Read.cash, salamat!

0 10

Magandang Araw mga kapwa ko Pilipino na katulad ko ring nahuhumaling sa read.cash ngayong panahon ng lockdown. Nais kong pasalamatan ang nag-imbita sa akin dito na matyagang nag eksplika ng mga bagay-bagay at kung papaano kikita rito. Noong una'y kita lamang ang habol ko rito ngunit nang aking madiskrube kung anong mayroon dito ay napagtanto kong nakakatuwa rito! Marami akong nababasa tungkol sa iba't ibang paksa, karamiha'y nakakapagbigay kaalaman sa siyensya, kapaligiran, kalusugan atbp. Meron din mga nagbabahagi ng pang araw-araw na gawain sa kanilang buhay, mga katha gaya ng maikling kwento at tula. Maging mga tutorial at DIYs.

Ang dami talagang ideyang nakukuha rito, hindi ka lang kikita kundi matututo ka rin. Sa ilang araw pa lamang na ako'y naging bahagi ng platapormang ito ay masasabi kong napakalaki talaga ng positibong epekto nito sa akin. Malamang, wala mang katumbas na salapi ang pagsusulat at pagbabasa rito ay pipiliin ko paring manatili.

Pagsisikapan kong makapaglathala rin ng mga babasahin na makakatulong, makakapagbigay-aliw at makaka-antig sa mga mambabasa. Suportahan po natin ang isa't-isa. Sa muli'y, maraming salamat at magandang araw.

3
$ 0.00
Sponsors of Baij
empty
empty
empty

Comments

Tunay ngang malaking tulong ito. Sabi ko nga sa aking mga kaibigan ay subukan din nila ito. Maara silang magsulat ng iba't ibang bagay. Maliban sa pwede nilang ilabas ang kanilang saloobin ay kikita rin sila. 😊

$ 0.00
3 years ago

Totoo na napaka laking tulong ang read.cash. Mailaban sa naise-share natin mga gawa natin, natututo din rayo at kumikita. God bless us all ❣️

$ 0.00
3 years ago

nice. keep dropping. lahat pwd dto free wall . hope to rwad more from you po.

$ 0.00
3 years ago