-@buwan🌙✨
Im RL and i have my princess she's Vivian almost 3 years na kami,she's so adorable ,cute,lovable thoughtful and caring,wala nakong mahihiling pa sa kaniya .
I met her when I was 10 and she's 8 that time lagi kaming magkaaway ,nagbabatuhan ng kung ano ano nagaasaran hanggang may umiyak. Di ko inaakalang maiinlove ako sa babaeng sumisira sa araw ko.
18 years old siya nung nanligaw ako, 23 years old ako nung naging kami and now im 26 and she's 24 ,lagi siyang nasa tabi ko through ups and downs. Lalo na ngayon na namatay si papa sa cancer ,i need her more than i do ,iniisip ko baka di ko kayanin if wala siya.
Pumunta ako sa kusina kase kanina ko pa siya inaantay pero wala parin siya sabe niya kukuha lang siya ng baso para makapag kape kami pero magiisang oras na siyang wala kaya agad akong pumunta sa kusina,laking gulat ko nang makita kong hinalikan siya ni Ian.
Nagmadali akong umalis don,nang makabalik siya umaasta siyang walang nangyari, dahil sa nakita ko nanlamig ang pakikitungo ko sa kaniya.
-----------------------------
Ikatlong araw na simula nung nilibing si Papa di parin mawala sa isip ko kung anong nakita ko ,kaya napagdesisyunan kong makipagkita sa park bago lumubog ang araw.
Nandito kami ngayon nakaupo nakasandal ako sa balikat niya gaya ng ginagawa ko dati pag sabay naming pinapanood ang paglubog ng araw.
Sa paglubog ng araw agad akong tumayo,hinawakan ang kamay niya at hinalikan ito.
"Lets break up" sabi ko kay Vivian habang hawak parin ang kamay niya
Kita ko ang pagkagulat niya dahil sa paglaki nang mata niya.
"what? No RL ,anong pinagsasabi mo?"
"nakita ko kayo,hinalikan ka niya sa kusina diba?"
"R-RL s-sorry"
"stop saying sorry naiintindihan ko i wasn't enough kaya nagawa mo yon"
"no RL ,i love you malaking pagkakamali lang yon"
"come on Viv,lets just accept the fact were not meant for each other"
"anong pinagsasabi mo?"
"our book is slowly losing its pages" saad ko dito habang di ko mapigilan umiyak
"then lets open another book ,lets start again" saad ni Vivian habang hawak parin ang kamay ko ng mahigpit
"we are already at the last page of our love story,yea maybe its not an happy ending but always remember that once upon a time my heart was yours"
"stop RL pls.. Lets fix this I can't lose you"
"you can't lose me? pero kitang kita ko halikan nyo ni Ian "
"RL---"
Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita at dahan dahan kong inalis sa pagkakahawak niya ang mga kamay ko.
"Im sorry but this is the last chapter of our story or maybe the story continue but our chapter ends here"
Kitang kita ko bawat pag patak ng mga luha sa mata ng babaeng pinakamamahal ko,gusto ko man siyang yakapin at punasan ang mga luhang yon ngunit hindi na maari.
"I-Im n-now c-cutting our ties" utal kong sabi habang pinipigil ang pagtulo ng luha sa mga mata ko
Napaluhod nalang si Vivian habang umiiyak gustong gusto ko siyang itayo,yakapin patahanin pero mas minabuti kong iwan nalang siya don.
Habang naglalakad ako tsaka palang nagpaunahan sa pagtulo ang mga likidong nagmumula sa mga mata ko,hanggang namalayan ko nalang na nasa tulay na ako.
Nakatingala ako sa langit habang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin,naalala ko favorite ni Vivian titigan ang buwan habang hawak niya mga kamay ko. Habang ako paborito kong tignan ang sunset habang nakapatong ang ulo ko sa balikat niya paniguradong mamimiss ko yon.
"Vivian I love you !!!" sigaw ko
"U-until our next eclipse my moon,be happy without me"
"RL please, im sorry "
"meeting you was a dream, and now i need to wake up"
Huling mga salitang sinabi ko bago ako tumalon at unti unting lamunin nang tubig,habang unti unti akong nawawalan nang hininga pangalan lang ni Vivian ang nasa isip ko at ang mga ngiti niya lang ang laman ng puso ko.
-------------------------------
IAN'S POV
Pagkatapos ilibing ni RL tinupad ko ang napagusapan namin,tinupad ko ang pinangako ko sa kakambal ko.
Simula nung araw na hinalikan ko si Vivian dahil gusto ni RL na yon ang maging dahilan para madali niyang mahiwalayan si Vivian alam kong seryoso siya sa sinabi niyang pinapaubaya na niya saken ang babaeng mahal niya.
Kaya gaya ng huling hiling niya sakin bago niya sakin ipaubaya si Vivian ,pinuntahan ko si Vivian sa park dahil alam ni RL na paniguradong sa pakikipaghiwalay niya iiyak ang babaeng pinakamamahal naming dalawa.
Pinatahan ko siya para kay RL
I kiss her forehead for RL
And also I hug her for RL
-------------------------------
"Bro anong sinasabi mo? Bat mo gusto hiwalayan si Vivian?"
"Bro may cancer ako"
Pagkasabi ni RL na may cancer siya nanghina ako at kitang kita ko din ang unti unting pagtulo ng mga luha sa mata niya
"p-pano nangyari yon?" tanong ko
"katulad nang dahilan ng pagkamatay ni Papa ,may cancer din ako"
"diba dapat mas lalo mo sabihin kay Vivian?,come on wag mo siya hiwalayan"
"Actually I can't lose her ,she's my dream"
"then be with her"
"ayokong maging dahilan ako para mas lalo siyang mahirapan madami siyang problema, Bro alam kong mahal mo din siya so pinapaubaya ko siya sayo just promise me love her and treat her like a princess"
"B-Bro--"
"Please Ian nakikiusap ako"
"Yea,kahit di ka makiusap ako na bahala kay Vivian"
"pumunta kang park sa linggo makikipaghiwalay na ako sa kaniya siguradong iiyak yon,please patahanin mo siya sa oras na umalis ako,yakapin mo siya para sakin"
Yan ang huling paguusap namin nang kakambal ko bago niya tuluyang iwan si Vivian.
Alam kong kung may isa pa siyang pagkakataon ,alam kong di niya gugustuhing iwan si Vivian,alam kong hindi niya gugustuhing paiyakin si Vivian at alam kong kung may susunod mang buhay pipiliin niya parin si Vivian,but sad to say na ang babaeng pinakamamahal niya kailangan niyang saktan para tuluyan nang iwan siya dahil sa sakit niyang minana niya kay papa.