Hanggang sa ako'y matauhan

0 3

Uulit uliting pakinggan

Mga katagang iyong iniwan

"Mahal kita't kailan ma'y di kayang bitawan"

Ngunit heto tayo...

Sa himpapawid kung saan tayo'y nasa magkabilang dulo

Ang tulay na tila bibigay na.

"Eto na kaya ang tinadhana?"

"Kailangan na bang magpaalam?"

Di man maintindihan bakit kailangang humantong sa ganito. Siguro'y kailangan na lang ding tanggapin.

Ikaw na nagbitaw ng pangako ng habang buhay, ikaw rin lang naman unang bumitaw ang nang iwan.

Pero sa pag katagal tagal ng panahon, eto pa rin ako, nag aantay na may makuhang kasagutan sa mga tanong kung bakit nga ba kinailangang iwanan ng wala man lang paalam?

Sabi nga ni Liza Soberano "pangit ba ko? Kapalit palit ba ko?"

Pero oo nga pala, wala na.

Wala na't eto na tayo sa dulo. Sa dulo na hindi ko man lang nakita nung una at kalagitnaan ng pagsasama natin.

Sana man lang ay na handa ko sarili ko. Pero, nahahanda ba ang puso sa sakit na ganto?

Tatapusin pa rin sa "uulit ulitin kong pakinggan, mga katagang iyong iniwan, pangakong walang hanggan, hanggang sa ikaw na ang unang lumisan. Hayaan mo sana akong maramdaman muna itong sakit hanggang sa ako'y tuluyan nang matauhan. Huwag kang mag alala at kalaunan ay titigil rin paulit ulit na maghanap sayo. Lagi mo lang tatandaan, mahal kita. Ingat ka"

~Hayaan mo sana ako, hanggang sa ako'y matauhan na (by Elly "belly")

2
$ 0.00

Comments

"how unfair love could be" 😔

$ 0.00
4 years ago

Kahit magkalayo kayo Basta Mahal nyu Ang isat Isa Hindi malalayo Ang inyung pagmamahalan

$ 0.00
4 years ago