Chapter 2:
How To Influence Someone.
Mayroong two factors to consider when influencing someone.
1. Directly
2. Indirectly
Punta muna tayo sa direct.
From Chapter 1. Napagkwentuhan natin kung anong meaning ng influence at bakit mahalaga ang impluwensiya.
Chapter 2.
Paguusapan natin kung paano nga ba mag influence?
Direct influence meaning face to face ipinapasa ang nais mo iparating sa tao.
Maganda ang direct influence since you are straight to the point and frank. Wala ng paligoy-ligoy.
"Paki kuha yung tubig"
"Bili ka na ng mansanas pogi"
"Ate ganda bagay sayo 'tong damit kunin mo na"
The disadvantage of direct influence is some people ayaw ng dinidirekta.
May mga tao na pabebe type kaya naiinis kapag pinangungunahan sila.
Bagay na bagay ang topic over influence kung ikaw ay
1. Aspiring Entrepreneur
2. Online seller
3. Insurance agent
4. Vlogger
5. Uhm. Influencer kuno?
Haha jk lang. Natutuwa lang ako pag nag iinstagram ako dahil andun daw mga influencer.
By the way, Social Media influencer daw ang tawag sa mga malakas ang impluwensiya sa social media. People who gathered a lot of attention and viewes.
Sa aking palagay, lahat naman ng tao influencer.
Kahit yung mga tahimik at nagmamasid lang ay influencer. Hindi nga lang sila direct.
Dyan papasok ang pangalawa type ng influence.
Ang Indirect.
Indirect influence means influencing someone through actions and example.
Hindi sinasabi.
Pinapakita.
Hindi inaannounce.
Pinagtatagumpayan.
Kumbaga, tahimik lang kung kumilos pero malakas ang dating.
Magagaling ang tao na lowkey lang pero ang lakas ng influence. Eto rin yung mga tao na okay lang kahit wala sa kanila yung spotlight.
Okay lang sa kanila kung nasa likod lang sila.
Sumusuporta at gumagabay.
Kumbaga sa ML role.
Sila yung Mage at Support heroes.
Mga tao na tumutulong sa likod habang may naka frontline.
Sa isang business, eto yung tinatawag na backbone. The spine.
Hindi lang visible, pero kung walang support ng mga indirect influencer, magiging mahina ang pundasyon ng isang grupo at proyekto.
"Ano ba yan Jhunnel. Hindi mo naman sinagot yung tanong sa title"
"Paano ba kasi mag influence?"
Hindi lang napapansin pero once you open up to someone. You are opening yourself to his influence.
Once someone open up, he is also opening himself to your influence.
Hindi magtatagal ang isang grupo kung walang influence. Eto yung hindi nakikita ng mata pero nararamdaman ng puso.
Since influence is not easily seen because hindi naman naka physical form. But more deeper like spiritual and emotional form.
That's why paying attention and listening attentively will greatly help how influence works.
The sad part is,
most people use their influence to inflict pain at makasakit ng kapwa... 😓
Kaya naman sobrang halaga ng salitang respeto at tiwala sa pagkakaibigan at kahit anong uri ng relasyon. Dahil hindi man nakikita, influence took a great part about communication.
Ayun. Chapter 2 na tayo.
Abang abang lang mga master sa mga susunod na chapter. Marami pang ihahain na exotic bulungan
na alam kong makakatulong pa sayo at ng maging blessing ka sa iba 🤲
Basta ah. Lahat tayo may influence. Ngunit nasa sa atin kung paano natin gagamitin.
Kaya naman my suggestion, gamitin natin ang influence sa mas nakakabuting paraan.
Para ibless pa tayo ni Bossing God.
Okaaay😊
Have a nice day.
More blessings sa buhay mo 🙏