Tunay na Kaibigan

2 22
Avatar for BCHvlogger01
2 years ago

Mayroon ka bang matalik na kaibigan? Yung tipong magkapatid na ang inyong turingan, kahit minsan hindi nagkaka-intindihan ngunit mas nangingibabaw ang inyong pagiging matalik na magkaibigan.

Mayroon akong isang matalik na kaibigan Evelyn ang kanyang pangalan. Magkaibigan na kami simula Grade 6 kasi kapitbahay ng Lola ko ang ate niya. Magkakilala rin ang aming mga magulang at iisa lang yung lugar namin. Palagi kaming magkasama,papuntang paaralan at pauwi ay magkasama parin kami. Noong nag Hayskul na kami ay mas lalo kaming naging close dahil naging magkaklase kami, tulad din ng ibang magkaibigan ay mayroon rin kaming hindi pagkaka-unawaan, naaayos rin naman namin ito. Hanggang sa natapos namin ang hayskul ay mas lalong lumalim ang aming pagkakaibigan,kahit na nag-iba na ang mga landas namin ay lagi parin naming kinokontak ang isa't-isa nagkekwentohan at nag-aasaran.

Noong taong 2017 ay nalaman kong na hospital siya at kailangan operahan dahil sa sakit na ovarian cyst, noong mga panahong iyon ay labis ang aking pag-aalala sa kanya ngunit hindi ko man lamang siya nadalaw doon gawa ng kapos kami sa pera at masyado pang mahigpit si Papa noon.Ang ginawa ko nalang ay palagi akong tumatawag sa nagbabantay sa kanya doon upang macheck kung okay na ba siya o ano. Naging matagumpay naman ang operasyon niya sa awa ng Diyos ngunit nalaman kong tinanggalan pala siya ng Left ovary. Sobrang naawa ako sa kanya kasi may tendency na hindi na siya magkaka-anak pa.

Taong 2018 1year na simula ng maoperahan siya. Niyaya niya akong magtrabaho sa isang Mall sa Gensan. Nag apply kami at agad naman kaming natanggap bilang Cashier. Sa sinehan sana kaming dalawa kapag nag resign na raw ang cashier doon ngunit hindi natuloy ang pagreresign ng isang cashier doon kaya isa lang sa amin ang kukunin nila, sabi ko si Evelyn na lamang ang kunin kasi hindi masiyadong busy doon at makakaupo siya, at sabi ko ako nalang doon sa Department store (Shoes Department) alam ko sobrang busy doon kasi noong trainee pa kami sa tuwing dumadaan kami doon nakikita ko kung gaano kabusy doon at ayaw kong mabinat siya. Magkaiba kami ng Shift, Opener ako at siya naman ay midshift(di ako sure sa Tawag) 6pm labas na ako siya naman 7pm pa. Lagi siyang nagpapahintay sa akin para sabay na kaming umuwi ganun din sa umaga magkasama rin kami papuntang trabaho.

5 months ako sa work noon ng sinagot ko ang aking manliligaw na si Brent isang Teller sa Bangko, alam ni Evelyn yun una pa lamang ay ayaw niya na doon sa boyfriend ko para raw kasing hindi mapagkakatiwalaan,ngunit sinabi ko sa kanya "kung totoo kaibigan turing mo sa akin dapat maging masaya ka alam mong mahal ko siya ." Ngunit sinabi niya sa akin bago tumalikod " Okay, basta besh sinabihan na kita".

Makalipas ang tatlong buwang relasyon namin ni Brent ay nabuntis niya ako. Sinabi ko iyon agad kay Evelyn. Sinabi rin sa akin ni Evelyn na sabihin ko kay Brent iyon.. Dala-dala ang resulta ng pregnancy test ay pumunta kami ni Evelyn sa apartment ni Brent nasa pintoan na kami at akmang bubuksan ko na ay may narinig akong boses ng isang babae .

"Brent kailan mo ba hihiwalayan ang girlfriend mo? Ayaw ko na magtago huh!

Naaawa ako sa kanya humahanap pa ako ng pagkakataon na sa sabihin sa kanya alam mo namang sobrang bait niya ayaw ko siyang biglain.

Noong mga panahong iyon ay aksidente ko palang natulak ang pintoan at nagkatinginan ang dalawa, it's Aira mahinang sabi (kasamahan sa trabaho ni Brent) sabay bato sa pregnancy test kay Brent tapos tumakbo na ako. Sinundan ako ni Evelyn sabay yakap sa akin. Sabi ko sayo besh masama kutob ko sa Brent na yan ayaw mo kasing makinig,pero hayaan mo na nandito lang ako palagi para sa inyo ni Baby,sana maging Aral to sayo. Napahagulhol na lamang ako..

Sana nakinig ako sa Bestfriend ko noon pero palagi namang nasa huli ang pagsisisi 😌....Pero masaya ako kasi yung batang naging bunga ng katangahan ko noon ang nagbibigay na ng inspirasyon sa akin ngayon.. Dalawang taon na si Alexa .

Ang gulo kong magkwento Hahahaha

4
$ 0.10
$ 0.10 from @Kryptlook
Sponsors of BCHvlogger01
empty
empty
empty
Avatar for BCHvlogger01
2 years ago

Comments

Aws Ang sakit naman ng kwento mo na to sis ,Kaya Sa sunod piliin mo ma yong taong Handang Samahan ka sa habang buhay para may katuwang ka . Mamahalin ka ng totoo .

$ 0.00
2 years ago

meron pa kaya sis? Parang wala na kasi hahah ayoko na umasa sa wala..

$ 0.00
2 years ago