Pagmamahal ang tanging dahilan kung bakit tayo patuloy na lumalaban sa ating buhay.Ang pagmamahal natin sa ating pamilya,kamag-anak,kaibigan at lalong lalo na sa taong inibig natin na siyang naging inspirasyon sa araw-araw nating pamumuhay.Ang pag-ibig ay maraming depinasyon pero para sa akin,Pag-ibig ang siyang koneksyon sa dalawang nagmamahalan mapalayo man ito o mapalapit.Pag usapan natin ang Long Distance Relationship( LDR ) dahil kabilang ako nito at marami na rin ang nakaka experience nito.Alam ko yong ramdam ng taong nagmamahal sa malayo.Hindi dahilan ang layo ng bawat isa kahit nasaan man siya lupalop ng daigdig hanggat ang pag-ibig ay laging naroroon at nangingibabaw.May katagang”Age doesn’t matter”...Tama nga nman,kritisismo mu ang laging mong marinig bagkus hindi magiging dahilan ang edad upang tayo ay di pwedeng magmahal ng mas bata man o mas matanda sa atin hanggat alam natin na ang pag ibig ay laging naroon.Ang pakikipag relasyon sa malayo ay hindi madali.Masasabi kong ito na ang pinaka mahirap na relasyon na aking naranasan.Kelangan natin ng mahabang pasensya,sakripisyo upang maghintay kahit gaano man ito katagal dahil doon natin masusukat ang totoong nagmamahalan.Ang oras ay magkaiba ,umaga sa atin gabi naman sa kanya pero di yun magiging hadlang para tumigil ang ating mundo.Minsan dumarating ang mga dagok sa atin lalong lalo na sa buhay pag-ibig.Ang hirap paano harapin ang mga problema na malayo kayo sa isat isa,yong feeling na gusto mo ng sumuko pero kumakapit ka pa rin dahil yun ang nararamdaman mo kahit sabihin man ng isip mo na ayaw mo na pero ang puso mo ay di makakapag sinungaling.Yung mga panahon na mis na mis mo na sya ng sobra wala kang magawa kundi umiyak na lang.Yung mga panahon na gusto mo nasa tabi mo sya kasama sa mga lakad ng barkada pero wala sya nasa malayo,nag iisa ka lang ,samantala mga kaibigan mo ay kasama ang kanilang mga minamahal pero enienjoy mo na lng kahit wala sya sa tabi mo.Halos mabaliw ka na sa tuwing kayo ay nagkakaroon ng di pagkakaunawaan, di ka na makatulog sa paghihintay ng message nya kahit isang reply man lng.Halos gumamit ka pa ng ibat ibang numero at account para lng mahagilap sya nang sa ganun ay maisalba ang relasyon na matagal mong iniingatan.Tanging mga litrato at mga videos ang nakikita mo at mga boses ang naririnig mu peru kahit ganun pa man ay masaya ka na dahil andun iyong pag ibig at yong koneksyon nyo dalwa.Sabi nila bihira lang ang nagtatagumpay sa LDR ,maswerte ka na daw kung isa ka sa nagkatotoo pero naniniwala ako hanggat may pag ibig ay walang impossible sa dalwang nagmamahalan.Tandaan mo ang pag ibig ay minsan lang dumarating sa ating buhay,wag mo ng sayangin at pakawalan.Ang kaligayahan ay hindi mapapalitan ng kahit anong bagay sa mundo.Nakahanda kang maghintay kahit gaanu man ito katagal at kalayo.Lagi kong tandaan ang pag pagsuko ay hindi kahinaan bagkus itoy katapangan at paglaban sa buhay kaya patuloy lng tayong lumaban.Hanggat may pag ibig laban lng tayo.Hanggat mahal nyo ang isat isa wag tayong susuko,Pag ibig wag kang sumuko...
0
3
Written by
Barbie
Barbie
4 years ago
Written by
Barbie
Barbie
4 years ago