Bago magtapos ang taóng 1784, ang Illuminati ay nagkaroon na ng 2,000 hanggang 3,000 mga miyembro.
Malaki ang papel na ginampanan ni Baron von Knigge, dating miyembro ng Freemason, sa kaayusan at pamamahala sa Illuminati. Ang bawat miyembro ng society na ito ay binigyan ng symbolic "secret" name na hinago mula sa mga sinaunang termino: halimbawa'y si Weishaupt bilang Spartacus, at si Knigge bilang Philo.
Kalauna'y ang membership levels ay mas lalong naging komplikado. Ang mga panggigipit sa panloob at panlabas na isyu sa Illuminati ay tiyak na magiging daan sa pagtatapos sa paglawig ng order nito. Nagkaroon ng pagtatalo sina Weishaupt at Knigge sa kani-kanilang layunin at pamamaraan sa kung paano pamamahalaan ang order. Isang salungatan na, sa huli, napilitan si Knigge na lisanin ang society. Kasabay nito, ang isa pang dating miyembro na si Joseph Utzschneider, ay sumulat ng liham para sa Grand Duchess ng Bavaria, na tila nag-alis sa takip ng lihim ng Illuminati.
Ang mga isiniwalat n'ya ay magkahalong katotohanan at kasinungalingan. Ayon kay Utzschneider, naniniwala raw ang Illuminati na ang suicide ay legal, na ang mga kalaban nito ay dapat lasunin, at ang relihiyon ay kamangmangan at walang katotohanan. Sinabi n'ya rin na ang Illuminati ay nag-aaklas laban sa Bavaria katuwang ang Austria.
Matapos bigyan ng babala ng asawa, ang Duke-Elector ng Bavaria ay nagbaba ng utos noong June 1784 na nagbabawal sa pagbuo ng anumang uri ng society na hindi pinapayagan ng batas.
Inakala ng Illuminati nooong una na ang pagbabawal na ito ay walang epekto sa kanila. Ngunit paglipas lamang ng ilang taon, noong March 1785, ang Bavarian sovereign ay nagpasa ng pangalawang utos, na nag-banned sa mismong Illuminati order. Dahil sa patuloy na pag-aresto sa mga miyembro ng Illuminati, natagpuan ng mga Bavarian police ang mga dokumento na nagpasindak sa kanila, kabilang ang mga dokumentong sumusuporta sa suicide at atheism, isang plano na lumikha ng isa pang sangay ng order para sa mga babae, mga recipes ng invisible ink, at medical instructions tungkol sa abortion. Ang mga ebidensyang nakuha nila ay ginamit bilang batayan para akusahan sika na ang order ay laban sa relihiyon at sa estado.
Noong August 1787, ang duke-elector ng Bavaria ay nag issue ng ikatlong utos na nagbabawal totally laban sa order, kasama rin ang death penalty para sa mga miyembro ng Illuminati.
Natanggal sa posisyon si Weishaupt sa University of Ingolstadt at saka pinalayas. Ginugol n'ya ang mga nalalabing oras ng buhay n'ya sa Gotha sa Saxony kung saan nagturo s'ya ng Philosophy sa University of Göttingen. Kinonsidera ng Bavarian state na ang Illuminati Society ay tuluyan nang naglaho.
Tiyak na ikagugulat ng isang German Philosopher at Professor na si Adam Weishaupt kung nalaman niya noon na ang kanyang mga ideya ay magiging sentro ng global conspiracy theories, at magiging inspirasyon ng iba't-ibang mga best-selling novels at blockbuster films.
Si Prof. Weishaupt ay ipinanganak noong 1748 sa Ingolstadt, isang lungsod sa Electorate ng Bavaria (bahagi na ngayon ng Germany). Ayon sa kaniya, hindi s'ya salungat sa mismong ideya ng relihiyon, kundi sa pamamaraan at kaugalian nito. Ang ideya na isinulat n'ya ay patungkol sa nararapat na kalayaan mula sa mga pang-aabusong panrelihiyon; pagpapatibay ng ugnayan sa kapwa; at pagbibigay ng kasiyahan sa lahat. Para raw makamit ito, kailangang gumawa ng isang "state of liberty and moral equality, freed from the obstacles which subordination, rank, and riches, continually throw in our way.”
Noong gabi ng May 1, 1776, ang mga unang miyembro ng Illuminati ay nag-tagpo sa isang kagubatan malapit sa Ingolstadt para itatag ang kanilang order. Sila ay limang katao dala-dala ang kanilang mga sulo (torchlight) bilang source ng liwanag. Doon nila binuo ang mga rules na magiging sandigan ng kanilang lipunan.
Sa simula, ang order's membership ay mayroong tatlong levels: Novices, Minervals, at Illuminated Minervals. Ang salitang "Minerval" ay hinango sa isang Roman goddess of wisdom na si Minerva, na sumasalamin sa layunin ng order na magpalaganap ng tunay na karunungan at kaliwanagan tungkol sa kung paanong ang lipunan at estado ay maaaring magbago.
Paglipas ng ilang taon, ang secret society ni Weishaupt ay patuloy na lumago at umabot sa 600 na miyembro noong 1782. Isinama nila ang mga mahahalagang tao sa buhay ng mga Bavarian, gaya nina Baron Adolph von Knigge at ang isa pa sa mga subject ng konspirasya, ang banker na si Mayer Amschel Rothschild, na nag-provide ng kanilang pondo.
Noong una, ang Illuminati ay limitado lamang para sa mga estudyante ni Weishaupt, hanggang sa pinalawig ito at nabilang ang mga noblemen, politicians, doctors, lawyers, at jurists, at ibang mga intelektwal at mga tanyag na manunulat, gaya ni Johann Wolfgang von Geothe. Bago magtapos ang taóng 1784, ang Illuminati ay nagkaroon na ng 2,000 hanggang 3,000 mga miyembro.
Malaki ang papel na ginampanan ni Baron von Knigge, dating miyembro ng Freemason, sa kaayusan at pamamahala sa Illuminati. Ang bawat miyembro ng society na ito ay binigyan ng symbolic "secret" name na hinago mula sa mga sinaunang termino: halimbawa'y si Weishaupt bilang Spartacus, at si Knigge bilang Philo.
Kalauna'y ang membership levels ay mas lalong naging komplikado. Ang mga panggigipit sa panloob at panlabas na isyu sa Illuminati ay tiyak na magiging daan sa pagtatapos sa paglawig ng order nito. Nagkaroon ng pagtatalo sina Weishaupt at Knigge sa kani-kanilang layunin at pamamaraan sa kung paano pamamahalaan ang order. Isang salungatan na, sa huli, napilitan si Knigge na lisanin ang society. Kasabay nito, ang isa pang dating miyembro na si Joseph Utzschneider, ay sumulat ng liham para sa Grand Duchess ng Bavaria, na tila nag-alis sa takip ng lihim ng Illuminati.
Ang mga isiniwalat n'ya ay magkahalong katotohanan at kasinungalingan. Ayon kay Utzschneider, naniniwala raw ang Illuminati na ang suicide ay legal, na ang mga kalaban nito ay dapat lasunin, at ang relihiyon ay kamangmangan at walang katotohanan. Sinabi n'ya rin na ang Illuminati ay nag-aaklas laban sa Bavaria katuwang ang Austria.
Matapos bigyan ng babala ng asawa, ang Duke-Elector ng Bavaria ay nagbaba ng utos noong June 1784 na nagbabawal sa pagbuo ng anumang uri ng society na hindi pinapayagan ng batas.
Inakala ng Illuminati nooong una na ang pagbabawal na ito ay walang epekto sa kanila. Ngunit paglipas lamang ng ilang taon, noong March 1785, ang Bavarian sovereign ay nagpasa ng pangalawang utos, na nag-banned sa mismong Illuminati order. Dahil sa patuloy na pag-aresto sa mga miyembro ng Illuminati, natagpuan ng mga Bavarian police ang mga dokumento na nagpasindak sa