Magandang hapon po sainyong lahat. Ako' y muling nagbabalik para maghatid ng isang napakapgandang istorya na aking narinig mula pa noong ako ay nasa elementarya pa lamang. Sana ay inyong magustuhon ang aking inihandang kwento.
Isang araw nagkwento si Juan kay Pedro tungkol sa kanyang mga pinagdadaanan sa buhay.
Juan: Pedro, gusto ko sanang mag- open sayo tungkol sa aking buhay pag-ibig at iba ko pang problema.
Pedro: Sige ba. Ano ba ang iyong problema kaibigan?
Juan: Iniwan na kasi ako ni Maria dahil wala daw akong maayos na trabaho
Pedro: Sus, madali lang magmove on Juan, napagdaanan ko na yan. Hindi lang ikaw ang may problema sa mundo.
Juan: Ito namang si Pedro, narinig mo na ba ang istorya ng patatas, itlog at kape? Dito mo malalaman na iba ang ikaw sa ako at ang ikaw sa kami. Sige makinig ka, saiyong pag uwi ay mag init ka ng tubig sa tatlong takure. Ilagay mo ang patatas,itlog at kape. Maghintay ng 15 minutos hanggang sa ito ay kumulo. At unawain kung ano ang mangyayari sa dating matatag na patatas. Di ba't lalambot? At maging buo at kongkreto ang dating marupok na itlog. At ang kape bibigyan niya ng napakagandang lasa ang tubig at panibagong amoy. Kita mo na? Iba iba ang dulot ng kanilang paglangoy kahit ito'y nasa ibabaw ng parehong apoy. Ganun din sa tao.
Natahimik si Pedro at kanyang napagtanto na tama ang sinasabi ni Juan.Agad niyang niyakap si Juan at sinabing....
Pedro: Tol, andito lang ako.
Ikaw alin ka sa tatlo? Patatas? Itlog? O Kape?
Hope I can get an upvote guys😍.thank you